SIXTEEN

85 29 27
                                    

"Ers! I miss you!" Masayang lumapit ito at niyakap ako. "Where's Shine? My god, sabi ko naman sayo wag kang makikipagkita sakin pag wala siya diba?" Tila sirang plaka nitong banggit habang tumatalsik ang mala-diyamanteng laway.

"Walang pinagbago ah?" Pang-aasar ko.

Nagpatuloy lamang ito sa pag-kukwento ng kung ano-ano at naibanggit ang manliligaw nito.

"I'm happy for you."

"Sayang nga hindi mo siya nakita, kanina lang dinalhan niya ako ng breakfast dito." Kinikilig nitong sabi.

"Arte mo. How's Nanay Karen?"

"Edi ayun! Simula nung umalis ka, lagi niya akong kinukulit kung kamusta ka na daw. Gusto niya ngang magpadala ng dried fruits doon sa Manila kaso kinain ko na lang, sayang din." Sinamaan ko ito ng tingin. "Biro lang! pero syempre kinain ko talaga." We laughed. Abnormal talaga.

We're currently now at Brix Coffee, it's been a while, nag-stay kami sa Manila for almost 5 months. Ayaw pa sana ni Hyde umalis pero nalaman ko na unti-unting bumabagal ang usad ng Brix Coffee kaya sinabihan ko ito na kailangan na naming bumalik. Ilang months na  din si Bella Shine kaya hindi na din ako masyadong nahirapan dahil natutunan ko na ang pasikot sikot as first time mom. Siguro'y dahil din kay Dark.

Speaking of Dark, medyo nahirapan kaming alagaan ito pero hindi rin nagtagal ay natutunan naming ang mga dapat matutunan bilang magulang. I remember her letter na nakita ni Luigi sa mesa, same day nang mamatay ito.

Dear Ma'am Eira,

      Alam ko po na hindi mo ako agad mapapatawad dahil maging ang sarili ko po ay hindi ko kailanman mapatawad. Nagpapasalamat po ako sa inyo ni Sir dahil sa kabila ng ginawa ko ay kinupkop niyo pa rin kami ni Dark. Sa huling pagkakataon po'y gusto ko uli humingi ng tawad. Hinihiling ko po na sana ay ituring niyong anak si Dark. Nag mamakaawa po ako na huwag niyo ako ipapakilala bilang Ina niya.

Lubos na nag papasalamat,
                                                                                                                          Loren.

"Shen? A-alam mo b-ba kung saan nakalibing si Loren?" Natahimik ito. "Sige na Shen, hindi kasi ito sinasabi sakin ni Hyde." Pag-mamakaaawa ko.

"Ers, mayayari ako kay Sir Hyde."

"Hindi ko naman ipapaalam na sinabi mo."

"Pero kailangan mong magingat ngayon Ers lalo na nakatakas na si Ni----

Napahawak ito sa bibig niya tila may salitang bawal nito banggitin. Teka, nakatakas? si Nics?

Hinawakan ko ito sa magkabilaang balikat. "Tell me Shen! Nakatakas si Nics?" Kinakabahan itong nakatingin sa akin. So, totoo nga?

"Mali ka! H-hindi si Nics! Nasa kulungan pa yun, hindi na yun m-makakalaya, ano ka ba!" Hindi ito makatingin sa akin ng deretso. "S-si N-nilson! Tama! Si Nilson nga Ers! B-balita ko kasi mamatay tao yun!"

Hindi ako naniwala sa palusot nito. Pumasok agad sa isip ko si anak ko at si Dark.

"I have to go."

"Saan ka pupunta? Sasamahan kita, mag hahalfday na lang ako."

"No need, just give this to Hyde." Iniabot ko ang pang-lunch niya na niluto ko kanina. "Kamo hindi ko na siya hinintay dahil kailangan ko ng umuwi."

Lumabas ako agad matapos sabihin ito. Pinaandar ko ang dala kong kotse na isa ring pag-mamayari ni Hyde. Hindi ako mapakali, kinakabahan ako. Dinadial ko ang numero ni Luigi ngunit hindi ito sumasagot. Sinunod kong tawagan si Lexie, ang babysitter ni Shine at Dark.

Hyde and I (SPG)Where stories live. Discover now