Prologue

12.7K 74 22
                                    

Mula sa suot na salaming de kulay ay bahagya na lamang niyang naaninag ang sikat ng araw bukod pa sa talaga namang halos di na tumatama ang sinag ng panghapong araw sa dakong iyon ng tinatahak niyang daan. Bagama't kaiba sa nakagawiang sasakyan ang pinapatakbo niya ng mga oras na iyon ay may kasiyahang binabagtas niya ang kurbadang daan. Ang bawat kambyo ng manibela ay may katiyakang tinatahak. Sa ilalim ng mga malalaking punong siyang nagsisilbing pananggalang sa init dala man ng direktang sikat ng araw o alinsangan ng panahon ay tumatama sa mukha niya ang sinasalubong na hangin na nagpapangyari upang panaka-naka niyang hinahawi ang may kahabaang buhok na inililipad ng hangin.

Just a small town Cinderella

Daddy wants you back home by midnight

Every time we're together

Yeah, that's my dilemma

I need more time with ya

I wanna watch the sun rise through the pines with ya

Night like this, wouldn't wanna miss

Moonlight shining on a long slow kiss

You can be the one I can get lucky with

If the boot fits...

Nakikisabay sa tempo ng tugtugin ang kanyang mga daliri sa pagtipa habang ang isang kamay ay nasa manibela. Hindi niya mapigilang mapangiti nang mabaling ang paningin sa bugkos ng bulaklak sa passenger seat ng minamanehong pick up. Kung ako ikaw, bibili na ako ng bulaklak bago pa ako maunahan ng mga totoy na yun... Muli niyang itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Ngayo'y nabubusog ang mga mata sa tanawing nadadaanan ng paningin. Ahh... Freedom.

Woah

Diamonds in the sky lighting up those eyes like

Whoa

You're the kind of fine that I can't deny

It gets me high, cross my heart hope to die

Pick a star make a wish

Yeah girl, you can be my all night

Dancing in the headlights

Fairy tale good as it gets

If the boot fits...

Patuloy ang pagtipa ng mga daliri habang sinasabayan niya ang kanta. Sa isip ay tumatakbo na ang magiging set up ng pinaplano niyang pagtatapat sa babaeng ilang araw ng laman ng isipan niya. Alam niyang mabibigla ang dalaga ngunit umaasa siyang matutugunan ang magiging paglalahad niya lalo pa't positibo siyang may pagtingin din naman sa kanya ang dalaga. May kung anong damdaming lumukob sa kabuuan niya sa pagkaisip sa babae. Noo'y unti-unti niyang binibigyang mukha ang paksa ng kanyang isipan. He closed his eyes wanting to see the girl that has brought new colors in his life for the past weeks. The girl who, without her knowledge, gave him another reason to think how different would it be if he would choose to end his gallavanting and finally, be the man his family expects him to be. Responsible. Hindi lahat ng magulang na sinasabing magpakaresponsable ang anak ay wala ng ibang nakikita kundi ang pagiging iresponsable ng anak. Madalas, nanghihinayang lang sila sa panahong dapat sana ay nagiging productive na ang anak pero pinipili pa ring ayaw harapin ang responsibilidad. Gusto lang nilang maaga mong matutunan ang kahalagahan ng paghihirap at sakripisyo. Sabi nga, mas masarap ang bunga na pinaghirapan. Then she smiled... she smiled. Alam niyang napakaganda ng ngiting iyon. Isa sa pinaka magandang ngiting nasaksihan niya sa buong buhay niya mula sa napakagandang mukha, ngunit bakit tila nawawala ang mukhang ito? Mula sa magandang mukha'y nahalinhan ng isang eksenang pamilyar sa kanya. Umiingit ang gulong ng kotseng pangarera. Pilit niyang kinakabig pakanan ang manibela kung hindi ay tatama syang tiyak sa likurang bahagi ng isa pang kotseng nasa unahan niya ngunit huli na. Tuluyang ng sumalpok ang minamaneho niyang Viper Dodge sa likurang bahagi ng ngayo'y nakahambalang na sasakyan. Sa lakas ng impact ay umangat ang likurang bahagi ng Viper at tumaob sa ibabaw ng nakabanggaan na kagyat nagpatili at agad ring nagpatahimik sa mga taong nakasaksi ng pangyayari. Hindi niya maramdaman ang braso at binti ngunit malinaw niyang nakikita ang pag-agos ng pulang likido mula sa ulo niya. Kasunod niyo'y pagbalot ng kirot sa halos buo niyang katawan... Sweetheart...

Jacobo Daniel De Salvo (Sana'y Magbalik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon