Simula

80 24 3
                                    

Does She Know?

Simula
What the hell, Cyvyn?

My boyfriend left me a few weeks back. Umiyak ako. Grabe ang panghihinayang ko at hinanakit sa nangyari. He left me because he's fucking tired of me.

Bakit? Lahat naman ng babae mahilig magshopping ah? And he's tired because I always ask him to go shop with me?

Masyado raw akong demanding? Natural, I'll ask for gifts during special occasion dahil ako ang girlfriend niya, mainis siya kung hindi niya ako girlfriend.

I didn't even complain to him.

I pulled the blanket to cover my body up to my chin ng bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Jem na may dala dalang tray ng pagkain. Naka-ismid siya saakin at inilapag ang pagkain sa side table ko, bago maupo sa stool sa tabi nito.

"Feel better?" Tanong niya.

He probably heard me still crying kahit ilang linggo na ang nakalipas. I rolled my eyes and extended my hand to snatch one of the bread he brought. Napailing siya at inialok na din saakin ang dalang isang baso ng gatas.

"Nagaantay si Kuya Jesse and Kuya Juston sa baba. Kailan mo ba balak lumabas dito sa pangit mong kwarto?" I eyed him at inirapan siya.

"Tigilan mo ako at lumabas ka na ng kwarto kong pangit!" I snorted. Ngumiwi siya at tumayo para buksan ang bintana kong natatakpan ng makapal na kurtina. Lumabas naman mula dito ang makapal na alikabok. Kaya ayoko na iyong galawin, e.

"Sus, aarte ka pa? Tingnan mo nga iyang alikabok na 'yan? Naglilinis ka pa ba dito?" Namamewang siya matapos niyang maipagpag lahat ng alikabok mula sa kurtina. Inalis ko ang kumot sa katawan ko at pinulot ang tsinelas ko bago ibato sakaniya.

Kasura! Dumayo lang ba siya para pulaan ang kwarto ko.

Broken hearted ako kaya pwede ba? Makisama naman siya?!

"Aray? Ganiyan ba talaga ang mga babae kapag single?" He rubbed his shoulder na tinamaan ng tsinelas. Sinamaan ko lamang siya ng tingin bago tuluyang umalis sa kama ko.

Goodbye my sweet bed. Babalik ako mayamaya, tuturuan ko lamang ng leksiyon ang magaling kong kapatid. I stepped closer to him at hinawakan siya sa kuwelyo.

Kitang kita ko ang paggalaw ng adams apple niya, "Single ako! Oo na! Ako na ang single?! Bakit may girlfriend ka ba?" I shouted at him. Namutla siya at tinapik ang kamay kong nakahawak sa kuwelyo niya.

"Wala," Maikli niyang sagot at bahagyang pinunasan ang pawis na namuo sa noo. Takot siya saakin. Tama lang naman iyon. I played taekwondo before, don't he dare mess with me!

"Pero seryoso nga, lumabas ka na. Kailan mo balak ulit buksan iyong boutique mo? Iniipis na mga tinda mong damit duon. Marami na ring nakapending na projects para sayo," I sighed deeply at lumingon sa bintanang binuksan ni Kuya.

The blinding light stroked my eyes kaya naipikit  ko nalamang ito bago kusutin ng di ko nakayanan ang hapdi sa mata ko. Ilang linggo na nga rin akong hindi lumalabas sa kwarto ko.

Ligo, kain, tulog lamang din ang ginagawa ko. "Isa pa, tumataba ka na!" Hindi ko iyon pinalampas at agad dumapo ang palad ko sa mukha niya. "Aray, sorry na! Pero totoo!" Sigaw niya kahit nasa pinakang dulo na siya ng kwarto ko.

"Get the fucking out of my room, now!" Kung hindi ko siya kapatid ay kanina ko pa siya naitapon sa labas ng bintana, partida at nasa third floor lamang naman ako ng bahay.

Napaupo ako sa sahig pagkasarado ni Kuya Jem ng pinto. Gaano ba kasakit ang ginawang pangiiwanan saakin ni Chase? He left me freaking devastated. Ni hindi ko na kilala ang sarili ko.

1|Does She Know? Onde histórias criam vida. Descubra agora