SIX

150 45 19
                                    

"ARE you sure, Ers? I told you, hindi mo naman kailangan bayaran eh." hawak-hawak nito ang binigay kong sobre na laman ang full first salary ko rito.

I smiled at her. "It's fine. Desisyon ko rin naman 'to." Nag kibit-balikat lamang ito, bago ipagpatuloy ang kaniyang trabaho.

It's been a month after fucking shit happened, I tried to forget but every time I saw that room, I saw him. I saw his evilness.

Hindi ko na ito nakita simula nang mangyari iyon, bali-balita'y pumunta raw ito sa France for good, kaya napagpatuloy ko rin ang pag-tatrabaho dito. Hindi ko rin na-ikwento ang nangyari kay Shen, pero may balak naman akong gawin iyon, bago ako umalis sa lugar na 'to.

"Makikipag kita ka ba ulit kay Cade?" pang-aasar nito.

Tumaray lamang ako. Hindi naman ako kailanman nakipag-kita sa taong iyon. Si Cade ay ang pinsan ni Shen, galing Manila rin. Hindi ko naman ito kilala at hindi rin ako interesado ngunit patuloy na nangungulit. Nang mapadaan ako sa karinderya nila Shen ay saktong nandoon si Cade kaya akala ni Shen ay nakikipag kita sa mokong.

"Sabi ko naman sayo eh, may crush nga sayo yun." binalewala ko ang sinabi nito. Alam ko, nararamdaman ko iyon sa paraan nang pagtitig ng lalakeng iyon. "Single ka naman Ers! Single yun since birth!" Tinitigan ko ito ng masama para tumigil na. Pero iba si Shen, kapag naaaasar kana, aaasarin ka pa.

"Kung ako sayo, mag-hahanap ako ng boylet dito, tapos iiwan ko bigla pag na-bored. Cool kaya yun!" Bulong nito.

Napatawa ako ng bahagya, dahilan nang tumigil siya. Abnormal talaga. Staying here in Breeze Land is not that bad, because of Shen, Nanay Karen and the fresh-air. Pero mas malaki parin ang porsyento na gusto ko nang umalis dito.

"Attention everyone." Sumulpot ang Mr. Seth na may pink na neck tie. "We have a dinner meeting tonight, it's an order from Sir Hyde." Hyde. That evil.

Nagtaas ng kamay si Shen. "Sir what if--

"No buts, it's an order. Just be ready, you don't need to finish your task today. That meeting is so important than your work." Pag-alis nito'y rinig na rinig na ang mga bulungan. Hindi ko kayang Makita ang demonyo na iyon.

"Ers, okay ka lang? bakit ka namumutla? tyaka parang manununtok kana anytime, wag ako ah!" Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako. Umiling ako rito. "Tara, ready na tayo." ready? saan? nilabas nito ang kaniyang make-up kit.

"Ano gagawin?"

"Ah oo nga pala, ngayon ka pa lang makakasama sa meeting with Sir Hyde. Pero ayaw nito ng hindi presentable kahit na meeting lang." Gusto ng presentable? pero demonyo naman? "Oh gamitin mo 'to, use your make-up brush na lang."

"Uh no need." ibinalik ko ito. "You look pale talaga Ers, seryoso." I don't care.

"Let's go guys! The three Brix van are waiting!" Pag-aanyaya ni Mr. Seth.

"Tara na Ers, doon tayo sa pangatlong B-van. Konti lang sasakay doon." Tama nga ito, anim lamang kaming nakasakay rito. Sobrang laki't katulad ng mga Artista van sa Manila.

"Ers, medyo malayo yun. Matutulog muna ako, gisingin mo na lang ako ah?" Tinanguan ko ito.

"Ers! gising na! Parang tanga, sabi ko ako gigisingin eh!" Napamulat ako sa ingay ng bunganga ni Shen, tumingin ako sa paligid, kami na lamang ang naririto kabilang ang driver. "Hindi mo ba alam na pangatlong gising ko na 'to sayo? Galing na ako doon sa pag me-meetingan at all set na, nandoon na rin si Sir Hyde." Narinig ko na naman ang pangalan nito.

