Kabanata 22

15 2 0
                                    


Maaga akong naprepara para sa araw na ito, naka-ayos na din ang lahat ng aming gamit. Ngayon ang araw kung saan babalik na kami sa bansang pinagmulan.

Mamayang alas otso ang dating ng barko, ngunit ala sais pa lang ng umaga ay nakagayak na ako. Hindi na nagtanong pa si papa kung anong mayroon sa araw na ito.. Halos lahat ay alam na kung anong magaganap.

"Magkita na lamang tayo sa daungan, Inez." ani papa

Tumango ako dito, kinuha ko ang balabal sa taas ng tokador. Ibinulumbon ko ito sa aking leeg at nagtungo na sa plaza. Makikitaan mo ang mga tao ng matinding pagsimpatya, lahat sila ay nakasuot ng itim. Ang mga lalaki naman ay suot suot ang kani-kanilang mga sumbrero.

Nadaanan ko pa ang isang misa, tila lahat ng mamamayan ay nagdadasal, didinggin kaya sila nito?, alam ko na lahat ng pagsubok na kaniyang binibigay sa mundo ay malalampasan ng tao. Ngunit sa puntong ito, hindi ko siya sinisisi. Ang sarili ko lamang ang aking sinisisi sa pagkakataon na ito.

"Mahal ko, ito na ang ating huling pagkikita nais ko sanang sabihin sayo na labis kita minamahal." ani ko sa aking sarili.

Nang makarating na ako sa plaza ay halos mapuno na ito, pilit akong sumisiksik upang makita ang mangyayari. Mabilis kong sinundan ang mga guwardia sibil, nasa gitna nila ang taong labis kong minamahal. Diretso ang tingin ko sa maamo nyang mukha, nababakas dito ang matinding pag sukong lumaban sa kanyang kalayaan..

Hiling ko'y tuluyan nang makalaya ang inang bayan sa malulupit na kastilang naghahari-harian sa bayan na ito.

" Mag iingat ka parati mahal ko, huwag mo pababayaan ang iyong sarili." umalingawngaw sa aking isipan ang mga katagang sinabi niya sa kaniyang liham. Tila ba'y isa itong awitin sa radyo na paulit ulit naglalaro sa aking isipan.

Hinigpitan ko ang kapit sa balabal nakakabit sa akin nang lumakas ang ihip ng hangin. Biglang kumulimlim, tila ba'y nakikisimpatya ito sa anumang maaaring mangyari.

Isa isang pinapapila ang mga bihag sa isang entablado, marahas silang pinapwesto sa nakahandang mga silya, Sa likod nito ay may tag iisang poste,nakakabit dito ang lubid na tatapos ng lahat.

Marahas kong pinunasan ang tumulong luha sa aking mga mata. Nagtama ang aming mga mata. Nasasalamin dito ang matinding 'pangamba', 'pagmamahal' at 'pamamaalam.'

Agad naputol ang aming pagtititigan nang sunod sunod na dumating ang mga guwardia sibil na hahatol sakanila. Umalingawngaw ang tunog ng trumpeta, hudyat na magsisimula na ang pagsisintensya.

Namayani ang mga bulong ng mga makakasaksi, ngunit agad na natahimik ito nang dumating ang heneral ng guwardia sibil.

"Escucha, aquí están las consecuencias de la traición al gobierno". (Mag bigay pugay sa gobernador)

Nagsitanguhan ang mga kapwa principalia na nakaintindi, may ilan na kapwa walang muwang sa mga narinig. Makikita din sa di kalayuan ang mga nakakataas na nakamasid.

Malaking bagay ito, dahil ito ang kanilang tanging solusyon upang matakot ang mga pilipinong kalabanin ang kanilang baluktot na pamamahala.

Nakitaan ko nang matinding lungkot ang ama ni Simoune, ka'y sakit nga naman na makita na bilang na ang oras ng iyong anak, at wala nang mas sasakit pa dito kung ikaw mismo ang maghahatol dito.

" vamos a empezar. " (Simulan na natin.) walang emosyon nitong sambit. Nasa unahan din ang sa tantiya ko'y Ina at mga kapatid ni Simoune. Kapwa sila naghihinagpis.

Dali daling nagsipanhikan sa entablado ang limang mga gwardia na nakatalaga. Muling nagtama ang aming mga mata, hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng aking mga luha.


"UNO" bilang ng isa.


Hindi ko maalis ang aking paningin sa lalaking sinisinta, ni kumurap ay hindi ko magawa. Natatakot akong sa oras na kumurap ay tuluyan ng maglalaho ang lahat.


"DOS"

Isang ngiti ang kanyang isinukli sa akin, ngiting kailanman ay labis kong hahanap hanapin. Tumalikod na ako, hindi ko kayang makita… mabilis akong tumakbo papalayo ngunit kahit anong bilis ko ay siya pa ring ka'y lakas nito.



"TRES, AHORA !"


Nakarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril, napapikit ako. Hindi ko na kayang muling lumingon. Malapit na ako sa daungan. Mabilis kong nakita si papa na nag aabang sa aking pagdating. Halos takbuhin ko na ang aming distansya, mabilis akong yumakap dito.


"Wala na papa." malungkot kong tugon. Hinimas niya lang ang aking ulo.

"Makakaya mo ito anak, masakit sa ngayon. Ngunit sa pagdaan ng panahon ay matututunan mo din itong tanggapin." mahinahon niyang sambit.

Napapitlag ako nang marinig ang malakas na busina ng barko, nag uunahan ang mga tao sa pagpila kung kaya't ganoon na din ang aming ginawa. Nang makasakay ay agad kaming nagtungo sa silid na nakalaan sa amin. Mabagal ang aking pagkilos, tila ba nakalimutan ko na din kung paano nga ba mabuhay. Hinayaan ako ni papa na agad na magpahinga. Nais ko na lamang takasan ang bangungot na ito.

Hindi na ako nabigyan ng pagkakataong magluksa, hinimas ko ang singsing sa aking daliri. Ito na lamang ang kinakapitan ko sa mga oras na ito. Nais ko na lamang magpahinga. Wala nang araw ng magising ako, agad akong nakaramdam ng pagkagutom. Tahimik akong bumangon, nasilayan ko si papa na mahimbing na ang tulog sa kaniyang kama.

Dahan dahan akong lumabas ng silid, agad na sumalubong sa akin ang amoy ng tubig alat. Tahimik na ang buong kapaligiran, siguro'y tulog na ang karamihan sa mga pasahero. Dinala ako ng aking mga paa sa unahang bahagi ng barko. Sumalubong sa akin ang matinding hampas ng hangin. Sinasayaw nito ang mahaba kong buhok.

Humilig ako sa rehas, natatanaw ko ang walang himpit na karagatan. Hinayaan kong maglandas ang aking luha. Katulad ng paghaya kong masaktan sa pagkakataon na ito. Ipinikit ko ang aking mga mata, ngunit ang kaniyang imahe na nakangiti sa akin ang aking nakikita.

Napaluhod ako, ang isang mahinang pag-iyak ang nauwi sa paghagulgol. Paano ko nga ba magagawang alagaan ang aking sarili kung ang dapat na gumawa nito ay wala na?

"tignan mo lang ang mga bituin sa langit sa oras na ika'y mangungulila." lalong lumakas ang aking panaghoy, hindi ko na alam ang aking gagawin.

"Hanggang sa muli, mahal ko." mahina kong sambit sa karagatan.

Consummatum Est [Completed]Where stories live. Discover now