TWO

201 60 56
                                    

IT'S 6 o'clock in the morning, I've decided to start my real agenda which is to work for a month. Hindi pa ako nakakapag-breakfast kaya kailangan kong huminto sa pwedeng makainan. But before that, I have to deposit half of my salary to be sure that I can go back to manila after this stuff. So, budgeting, that's my task. I stopped here in Brix Coffee, na malapit sa company. Everything on the menu looks delicious, but there's no price stated. I ordered Kopi Luwak and a bread.

"It's three thousand eight hundred fifthy ma'am" tumawa ako ng bahagya sa cashier, mukhang trip niya ata ako.

"Is that a joke? May sense of humor ka ah." ngumiti lang ito at umiling, medyo napahiya ako dahil may nakasunod sa akin. "Fuck!" I murmured. may ganon bang kape? ubos pera ko. Iniabot ko yung 4 thousand, "haruy jusko pang rent na yun." Hinintay ko pa yung sukli, kahit medyo matagal. Hinding hindi ko aasamin ako bumalik dito, aanhin mo pa ang sarap at ganda ng ambiance kung uubusin naman laman ng wallet ko.

"If you want to say something against here, then speak up. I'll give you this." Napatingin ako sa gawi ng nag salita. He looks shit. "Epal." Umalis na ako sa coffee shop na yun bago ko pa isungalngal yung hawak niyang pera sa bunganga niya.

"Ate! Pinabibigay po ng owner ng Brix Coffee" sabay abot ng cashier sa akin ng ibinayad ko kanina. Tumakbo ito paalis kaya hindi ko rin nahabol. Binasa ko yung note na nakalagay sa receipt, "Don't come again." napasinghap ako. Talaga! hinding hindi ako na ako babalik sa coffee shop na ang kape katumbas ng tatlong damit sa H&M!

Pinakalma ko ang sarili ko, dapat talaga kalmado, libre din yun ah. Ni-ready ko na yung sarili ko bago pumasok sa Wonder Company.

"I'm Eira, Nics friend, her assistant also."

"Ma'am, wait po." May tinawagan pa itong guard, habang nakatingin sa akin na parang naaawa. "Uh Miss Eira, Sabi po ni Ma'am Nics ay bawal po kayong pumasok." bawal pumasok?

"Baka nag-kakamali po kayo? Eira Mince po sabihin niyo." Tumitig ito sa akin. "Sige na ho, pa-check na lang,"

"Sinabi niya po ma'am, wala naman pong ibang Eira na empleyado dito. Alis na po kayo." I nodded. Kinuha ko yung twenty thousand na meron akong cash. "Please give it to her, pasabi na din na salamat sa tulong. Ibabalik ko din yung binigay niya this month din po." Kinuha niya ito at tumango. Dali-dali nito akong pinaaalis kaya't umalis din ako agad. Napabuntog hininga na lang ako.

"Ano bang problema? "

Kasalukuyan akong naghahanap sa internet ng mga pwedeng mapasukang trabaho dito. Kailangan ko kasing maibalik yung pera na binigay sa akin ni Nics, ayaw kong umalis na may utang na loob. Hinahanap ko rin yung mga company na medyo mataas ang estimated salary kahit mahirap. While surfing, Nakita ko ang Brix Coffee na naghahanap ng graduated  nang BSA with experience at one hundred thousand ang sahod. Fuck! Bakit yun pa! Bakit doon pa! I'm a former accountant, pasok na pasok sana ako.

Nag-sesearch ako nang, how to look different. I've decided na baguhin na lang ang pustura ko. I have to change the color of my hair, from black to blonde . I have to use some accessories like an eyeglasses. I have to put some make up.

I'm done doing my transformation, after 4 hours. I bought some cheap clothes and shoes but elegant. I also curled my straight hair. Medyo nagmukha akong tao. I'm now at the front of Brix Coffee, I wore a good side of me before entering.

"Hello miss, I'm here to apply for a job. This is my requirements."

Ibinigay ko ang dala kong brown envelope sa babaeng cashier. Mukhang nakikilala niya ako kaya nginitian ko na lang. Kinuha niya ito at marahang tumungo at may tinawagan.

"Follow me."

Sinundan ko ito at hindi ko aakalain na sobrang laki at taas din pala nitong Brix Coffee. Yung baba ay buong coffee shop lang at ang taas ay ibang-iba, puro rooms. Sinearch ko din yung mga important details about dito, uncluding the owner.

