Kabanata 24

15 3 0
                                    


Pinanuod ko kung paano ako talikuran ng taong pinakamamahal ko. Ipinikit ko ang aking mga mata nang maramdaman kong inilalagay na ang lubid sa aking leeg.


"TRES, AHORA.!" (tres, ngayon na)

Sabay sabay akong nakarinig ng putok ng mga baril, kasabay nun ang pagkawala ng aming tinutungtungan, unti unti na rin akong kinakapos ng hininga. Iminulat ko ang aking mga mata, tumambad sa akin ang aking Ama na mariin na nakatingin sa akin.

'Patawad, Ama.'

Naghiyawan ang mga tao sa buong paligid, nagkaroon ng malaking pagsabog sa hindi kalayuan. Kasabay nun ang pagkaputol ng lubid na naging dahilan ng pagkahulog ko sa sahig. Habol ang hininga ng tinulungan akong makatayo ng kung sino.

"Hali na, Simoune." Aniya Lucia.

Sa nanlalabong mga mata ay inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng plaza, nagkalat na ang mga sirang mga kagamitan. May mga ilang bangkay din ng mga guwardia. Meron naman iba na nakikipaglaban. Sa nakikita ko ay lamang ang kampo nila Tatay Emilio. Nang makabawi ako ng lakas ay tumulong na din ako sa pakikipaglaban, pinulot ko ang bolo na nahulog sa sahig at agad itinarak sa dibdib ng papalapit na guwardia.

Hinanap ng aking mga mata ang kinalalagyan nila Ina at ng aking kapatid ngunit hindi ko sila masilayan sa napakagulong paligid. Nanlaki ang aking mga mata nang masilayan ko ang aking Ama sa gitna ng plaza, pinipilit nito makatayo. Ngunit dahil sa katandaan ay mabagal ang nagiging pagkilos nito.

Halos takbuhin ko na ang kinalalagyan nito, natigilan ako ng tutukan ng baril ito sa ulo ni Tatay Emilio.

"HINDI." halos sigaw ko na dito.

"Hangal ka,Timoteo. Sobra na ba ang kasakiman mo sa kapangyarihan." tugon ni Tatay Emilio.

Nangmakalapit ako ay agad kong tinulungan si Ama."Tatay Emilio, mag hunos dili ka." nakatutok pa din ang baril sa amin. Malungkot ang mga mata ng matanda. Nasasalamin dito ang matinding hinagpis.

"Una mong sinakripisyo ang ating pagkakaibigan. Naniwala ako na baka, sa pagdaan ng panahon ay maisip mo na mali ang talikuran kami. Ngunit nagkamali ako, Timoteo. Handa mo nga pa lang gawin ang lahat para lamang sa kapangyarihang hangad mo." nanlaki ang aking mga mata ng makita kong may mga guwardia na paparating mabilis nitong pinapatok ang baril kay Tatay Emilio.

Bumagsak ang katawan nito sa lupa. Mabilis naman nilapitan ng mga guwardia si Ama. Tinatanong kung ayos lamang ba ito. Tulala akong nakatingin kay Tatay Emilio, nag-aagaw buhay ito. Kada ubo nito ay may nalabas na dugo sakaniyang bibig.

Mabilis akong hinatak ni Ama. "totoo ba, Ama.?" tanong ko dito.


"Wala akong oras na sagutin yang mga tanong mo Simoune." mariin nitong tanong.  Marahas akong kumalas sa pagkakakapit nito sa aking braso.

"Kalimutan niyo ng may anak kayong lalaki. Hinding hindi ko kayang talikuran ang mga taong tumulong sa akin.. Lalaban ako hanggang sa huli."  mabilis akong tumalikod dito. Humigpit ang kapit ko sa aking bolo ng marinig ko ay kaniyang sinabi.

"Kung iyan ang iyong desisyon. Galingan mo ang pakikipaglaban, ayaw kong sa sarili kong mga kamay magtatapos ang iyong buhay." matapos marinig iyon ay mabilis na akong tumakbo pabalik sa mga taong naging parte na ng buhay ko.



Hinigingal pa ako mula sa pagtakbo, ngunit hindi na ako nabigyan ng pagkakataong magpahinga dahil agad kong tinulungan si Marcelo sa pakikipaglaban sa dalawang guwardia. Isang putok ang nagpatigil sa akin. Agad akong nakaramdam ng bigat sa aking likuran.

"Salcedo!." sigaw ni marcelo. Mabilis kong hinagis ang bolo sa dibdib ng guwardia at agad naman itong natumba.

"Kapit lang, wag kang bibitaw." matatag kong sabi dito.

Hinatak niya ang aking damit, dahilan ng pagkakayuko ko. "S-sundan mo ang puso mo." mahina nitong bulong sa akin.

"Oo, pero hindi sa ngayon. Mas kailangan nyo ako."  pinagtulungan namin siyang buhatin ni Marcelo. Naghanap kami ng paglalapagan dito. Yung ligtas at siguradong hindi mapapansin ng kalaban.

"Dito na lang kayo." sambit ko ng malapag namin si Salcedo.

"Ngunit, paano ka?. Mag iingat ka Simoune." tumango ako dito, at mabilis na binalikan ang ilang kasamahang naiwan.


Natigilan ako sa pagtakbo ng harangin ako ng isang heneral ng hukbo nang mga kastila.


"May sa pusa ka talaga." galit na tugon nito.

"Ano ba ang nagawa ko sayo at bakit galit na galit ka sa akin?".

"Hindi ako sayo galit, Kundi sa Ama mo!. Kung hindi namin siya magagawang pabagsakin. Ikaw na lamang." madiin nitong tugon.

"Bago mo yan gawin, ikaw muna ang pababagsakin ko." kasabay nun ang pag alingawngaw ng putok ng baril, ngunit hindi ito rinig sa buong kapaligiran dahil sa ingay ng mga kanyon na ibinabato ng mga hukbo ng kastila.

"Umalis ka na, Simoune. Isama mo na ang iyong mga kaibigan. " tugon ni Ama, at hinagisan ako ng isang supot ng barya. "Pumunta kayong silangang-hilaga, mas ligtas kayo roon." dagdag pa nito.

"ngunit, paano kayo Ama" nag aalala kong sambit.

"Huwag mo na kami, intindihin dito. Sulatan mo ako kapag nakarating na kayo duon. Ngunit palitan mo ang iyong pagkakakilanlan. Marahil matigas man ako sa iba. Ngunit sainyong mga anak ko, hinding hindi ko kayo kayang talikuran." mabilis kong nilapitan si Ama at kinulong ito ng yakap.


"Mahal na mahal ko kayo, Ama."

"Matagal ko nang hindi naririnig ang mga iyan saiyo." mahina siyang tumawa. "Sige na, tumakas na kayo habang nagkakagulo pa. Paparating na ang barko. Baka mahuli pa kayo." kumalas ako sa pagkakayakap dito at mabilis na sumaludo bago ako kumaripas ng takbo, pabalik sa aking mga kaibigan.


Pagkarating sa daungan ay siyang pagdating ng barko papuntang hilagang-silangan . Dali dali kaming nakigulo upang maka akyat sa barko. Nang maka akyat ay nagkatinginan kami ng maalalang hindi nga pala kami nakabili ng tiket. Natatanaw na namin ang nagtitingin ng mga tiket, natanaw ko ang mga kalalakihan sa di kalayuan. Kapwa sila mga marurumi at puno ng uling. Agad akong nakaisip ng paraan. Dali dali akong lumapit dito at kinausap.


Nang mapa-payag ko na sa gusto kong mangyari ay dali dali akong bumalik kina Marcelo at tinulungan siya upang alalayan si Salcedo. Nalapatan na ito ng paunang lunas sa natamong daplis ng bala ng baril sa may bandang tagiliran.

Dinala kami nito sa babang bahagi ng barko. Mausok at mainit sa lugar na ito, ngunit ayos lang.

"Dito na muna kayo, maaari  kayong tumulong sa pag lalagay ng uling sa makina ng barko. Hindi ito pinapasok ng mga nagtitingin ng tiket kung kaya mas mabuting huwag na lang kayong umalis sa bahagi na ito ng barko." bilin nito, mabilis kaming tumango at nagpasalamat dito.

Naging mahaba ang paglalakbay namin, pag may pagkakataon ay natulong din kami sa paglalagay ng uling sa makina ng barko upang kahit papaano ay makatulong kami sakanila.

Inabot ng higit isang buwan ang paglalayag, at nang makatapang na kami sa konkretong kalsada ng bansang ito ay nabuhayan ako ng pag asa.

Pag-asang magkaroon ng bagong buhay.

Consummatum Est [Completed]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum