Kabanata 12

17 3 0
                                    


Naglalaro sa aking paningin ang apoy ng siga na nagbibigay ng init at tanglaw sa kadiliman ng kagubatan. Hindi ako dinadalaw ng antok, lumipat ang aking atensyon sa lalaking mahimbing na natutulog. Nagbabalik na ang natural na kulay ng kaniyang labi at mukha, hindi katulad kanina ay halos kasing puti na ng papel. Bahagya din siyang nilagnat, kung kaya't isa siya sa dahilan kung bakit hindi ako dalawin ng antok.

Sa aking pananatiling gising ay hindi ko maiwasang malungkot sa kinahinatnan nito.

'Isa na ba akong tulisan?' bulong ko sa aking isip.

Marahil ay dahil sa pagtakas kong ito ay mas lalong nagpadiin sa akin. Kung wala kang kasalanan, bakit ka tumakas?. Dahil ba natatakot ka? Ngunit kailanman ay hindi naging dahilan ang takot upang takbuhan ang problema. Pero yun na nga ang nangyari hindi ba?, pinangunahan ako ng takot kung kaya't sumang ayon ako sa planong ito. Ngunit.. Hanggang saan nga ba ang kaya kong tiisin kapalit ng kalayaan..

Muling akong nagpakawala ng marahas na hangin.
"Panay ang buntong hininga mo." nagulat ako nang magsalita si Simoune.

Nag iwas ako ng tingin sakaniya dahil nahihiya ako. Kung hindi dahil sa akin ay hindi siya madadaplisan ng bala.. At hindi mababaril si Endong.

"Sinisisi mo na naman ba ang iyong sarili?." nagpakawala din siya ng buntong hininga. "Wag mo nang sisihin ang iyong sarili. Marahil ikaw nga ang dahilan ngunit.. May sarili naman akong desisyon sa buhay. Ginusto ko ito, Amara."

"B-bakit mo ginusto?, Isa lang naman akong dayuhan sa bansang ito. At, kailan mo lang ako nakilala hindi naman siguro sapat ang panahong nakasama tayo upang ibuwis mo ang iyong buhay para sa akin."

Nakita kong kumunot ang kaniyang noo dahil sa narinig. Sumilay ang mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi.

"Sa tingin mo, bakit nga ba?, bakit handa akong ibuwis ang aking buhay para sa isang binibini."

Hindi ako kumibo, may hinala na ako ngunit ayaw kong maging abisyosa.

"Gusto kita, Amara."

Ilang ulit akong napakurap dahil sa narinig, kahit na may kutob ako ay labis pa rin akong nagulat sa kaniyang sinabi.  Agad na nag init ang aking mukha, gusto kong mag salita ngunit wala ni isang pangungusap ang lumabas sa akin.

Naglakas loob akong muli siyang tignan, halos higitin ko na ang aking hininga nang madatnan kong mariin siyang nakatitig sa akin.

"Matulog ka na,  ako na muna ang magbabantay … sayo." halos pabulong niyang sambit sa mga huling kataga ngunit narinig ko pa din ito.

Dahil sa matinding kahihiyan ay nagpasya akong sundin ang kaniyang sinabi. Kahit mahirap ay pinilit kong matulog, siguro sa sobrang pagod na din ay tuluyan na akong nakatulog.

-

Tanghali na nang magising ako, natanaw ko si Simoune sa may lawa. Palagay ko'y nanghuhuli ito ng isda. Tumayo ako upang makalapit dito.

Naghilamos ako sa malinaw at malamig na tubig ng lawa. Pinunasan ko ang aking mukha pagkatapos, pagkatayo ko ay muntik na akong matawa sa naging reaksyon ni Simoune nang makita ako. Muntik na siyang matumba sa lawa, marahil ay nagulat sa biglaan kong pagsulpot. Nakita ko pa siyang nakahawak sa kaniyang dibdib.

Nangmakalapit siya ay pinahawak niya sa akin ang tali na may nakasabit na isda. Dalawa iyon, inayos niya ang pagkakalaylay ng kaniyang pangbaba. Saka muling kinuha sa aking kamay ang mga isda.

"Kamusta ang iyong tulog?" panimula niya ng usapan.

"Ayos naman, bahagya nang magaan ang aking pakiramdam. " Natigilan ako ng maalalang may lagnat nga pala siya kagabi.

Agad na lumipad ang aking palad sa kaniyang noo, pinapakiramdaman kung mainit pa ba ito. Kita sa kaniya ang matinding pagkamangha. Tinaasan ko ito ng kilay at pinagpatuloy ang ginagawa. Nang masiguro kong magaling na nga siya, nasa aktong ibaba ko na ang aking kamay ng hulihin niya ito.

"Dito ako may sakit." nanlaki ang aking mga mata nang inilagay niya ang aking kamay sa ibabaw ng kaniyang dibdib.

Bumunghalit siya ng tawa nang makita ang aking naging reaksyon. Marahas kong binawi ang aking kamay sa kaniyang pagkakahawak at nagmartsa palayo sa kaniya.

"Nagbibiro lamang ako. !"  sigaw niya, ngunit naririnig ko pa din ang kaniyang pagtawa hanggang dito.

Hanggang sa kaniyang pagluluto ay nakakakuha siya ng ismid.

"Galit ka pa din sa akin?, nagbibiro lang ako. " Paliwanag niya sa akin.

"Nagbibiro?, halos hanggang ngayon ay nakikita ko pa din ang ngisi mo."

Pinilit niyang maging seryoso. "Hindi na. Pangako. Bati na tayo."

Hindi ako kumibo, nag iwas lang ako ng tingin dito, bakit ba kahit anong gawin niya ay gumagandang lalaki pa rin siya sa aking paningin?. Ganito na ba kalala ang aking nararamdaman para sa kaniya.?

"Oo nga pala, magsisimula na tayong maglakad papuntang kampo pagkatapos natin kumain." dagdag niya. Bahagya akong natigilan sa aking narinig.

"K-kampo?" ulit ko upang makumpirma ko kung tama ba ang aking narinig.

Tumango siya at mabilis akong tinignan. "Mas magiging ligtas tayo doon."

"K-kamusta na pala si Señor Rizal?, h-hindi niyo ba siya itatakas?"

Natigilan siya sa aking sinabi. Nang makabawi ay saka nagsalita. "Matindi ang seguridad sa kaniya, hindi pa kami makatyempo." nahalata kong pilit niyang iniiwas ang tingin sa akin kung kaya't hindi na ako nagtanong pa ng tungkol doon, nararamdaman kong ayaw niya itong pag-usapan.

-

Pagkatapos namin kumain ay nagsimula na nga kaming maglakbay. Malubak ang daan at maputik pa ang ilang dinadaanan kung kaya't nahihirapan akong sumunod sa mabilis niyang paglalakad.

Pansin kong tila kabisado niya ang pasikot sikot sa kagubatang ito. Tuloy tuloy lang ang aming paglalakad na para bang siguradong sigurado siya sa kaniyang nililikuan. Inalalayan niya ako nang bahagyang paakyat ang dadaanan.

"Dahan-dahan, madulas ang lupa." Pagpapaalala niya sa akin. Muntik na nga kaming dumaus-dos pababa buti ay nakahawak siya sa malapit na puno.

Pagod na pagod ako nang marating namin ang tuktok. Napaubo ako dahil sa pagod. Nanatili namang nakatayo si Simoune. Nang tignan ko siya ay diretso ang kaniya tingin kung kaya't sinundan ko ito. Tumambad sa akin ang isang nagtatayugang mga bakod, sa gitna ay ang malaking pintuan na nagsisilbing labasan nito.

"Andito na tayo." Sambit niya at naglahad nang kamay sa akin. Tinanggap ko ito at tinilungan niya akong makatayo ng maayos.

Nang makalapit kami sa tarangkahan ay kumatok ng tatlong beses si Simoune. Tumingala siya, ginawa ko din ito, nakita kong may dumungaw. At nag bigay pugay kay Simoune.

Makaraan ng ilang minuto ay unti unti nang bumukas ang tarangkahan. Tumambad sa amin ang mga miyembro ng kilusang ito. At masasabi kong hindi maganda ang aking kutob sa paraan ng pagsalubong nila sa amin.  Nakumpirma ko ito nang may isang matandang mabilis na lumapit sa amin at mabilis na simpal si Simoune. Sa gulat ay hindi ako naka-imik.

"Ano itong ginawa mo Simoune, hindi ba ang sinabi ko ay pag-aralan niyo ang pagtatakas kay Jose. Ngunit ano itong ginawa mo." mahinahon ngunit mahihimigan dito ang awtoridad.

"Patawad, pinuno. Hindi ko lamang matiis na makitang nasa selda ang …

aking minamahal." naramdaman kong hinawakan ni Simoune ang aking kamay. Nakita ko kung gaano nanlaki ang mga mata dahil sa pagkabigla ng ilang mga nakarinig.

"Pag-ibig. Mag-ingat ka Simoune. Ayaw kong ito ang maging dahilan ng iyong pagkamatay." makahulugang sambit ng matanda at tuluyan na kaming tinalikuran.

Consummatum Est [Completed]Where stories live. Discover now