FOURTEEN

101 35 21
                                    

"HEY, baby." Pag-tawag ko sa anak ni Loren, I insisted na alagaan ito. He chuckles, sobrang cute.

Tinignan ko ang braso nito na marka ng kagagawan ni Nics. Sana naman hindi niya ito ginawa sa bata, nakakaawa.

It's been 3 months, simula nang may ginawa itong masama. I already confronted Loren kung ano ang masasabi nito sa sulat ni Nics, sinabi niya na, 'kahit hindi po kayo magtiwala ma'am, gagawin ko po ang lahat para maitama ang mali ko hanggang sa mawala ako sa mundo.'

Hindi naman sa wala akong tiwala, pero mahirap ibigay iyon ng biglaan.

"Ma'am, okay lang po ba kung mag grocery muna ako?" Aniya.

"Okay lang, may pera ka na?"

Tumango ito. "Opo, iniwan ito ni Sir Hyde bago po siya umalis. Papatulugin ko lang po si Dark, tapos aalis na po ako."

"Hindi na, ako na ang bahala sa 'kanya. You may go na." She mouthed thank you, I just nodded.

"Darky ko, aalis muna mama ha." Hinalikan nito ang kaniyang anak at agarang umalis.

Kinarga ko ito at dinala sa kuwarto para patulugin. I'm now 8 months pregnant kaya malaki na itong 'tyan ko. Nasasaksihan na rin namin ni Hyde ang kalikutan nito sa loob. Hindi pa namin alam ang gender dahil gusto nami'y surprise. We never go for ultrasound after that incident happened, so in short, never pa akong nakakalabas ng bahay at doctor lang ang dumadalaw for basic check up.

Dumadalaw naman dito si Nanay Karen at Shen ngunit ang dalawa'y may galit pa rin kay Loren. Ang huling punta nila'y may dala si Shen ng mga iilang gamit para sa baby, ngunit lahat ng damit na dala nito'y puro pambabae, na dahilan ng asaran nila ni Hyde. Bumili kasi itong si Hyde ng crib at mga damit ng baby na puro panglalake. Napangiti ako habang iniisip ito.

Nag vibrate ang cellphone ko at nakita ang mensahe mula kay Hyde.

"Good morning my love, how are you?"

Gumuhit ang ngiti sa aking labi. Araw-araw ay ganito si Hyde, hindi ito nagkulang sa pag-aalaga sa akin, sa pag-iintindi ng mood swing ko. Ultimo face hair nito'y pinakealaman ko, dahil gusto ko shaved.

I replied. "Fine, I already ate and took my vitamins. Eat your lunch."

I must say na naghihilom na ang sugat na dala ng ginawa nito noon, but I can't forget easily. Napatawad ko na ito, at mas nakilala ko ito ng husto lalo nang pinakilala nito si Doctor Yen. I pity on him, gusto ko siyang tulungan dahil hindi biro ang pinagdadaanan nito. Hindi ko man alam lahat ng nangyari ngunit alam kong malalim ito.

Narinig ko ang malakas at sunod-sunod na katok sa pintuan ng silid. "Sino yan?"

"Ma'am, si Luigi po ito, huwag na huwag po kayong lalabas ng bahay utos po ni Sir Hyde. Kami na po bahala kay Loren." Nakaramdam ako ng kaba matapos sabihin 'yon.

"B-bakit anong nangyari?" Hindi ito nag-salita, binuksan ko ang pinto, wala na ito. Nics, ito agad ang unang pumasok sa isip ko. Kailan ka ba titigil?

Kinuha ko ang telepono ko no, tinawagan ko si Hyde, ngunit hindi ito sumasagot. Tinawagan ko si Shen pero katulad din ni Hyde ay hindi ma contact.

Mabilis kong chineck ang paligid, kumuha rin ako ng bagay na maari kong magamit for self defense. Kung kaya nyang manakit ng walang kamuwang-muwang, ay hindi impossible na makagawa ito ng paraan na masaktan ako.

Nag-ring ang cellphone ko, tinignan ko kung sino ito, number lang?

'Huwag kang sasagot ng tawag na hindi mo kilala, you have to be careful. We are on the modern world, that they can trace wherever you are.' Naalala ko ang paalala ni Hyde. Hinayaan ko lamang ito. Maya maya'y nakatanggap ako ng mensahe mula sa iisang numero.

"You're so smart Eira. But, not now." Kumabog ang dibdib ko, tila may masamang mangyayari. Nag-iwan ito ng recorded voice.

"Anak, Eira? I-ikaw ba yan? I miss you." Mommy? Napaluha ako sa sobrang saya. Buhay ka, buhay ang mommy ko. Huling narinig ko ang boses nito, when I was seven years old. 18 years, sobrang tagal kong hinintay ito. Bago ko ito tawagan ay natigilan ako, I don't know what to do. Her last message made me shiver.

"Tell me where you are, anak."
Hindi ko na alam ang susundin ko. Pero-iisa lang gusto ko, makita siya. Tinawagan ko ito, at agad ding' sumagot.

"Hello Eira! How are you?" Boses ito ni Nics.

"Nasan si Mommy?"

"Huh? Who's mommy? That's my mom, bitch."

"Fuck you! Subukan mong sakta--

"Easy. Bakit ko sasaktan ang sarili kong ina? Am I crazy?" You're lunatic.

"By the way, how's dark? His mom is already dead, ten minutes ago. Gusto mo ba malaman kung paano?" S-si Loren? Patay na? Napatingin ako kay Dark, mahimbing itong natutulog.

"Hindi ako naniniwala sayo!" I shouted at her through phone dahilan ng pag-iyak ni Dark.

"Ohh, is that him? Isusunod ko na rin 'yan, together with your baby, at pag pinatay ang bata habang nasa sinapupunan?

Sure, patay na din ang nanay." She laughs like a demon.

As if I let you.

I am not happy for this, but I have to choose. Hindi ko muna iisipin ang kapakanan ng sarili kong ina, dahil may anak akong gusto pa masilayan ang mundo. Sinisigurado ko na malalaman ko rin ang katotohanan, ngunit hindi pa ngayon. Kailangan ko pa gumawa ng plano at pag-isipan ang lahat ng gagawin ko. I have to be wise, for the sake of my child, and Dark.

Nararamdaman ko din naman na hindi ito sasaktan ni Nics sa paraan ng litanya nito.

Since this place isn't safe anymore, kinuha ko si  Dark at lumabas ng bahay. I turned my phone off to stop her from tracking my location.

"Ma'am! Saan po kayo pupunta! Pauwi na po si sir Hyde!" Hapong-hapo balita ni Luigi.

"Luigi, s-sabihin mo sa akin ang t-totoo." Tumingin ito sa akin na mukhang alam niya na ang kasunod ng sasabihin ko. "P-patay na ba si Loren?"

"P-paano niyo po nalaman ma'am?" So totoo nga? Nagngilid ang luha ko.

"Nasaan 'sya ngayon?" Tuluyan na akong nahagulhol. Kasalanan ko 'to, walang mamamatay dahil sa akin.

"M-ma'am sabi po ni Sir Hyde, huwag daw po kayong mag-aalala ng sobra. May kasunod na pong mga pulis na mag babantay dito."

"Kailangan na naming umalis, luigi."

"Ma'am hindi po pwede, magagalit po si Sir Hyde." Humarang ito sa daraanan ko. Wala nang oras.

"Paraani--

"Paraainin mo si Ma'am mo." Teka? Hyde? Pinapayagan ako?

"Looking for an escape? I won't let you to solve that fucking problem, alone.

Sasamahan kita."

Hyde and I (SPG)Where stories live. Discover now