Prologue

24 0 0
                                    

~Handa ka ba mismo na isugal ang lahat para sa isang kahilingan na gusto mong nakamit? Kung ganon ano pang inihintay mo iclick mo lang ang download button upang makapagsimula ka na at asahan mo na tutuparin namin ang kahit anong kahilingan mo~

Lyka POV

"Langyang ads naman to istorbo sa panunuod ko at wala pang x button"

Sabi ko sa sarili ko habang nakadapa at hawak ang aking cellphone. Nanunuod ako ng mga video tutorial sa youtube ng bigla na lamang sumingit ang kakaibang ads na iyon na ngayon ay nagstuck up na lng sa screen ng cp ko.

"Bahala na nga wala naman akong ibang option kung di ung click download"

Matapos ko mapindot ang download button ay agad naman ito nagdirect sa isang website na tila ba parang kontrata ang pagkakaformat nya.

"What the, Ano, Huh? Ibang klase gumawa neto may pacontract contract pang nalalaman"

Mangyari lamang na ilagay mo ang pangalan mo at iyong kahilingan sa box na nasa ibaba upang makumpleto na iyong proseso.

Bumuntong hininga na lng ako at tinype ko ang aking pangalan sa box.

Pangalan:Zyril Lyka M. Ponce

"At ngayon naman sa kahilingan siguro ung magkapera na lng ako ng malaki"

Kahilingan: Sana tumama ako sa lotto.

"At press send! Ayan"

~Congratulations naverify na namin ang iyong contract~

Matapos neto ay bumalik na ulit sa normal ang cellphone ko at nagagamit ko na ulit ito ng maayos ngunit bigla na lamang may kung ano na kakaiba sa paligid ko ang agad kong napansin.

Punong puno ito ng mga kwarto sa buong paligid at ang bawat kwarto ay may mga kanya kanyang mga upuan at lamesa na nakahalera at sa harap nito ay isang malaking black board na automaticong nagsusulat ng mga letra.

"Teka lang Teka lang! Anong kalokohan to?" Tanong ko sa sarili habang nililibot ang aking paningin.

"Welcome sa aking Academy Lyka"

Isang maliit na boses ang aking narinig at hinanap ko kung saan ito nagmula at laking gulat ko na isang kuneho mismo na may hawak ng stick ang bumungad sa harap ko.

"Handa ka na ba sa lesson mo ngayon bilang isang candidate ng magical girl?" Tanong nya sakin habang naglalakad paikot sa kama ko.

"Magical girl?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

*snap* bigla na lamang naglaho na parang bula ang kamang hinihigaan ko at nalaglag ako sa sahig ng paaralan.

"Nakalimutan ko nga palang sabihin na bawal ang higaan sa hallway ng school na to" Pang-asar na wika ng kuneho.

"Teka lng hindi mo pa sinasagot ang tanong ko anong ibig mong sabihin sa pagiging candidate ng magical girl?" Tanong ko sa kanya.

"Nalimutan na ba ang pinagkasunduan natin? Tutuparin namin ang hiling mo kung magiging ganap na magical girl ka" Tugon nito kay Lyka.

"Pero wala naman...." Bago pa natuloy ni Lyka ang sasabihin nya ay agad na ito binura ng kuneho sa alaala ni Lyka at pinaltan ito ng memorya na naayon sa sinabi nya.

"Oo Tama ka nga pumayag nga ako para dito upang matupad ang kahilingan ko" sabi ni Lyka.

Nagsimula ng tumayo si Lyka at naglakad palapit sa isang classroom.

~Ehehehehe ngayon Lyka ipakita mo ikaw na ba ang hinahanap namin?~

=Contract rules=
1. You cannot escape
2. You willing to sacrifice yourself
3. Your existence will be erase once you die.
4. You cannot quit.
5. Your wish will never come true.

-To be continue.

Magical Girl Academy Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu