EIGHTEEN

77 24 17
                                    

"MAMA, magigising pa po ba 'sya?"

"Hindi ko alam anak."

"Dalhin po kaya natin siya sa hospital?"

"Kung gagawin natin iyon, wala tayong pera pambayad."

"Mamalimos po ak--

"Neon, huwag na huwag mong gagawin iyon anak."

Neon?


Minulat ko ang aking mata para makita kung saan nagmumula ang mga boses na ito.

"Gising na ate? Mama gising na po ata si ate!" Tinignan ko ito ng maayos, inaalala ko kung saan ko ito nakita. Siya yoong bata na gustong tulungan ako.

Sinubukan kong tumayo ngunit sobrang sakit ng katawan ko kabilang na ang ulo at tiyan. Napahawak ako sa mga ito at may 'nakapang mga benda.

"Huwag mong pilitin, ipaghahanda kita ng makakain." Nag-aalalang banggit ng Ina nito. "A-anong nangyari?"

"Nakahandusay ka na po ate sa labas nung kunin ka po ni mama. Hindi ko po alam nangyari dahil nasa loob po ako, tinatanong ko po si Mama, ang sagot 'nya po sa akin ay bata pa daw po ako." She pouts her lips. I smiled.  "Gusto 'nyo po ng Juice?" Umiling ako rito, ngunit umalis din siya para kunin ang Juice.

Ibig-sabihi'y tinulungan ako ng kaniyang Ina, kahit na nasa peligro ang buhay nila? Pilit kong inaaalala matapos akong saksakin ni Nics, pero wala na talaga.

"Kainin mo muna ito, para umayos pakiramdam mo." Iniabot ng babae ang pagkain na may kanin at malunggay. "Pag-pasensyahan mo na't walang sahog, ayan lang ang nakayana--

"Salamat po." Kinuha ko ito at sinimulang kainin. Tila limang araw akong hindi nakakain sa paraan nang pag-kain ko rito.

"Ate! juice po! Gawa ko po iyan, kalamansi na may asukal!" Iniabot ni Neon ang inumin na ginawa nito. Sakto'y tuyong tuyo ang lalamunan ko.

"Ikuha mo si ate ng tubig anak."

"Opo Mama!"

Naubos ko ang pagkain na inihain ng babae. "Gusto mo pa 'ba? Parang kulang pa, kuhanan kita." Nagtangkang umalis ito ngunit pinigilan ko, nahihiya akong umiling. "Okay na po, a-ano pong pangalan niyo?"

Ngumiti ito ng tipid. "Neri. Kung nagtataka ka bakit ka nandito, nung gabing wala ka nang malay ay lumabas ako para tulungan ka."

"P-paano po? Si N-nics, s-sinaktan ba k-kayo?" Umiling ito, para akong nabunutan ng tinik.

"Hindi, binalaan ko siya na tatawag ako ng pulis kaya kumaripas ng takbo. Dala-dala niya ang kutsilyo na pinangsaksak niya sayo." Aniya.

Paano si Shine at Dark? Napapikit ako ng mariin, Diyos ko huwag naman 'ho.

"Sumisigaw ito habang tumatakbo papalayo na huwag kitang tulungan dahil nababaliw ka na raw. Hindi naman ako nag dalawang isip tulungan ka dahil mukha siya ang may sira sa pag-iisip. Sino ba iyon?" She's my aunt's daughter. Nics is my fucking cousin.

"Hindi ko ito kaano-ano at kailanman wala akong kamaganak na mamamatay tao."

"Kailangan na natin ma-report sa pulis baka may gawin pa iyon sa iyo at sa pamilya mo." Hindi ko ito sinagot.

Bumuntong hininga ito at tumingin ng malalaim "Tatlong araw ka nang walang malay, alam kong hinahanap ka na ng mahal mo sa bubay. Pasensya ka na't hindi ka naman madala sa hospital o matawagan man lang ang pamilya m--

Hyde and I (SPG)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora