Kabanata 13

24 15 0
                                    

Does She Know?

Kabanata 13
I need you


"Bakit ka pa kasi nagrequest ng double date? This is suppose to be just us," Napairap ako ng magreklamo si Nine. Inakbayan ko siya at hinila sa batok para pumantay saakin ang tenga niya.

"Just shup up. Ito ang plano 'diba? Pagselosin si Cryzler," Napatigil siya sa paglalakad at tumingin saakin, bago sumulyap sa likod namin kung saan naglalakad si Cryzler at si Zyne.

"Tss, what do you mean pagselosin?" Naghalukipkip pa siya.

"Tinawag mo akong C, kunwari call sign ganoon. Wag ka na ngang magmaangmaangan," Nagpatuloy na ako sa paglalakad at sumunod na siya saakin. My stiletto clanking against the floor.

Teka, saan nga ba kami pupunta?

"Kunwari? That's real. Wala akong pakialam sa Cryzler mo," Nilingon ko siya at babatukan na sana but on the second thought Xyne is behind us smiling like a freaking bitch.

"Wala rin akong pakialam sayo. Call me C when Cryzler's around pero pagwala siya, I'll bleed your mouth to death," Nagkibit balikat lamang siya at ipinatong sa balikat ko ang braso niys.

"Whatever, but let me remind you. This isn't pretend anymore. We're real," Inis kong inalis ang braso niya sa balikat ko at sinamaan ng tingin.

"Not noted, my feelings are fake. Got it?" Umirap ako at nagderederetso sa nakita kong boutique.

Sumunod si Xyne saakin kaya napalingon ako, she's still smiling at me at pakiramdam ko gusto ko ng punitin ang pagmumukha niya ngayon. May nakakatuwa ba? Masaya ka, girl?

"May I have a request Cyvyn?" Tumingin ako sakaniya at tumigil sa pagtitinging mga denim shorts.

"Yeah? Ano 'yon?" I'm plastic ever.

"Pwedeng ako ang pumili ng textile para sa damit namin ni Cryzler?" Nanliit panandalian ang mata ko bago humarap ng tuluyan sakaniya.

"Pwede naman but you'll still need my approval," Tumango siya.

"Then why not maghangout tayo kasama si Ate Lumi at si Baille?" Gustong gusto ko na siyang irapan. Hold back now, Cyvyn.

"Sure. Kelan ba 'yan?"

"Ngayon sana, kaso lang tatapusin mo pa 'yong damit ni Cryzler diba?" Napaisip ako.

Well that's right though, gustong gusto kong pakaeffortan ang damit ni Cryzler but come on, bakit ako magpapakaeffort kung ang damit naman ay gagamitin niya para sa engagement nila ni Xyne, the bitch!

"Hmm, maybe bukas," Balewala kong sagot at bumalik sa magtitingin ng damit.

She held my arms kaya otomatikong nangunot ang noo ko, "Really? Thanks."

Bumalik naman na siya kay Cryzler na nasa may entrance lamang ng boutique. I sighed bago naiinis na lumapit za kinatatayuan ni Nine.

"Hoy, Nonagon! Ano pang plano mo? It's not getting better!" Tinuro ko pa iyong dalawa sa pinto. Napatingin siya saakin and give off an annoying smile. Ayon, may pinagmanahan.

"Plano saan? You're always mad, why not just stare at my face?" Napafacepalm ako sa sinabi niya. Freaking drop off your wind! Masyado ka nang mayabang!

"At least make an effort to get his number," Binawela niya ako at sa halip ay tinanggal ang isang kulay itim na turtle neck shirt sa hanger at iniharap saakin.

He's pissing me off.

"Kung makuha ko man, what'll you do? Call him? Nope, impossible," Hinawakan niya ako sa braso kaya sinamaan ko siya lalo ng tingin, "Anyway, is this up to your taste?"

1|Does She Know? Where stories live. Discover now