SEVEN

149 47 22
                                    

"RUINING my day is your greatest talent, don't you know that?" He said while walking next to me.

Sinimulan ko muling tumakbo, bago pa nito ako mahawakan muli. Hinding hindi ko na ito hahayaan.

He's good, really good, in this type of game. "Ipapakulong kitang hayop ka!" I shouted as I run.

Hapong hapo nako nang huminto sa kakatakbo. Tingin ko nama'y hindi ako nahabol nito. Ramdam ko ang hapdi ng aking katangahan. Medyo malaking sugat ito. I texted Shen, sinabi kong 'hindi ko alam kung nasaan ako dahil madilim ang paligid. Buti nga'y nai-send na bago ito mag shut down. Malas, bwiset!

"As if you can." He pulled my hair to stop me from running.

Shit, ang sakit. "Please stop! Masakit! Shen! Help! Shen! Shen! Help---

"Walang tutulong sayo." He covered my mouth. Kinagat ko ang braso nito, dahilan nang makatakas ako. Sinabuyan ko ito ng buhangin sa mukha nang hindi makakita. "Mamatay ka nang hayop ka!"

Patuloy pa rin ako sa pag-takbo, hindi ko na iniintndi kung saan ako tutungo.

"Ers! Ers! Is that you? Ers!" Nabuhayan ako nang loob nang marinig ko ang boses ni Shen mula sa malayo.

"Shen! ako to nasaan ka?"

Sa sobrang dilim hindi ko alam kung saan nag mumula ang boses nito, kung palayo ba ako o palapit sa kaniya.

Nakita ko ang maliit na pinanggagalingan ng ilaw, at siguradong ito'y galing sa cellphone niya. Pinuntahan ko ito, at nagngingilid ang luha ko habang binabaybay ang pinagmumulan ng ilaw na iyon. Bago pa man ako makalapit ng sobra'y pinatay na nito ang ilaw. "Shen? Ikaw ba yan? Thank you Shen." Hindi ito sumagot, tuluyan nang bumagsak ang luha ko.

Siguro'y galit na galit ito sa akin. Naramdaman ko ang paghawak nito sa braso ko. Napayakap ako rito kaagad, habang humahagulhol. "Shen, I'm scared." Hindi ito nag sasalita, ngunit parang malaking tao ito at malapad na katawan, pamilyar rin ang amoy nito.

Hindi ito si Shen. Kumabog ang dibdib ko ng sobrang bilis, inalis ko ang pag-kayakap ko sa kaniya.

"Please. Hyde-- I mean Sir Hyde." Pag-mamakaawa ko.

Nararamdaman ko ang pananakit ng aking puson, hindi ko mawari kung ano ito. Napahawak ako rito, tila may tumutusok at pinipiga sa loob nito.

"A-ah ang s-sakit." Hindi, naisin ko man itong gawin ngunit totoo ang nararamdaman ko.

"What are you doing? Do you think, maniniwala ako sa ganyan mo? Also, who fucking care?"

"Ers!" He left when he heard Shen's voice.

Lumapit sa akin si Shen habang dala-dala ang malaking flashlight.

"Anong nangyari sayo?" Niyakap ako nito. "Pinag-papawisan ka nang malamig, may ginawa ba sayo si Sir Hyde?" Hindi ko ito sinagot. Sinabi ko na masakit ang puson ko at tuhod ko. Inalalayan ako nito paalis sa madilim na lugar na iyon.

"Pano ka nakapunta 'don? Hindi mo ba alam na maraming ahas dun! Ers naman." Higit pa sa ahas ang natagpuan ko.

Iyon raw ay ang kagubatang parte ng Sea Edge na ito. Nakarating na kami sa meeting hall at nalaman namin na ang mga Van at sasakyan na lang nang hinayupak ang naiwan.

"Ate, may masasakyan pa po ba sa gantong oras?" Tanong ni Shen sa matandang babae na nag-aayos ng mga upuan.

"Ne, wala na. Pu-pwede naman kayo tumuloy rito kaso doon pa sa dulo." Turo nito sa malayong kubo na batid ang kalumaan. "Ne, ang laki ng sugat mo. Halika't gamutin natin, mag-ingat ka na sa susunod. Hindi iyan pwede sa buntis.

Buntis?

Hyde and I (SPG)Where stories live. Discover now