Habang sumusunod kay Shen ay napahinto ako nang makita ko ang dagat, madilim na kaya't hindi ko masilayan ang tunay na ganda nito, ngunit masarap sa pakiramdam ang dulot nito.

"Where are we, Shen?"

"Sea Edge. Bilisan mo Ers! nag-sstart na." Babalik ako dito, swear.

Tumakbo na si Shen patungo sa meeting hall. Inis na inis ito dahil sa bagal kong mag-lakad.

"Why are you so so so late. My god! He's now talking, yumuko na lang kayo papunta sa upuan niyo." Batid sa mukha ni Mr. Seth ang pagkatakot.

Agad yumuko si shen patungo sa kaniyang upuan ngunit hindi ko iyon ginawa. Napatigil ang demonyo sa pag-sasalita. Tumitig lamang ito dahilan nang mapatingin sa gawi ko ang mga empleyado.

"You are?" pertaining to me. Binigyan ko lamang ito ng bagot na tingin.

Playing dumb? Kunwaring hindi ako kilala? Fuck you. "Can I have her credentials?" sabi nito kay Mr. Seth.

"Wait sir." tarantang sagot nito.

Umupo ako sa bakanteng upuan na naka-puwesto sa tabi ng hayop na ito. Nararamdaman ko ang takot at kaba, ngunit hindi ko ito pinapakita. Alam ko na ang nais nito, gusto niya akong ipahiya sa lahat. Umalis si Mr. Seth para kunin ang gusto nito ipakuha, nararamdaman ko ang bigat na titig mula sa mga tao rito. Pabulong rin akong tinatawag ni Shen. Hinayaan ko lamang sila.

Naramdaman ko ang gutom nang makita kung ano ang nasa harapan ko, iba't ibang klaseng prutas. Kumuha ako nito. Nakita ko ang mga reaksyon nila, tila ba'y manghang-mangha sa ginagwa ko. Magic ba? Dinala na ni Mr. Set ang mga papeles ko, kinuha naman ito at tinignan ng hayop.

"Is this what you called, important meeting?" He remained silent, as he stare. "Ers!" pag-tawag ni Shen.

Gusto mo to, diba? Huminga ito ng malalim at bumaling ng tingin. This time, I won.

"The purpose of this meeting is to promote, whose deserving." he started.

Nawala na ang atensyon ng tao sa akin, kita sa mga ito ang pag katuwa. Sinabi rin nito na mag-tatanggal siya kaya nabawi ang saya ng tao, na ikinasaya ko. As he said, sa mga tatanggalin nito ay may kasamang 3 months salary. Mr. Seth mentioned who got promotion and I'm glad to hear Shen's name. Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang lahat ng nakahain ko sa

"These are the list of terminated employees." Rinig ang buntong hininga ng iilan matapos ito sabihin ni Mr. Seth. "Angel Samson, Verginia Lopez, Erica Lubag,

and Eira Mince Belo." Kinuha ko agad ang iniaaabot nitong agreement, at walang ano-ano'y pinirmahan agad at umalis.

Napangiti ako sa sarili ko, malaki ang makukuha ko. Sure na mababayaran ko na si Shen at tuluyan nangmakakabalik sa manila. Napag-pasyahan kong maglakad lakad sa gilid ng dagat. Kinuha ko ang aking telepono nang mag-vibrate ito. 38 miscalls and 3 texts from Shen.

'Nasaan ka? Hinahanap ka sir Hyde at mukhang galit. Reply asap.'

"Ers, nasaan ka? sumagot ka. Hahanapin kita."

"Ers, san u ba? Umalis siya dito, magtago ka pag nakita mo siya. Asap."

Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Alam kong nasa likod ko lamang ito, nakaramdam ako ng takot, kaya't tumakbo ako, nang mabilis, na mabilis. Hindi ko namalayan ang bato na nakaharang dahilan nang pagkadapa ko.

"Hey whore."

Hyde and I (SPG)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