TWELVE

116 39 40
                                    

"MISS kunin ko 'to" Iniabot ko sa cashier ang dress na hawak ko maging ang bayad nito. 

Nandito ako ngayon sa Mall para bumili ng masusuot ko, dahil wala nang kasya sa aking damit. Pang apat nang store itong pinasukan ko dahil nag hahanap din ako ng masusuot pang office. Ibinalik ako ni Hyde sa Brix Coffee, noong una'y ayoko ngunit nang pakaluna'y pumayag na ako dahil ayaw kong umasa sa mga binibigay nito. 

It's been 3 months, pinakita sa akin ni Hyde lahat ng effort niya, madalas ko itong pinapakitaan ng hindi maganda ngunit nanahimik lamang siya. Hindi ko pa ito napapatawad sa kaniyang ginawa, but I gave him a chance, as human, even he failed to treat me as that, before. 

Habang nag-iikot ikot ako'y umagaw sa aking pansin ang babaeng may hawak na LV bag. Is that, Nics? Naalala ko ang sinabi ni Hyde patungkol dito, hindi ako naniniwala dito dahil pinalalabas nito na si Nics raw ang nag sabi na bayaran akong babae. Paano niya magagawa iyon? We didn't know each other, tinulungan niya rin ako noon kahit pa naging tuso ito.

"Nics!" I called her, una'y nagulat ito ngunit pinalitan din agad nang kakaibang emosyon. Tila ayaw ako nito makita.

"Oh, it's you." She sarcastically said. Tumingin ito sa aking kurba. "You're pregnant?" 

"Ah, o-oo." Nahiya ako sa paraan ng tanong nito.

"With whom? I mean who's the father? Hyde?" How did you know? Hindi ko ito sinagot. "So, he is." She laughed. Anong nakakatawa?

"Ang bilis naman niya." Pagtapos nito sabihin ay tumalikod ito hudyat na aalis na siya. 

"What are you trying to say?" 

"Sinabi niya naman na sayo diba? Totoo naman, right? Habol mo lang naman sa kaniya ay pera." Nagsimula nang mag-init ang dugo ko. 

"Ano bang ginawa ko sayo?" Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"Hmm, sa pag-kakaalam ko marami, kaya mahirap isa-isahin." Linapit ang bibig nito sa aking tenga. "Kaya umalis ka na habang hindi ko pa nasisira tuluyan ang buhay mo." Bulong nito. Hinablot ko ang braso nito.

"Sino ka ba talaga!" Bulyaw ko rito. She just smirked. May kinuha itong bagay sa kaniyang Bag.

"This is my name, bitch" Pinakita nito ang kwadrado na naglalaman ng kaniyang pagkakakilanlan, Nics Mince Benaflor.  Pag-katapos niya itong gawin ay umalis na ito. 

Mince 'din? How?



"Ers! Kanina pa kita hinahanap, nandito si Sir Hyde!" Bungad sa akin ni Shen nang makapasok ako sa kanila.

"Nak ang dami niyang dala, pwede ba na akin na lang ang iba doon sa prutas? May nakita kasi ako sa youtube na nakakapayat raw iyon." Tinignan ko naman ang mesa, sobrang daming apple, mangga, kiwi, etc. Hindi na ako nagulat dahil ganto na si Hyde mula pa nang mag-pakita ito ng mabuting gawi sa akin.

Nginitian ko si Nanay Karen. "Opo 'nay, kunin niyo po ang gusto niyo 'dyan. Gawan niyo din po si Shen, baka tumalab sa kaniya." Tumawa ito, na ikinasimangot ni Shen. Nakita ko si Hyde na may kausap sa telepono at nakakunot ang noo nito. Nang makita ako'y binaba niya agad ito.

"How are you, love? Di' ka nag-sasabi na mag di-day off ka at saan pupunta, gabi ka pa umuwi." Sunod sunod na sambit nito. Hindi ko naman ito pinansin at tinarayan ko lang siya. Love mo mukha mo.

"Shen, how are you love, daw!" Diniinan nito ang salitang 'love, mapang-asar talaga. 

"Aalis ka na ba talaga 'nak?" Pag-iiba ng usapan ni Nanay Karen. Napangiti ako sa tono nito, ramdam ko ang lungkot sa titig niya. Nilapitan ko siya at niyakap. 

Hyde and I (SPG)Where stories live. Discover now