"I'll give you some piece of advice Miss Eira, just answer briefly and don't smile." huwag ngumiti? bakit? KJ lang?

Pumasok na ako sa loob kung saan sinabi nitong huwag akong maglalakad lakad. So umupo lang ako sa upuang nakita ko. Sobrang lamig sa silid na 'to, minimalist din ang design.

"So you worked at Manila Bank, and promoted as manager. Why are you here?" napatayo ako nang pormal sa dating nitong magsalita. Magpapakilala pa sana ako pero naalala ko ang paalala sa akin. "I'm here for some reason."

"May I know your reason?" paguusisa nito. Hindi ito ang may-ari ng Brix Coffee base sa nakita ko sa internet. "To find someone, but I failed, so that I've decided to find job here."

"I know you, a poor lady who availed Kopi Luwak. You changed a lot, but you look worst in your outfit." Ay wagas maka poor ah pero shit, siya ba yun? Tinignan ko ito muli, he looks shit, siya nga. Owner siya? Parang hindi.

"I'm sorry sir, I'll pay lat--

"It's fine, by the way, you can start working now. I'm Seth." Iniabot nito ang kanyang kamay. Iaabot ko sana yung kamay ko nang bigla nitong ibinawi ang kaniya. "Yuck, so formal. Welcome to Brix Coffee, darling!" sabay beso nito. "Ay, barbie?"

"What?" Nasabi ko ba?

"Nothing bar-- pretty. Thank you." Ngumiti ito sa sagot ko, tuwang-tuwa naman ang barbie. Inorient nya ako regading sa mga rules and regulations. Ti-nour niya din ako, masasabi kong malaki talaga.

Makalipas ng ilang minuto ay inaya na ako nito patungo sa lugar na kung saan ako magtatrabaho. Sinundan ko lamang ito at huminto kami sa bakanteng cubicle na may kalakihan.

"This is your workplace. Kanya-kanyang buhay dito Miss Eira that's why hindi mo na kailangan ipakilala ang sarili mo sa kanila." Tumingin ako sa paligid, lahat sila ay tutok sa kanilang ginagawa. Binigyan ako ni Mr. Seth ng form at pinapirma ng contract. I already told him na kung okay lang ba na One month lang ako at sinabi ko na rin dito ang aking rason.

"For that, you have to consult the owner. We have rules, that everyone's should follow. He's here, I'll tell him first, just wait for my signal."

"Thanks Mr. Seth." I smiled. Tinarayan lamang ako nito ngunit ito'y pabiro lang.

I started reading the agreement including the policies. Pinag-aralan ko din yung Balance sheets ng company including Net worth. Hindi ko namalayan ang oras, nakita ko na lamang na wala nang tao sa paligid. Inayos ko na yung notes ko na gagawin ko bukas. Medyo creepy kasi ako lang ang tao sa office.

Nasa tapat na ako ng elevator at bumukas ito, bago pa man ako makapasok ay naramdaman ko na ang sahig.

"Fuck! Bakit mo ako tinulak?" He just smirked. "Fuck you!" Binuksan nitong muli ang pasarang elevator. Lumapit ito sa akin na tila nag-aalab ang mata.

"What did you say?"

"I said, fuck you for doing this to me!" tumayo ako at naglakad papasok sa elevator, pero bago ako makapasok ng tuluyan at hinigit niya ako palabas at dinuraan niya ako sa mukha at agad umalis.

"Papatayin kita!" I stood like a stone. Napapikit ako at pinunasan ito, bago ko pa ito mahabol ay agad nang nag-sara ang elevator. Tinakbo ko palabas gamit ang hagdan, at naabutan ko na lamang itong pasakay na sa itim na sasakyan. Bumalik ako sa loob, kahit na maraming customer ay inabala ko ang isa sa mga barista.

"Sino yung lumabas na arogante kanina? Yung sumakay sa itim na sasakyan?" Biglang nagulat ito sa paraan ko ng pagtatanong, buti na lamang ay binulungan siya ng kasama niya na bagong empleyado ako rito.

"Uh si Sir Hyde po yun." Hyde? yung owner? fuck Eira. Nginitian ko lamang ito bilang tugon. "Kung ano man po ang iniisip niyo, siya po iyon." Bumalik agad ito sa kani-kanilang mga gawain.

I'm a mess.

Hyde and I (SPG)Where stories live. Discover now