Kabanata 15

17 3 0
                                    

Naririnig ko ang samo't saring singhapan ng mga kababaihan sa aking likuran. Hindi ko namalayan na nakasunod pala sila sa akin. Ngunit tanging si Simoune lang ang aking nakikita.

Unti unting pinaliit ni Simoune ang pagitan namin, tinitigan ako nito diretso sa mata.

"A-ano ito Simoune." alanganin kong tanong.

"Alam kong hindi ito ang tamang panahon, ngunit nais kong may panghawakan." marahil ay nakita niya ang mga aking mga matang nagtatanong "Ramdam ko Amara, na gusto mo din ako. Hindi iyon sapat. Nais kong may pang hawakan ako.. Lalo na't may importante akong misyon na gagawin." paliwanag nito.

Sasagot na sana ako nang muli kong suyudin ang kapaligiran, napapalibutan pa rin kami ng ilang mga kuryoso sa aming munting pinag uusapan.

"Maaari ba tayong mag usap ng pribado?, tayo lang." bulong ko. Doon niya lang marahil napagtanto ang ginawa, napakamot siya sa batok at marahan akong iginaya papasok ng aming silid.

"Anong misyon ?." Agad kong tanong ng nasa loob na kami.

"Hindi ko maaaring sabihin saiyo." nagulat ako sa kaniyang naging sagot.

"Bilang manliligaw ko, nais ko sanang maging tapat ka sa akin. " bakas ang matinding gulat sa kaniya dahil sa narinig.

"P-pumapayag ka na?." napakurap ako ng tatlong beses, doon ko lamang napag tanto ang nasabi.

Agad na namula ang aking pisngi, nag iwas ako ng tingin dito. Narinig ko siyang marahan na tumawa.

"ituturin kong oo ang iyong sagot."  maginoo nitong sambit. "Ang misyon namin ay, pag aralan kung paano itatakas si Señor Rizal."

"Miyembro ba siya ng kilusang ito.?"

Sinarado niya lahat ng bintana sa aming silid, pati ang pinto. Marahan siyang lumapit sa akin.

"Maipapangako mo bang, hindi mo ito ipagsasabi kahit kanino man?" halos pabulong nito sambit sa akin. Marahan akong tumango.

"Matalik na kaibigan ni Tatay Emilio si Señor. Kaya lubos ang kaniyang naging gulat ng bigla na lamang dakipin si Señor at pagbintangan na isang rebelde.Kailan man ay hindi sumapi si Señor sa kilusan, nagpapalitan lang sila ng sulat ni Tatay Emilio upang magkamustahan ako ang nagiging mensahero nila." tumingin siya ng diretso sa aking mga mata. "At nang minsan na mangutang si Tatay Emilio ng pera, ginamit nila ito bilang ebidensya upang mas lalong idiin ang kasong nais nilang ipataw dito."

"Pero bakit, nila gagawin iyon?." naguguluhan kong tanong dito.

"Matuwid ang prinsipyo ni Señor, sinisita niya ang mga maling gawain ng mga mapang abusong opisyal. At dahil dun naging mainit na siya sa kanilang mga mata."

"K-kung gayon, nais nilang wasakin ang reputasyon nito?"  marahan itong tumango.

"Nais din nilang mawala na si Señor sa landas nila, habang buhay." nasasalamin ang kalungkutan sa kaniyang mga mata. Marahan kong inabot ang kaniyang kamay at  dahan dahan itong pinisil.

"Magiging maayos din ang lahat."  sambit ko.

-

Kinabukasan ay maaga akong sinundo ni Lucia aniya niya ay mamimili daw kami sa bayan nang mga produktong kailangan. Apat kaming kababaihan ang nagsama sama para dito.

"Masaya akong nagkakasundo kayo ni Lucia, ngunit huwag mong hahayaang mahulog ang balabal mo, hanggat maaari iyuko mo lang ang iyong ulo." bilin ni Simoune habang inaayos niya ang aking balabal, marahan akong tumango. Lumipat ang atensyon niya kay Lucia. "Ingatan mo to Lucia."

Consummatum Est [Completed]Where stories live. Discover now