Kabanata 17

10 6 0
                                    

Does She Know?


Kabanata 17
That was then!


Napasinghap ako ng pagsaklubin niya ang mga daliri namin habang naglalakad kami papunta sa hospital room ni Baille. Ako ang humihila kaagad sa kamay ko kapag may mga nurse o pasiyenteng dumadaan and he'll just stare at me.

"Cryzler, man!" Bati ni Kuya Jem kay Cryzler at hinampas hampas pa siya sa balikat.

Magkakilala yata sila dahil ni Kuya Juston o dahil ni Kuya Jesse. I don't know but well, they knew each other.

"How's Baille, Kuya?" Lumapit ako sa edge ng kama at pinagmasdan ang nakapikit na si Baille.

"She's fine, umatake lang ang ulcer niya."

Tinignan ko si Kuya habang nakaawang ang labi at nanlalaki ang mata, "May ulcer siya? Bakit hindi ko alam?"

"Hindi ko rin alam, sis. Ngayon ko lang nalaman," Napayuko siya.

Lumapit ako sa kamay ni Baille and sat on the stool to hold her hand. Mukhang maayos na nga ang lagay niya dahil maamo na ulit ang mukha niya.

Napatingala ako ng maramdaman si Cryzler sa tabi ko, "Nagaantay si Lumi sa labas. She's waiting for you."

Tumayo ako at napasing wala na si Kuya sa loob ng kwarto. "Sige. I'll get going. Bye."

Paalis na sana ako ng kwarto ng hawakan niya ako sa pulsuhan. My heart beat racing up. "I'll call you later."

Pakiramdam ko ay nakalutang ako habang naglalakad palabas ng kwarto. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero alam kong its a positive feeling.

Nakasandal sa may tabi ng pinto si Lumi. Nakahalukipkip siya at ngumiti ng makita ako, "So? Kamusta si Baille?"

Hindi kaagad ako nakasagot sakaniya dahil bumukas ang pinto sa gilid namin at derederetsong lumabas doon si Cryzler at hindi na kami pinansin ni Lumi and it works for me.

Hindi ko na naman kakayaning makipagusap sakaniya. Masyado akong kinikilig ngayon. Wag muna.

"She's fine. Kamusta kayo ni Kuya Jesse?" We started walking palabas ng hospital, nagaantay na raw kasi si Kuya Jem sa kotse at ihahatid na kami sa bahay.

"Ah, ni Jesse? We're fine, bakit?" Umiling lang ako.

Pagkadating sa parking lot ay nakita kaagad namin si Kuya Jem sa loob ng kotse niya, nakababa kasi ang bintana sa driver seat at nakasubsob siya sa steering wheel.

Damn, problemado ang loko.

Walang sabi sabing pumasok kami ni Lumi sa loob at ng maayos na ay tinapik ko nalamang si Kuya sa balikat.

Nauna akong ihatid ni Kuya sa bahay and Lumi asked Kuya to dropped her off somewhere.

Pumasok kaagad ako ng kwarto and changed my clothes. Napatingin ako sa basag na salamin sa banyo ko and saw reflection smiling on its own.

Fuck. He likes me and I like him too.

Napahawak ako sa dibdib ko, at mayamaya ay napadausdos nalamang ako paluhod sa sahig ng banyo parehong kamay ay nakahawak sa sink ng lababo ko.

I'm too happy, I feel like dying.

Naalala kong sinabi niyang hindi niya gusto si Xyne. Malamang malaki ang posibilidad na gaya ni Lumi ay napilitan lamang din siya sa relasiyon nila ni Xyne.

I sighed before throwing my own body on my soft matress. Ilang araw na akong walang magandang tulog. I really need it now. Sa isang araw na ang birthday ko.

1|Does She Know? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon