Kabanata 29

17 6 0
                                    

Does She Know?

Kabanata 29
It's your fault



Gumising ako ng maaga. Uh, no, hindi ako natulog. Naligo kaagad ako at pumunta sa boutique. I don't really know what I was doing. Nagsabi rin ako kanina kay Kuya Juston na hindi muna ako papasok sa hospital.

I was not in the mood. Nakahalumbaba lamang ako habang pinapanuod na magtrabaho si Baille. She looked at me for a second at nagtaas ng kilay, "Hindi ka good mood?" Umiling ako.

"Nasa Canada pala si Cryzler tapos hindi naman nagpaalam saakin." Tumawa siya at tumayo para lumipat sa tabi ko.

"Miss mo na ano?" Tinusok tusok pa niya ang tagiliran ko at mapangasar akong nginingitian.

"Ikaw, miss ko na 'yong matabang ikaw!" Pinisil ko pa ang braso niya at lumayo naman siya saakin. "Magpataba ka na ulit. 'Wag mong idahilan saakin na diet ka!"

"Hindi ako nagdidiet! At saka anong matabang ako? I was never fat!" Sigaw niya pabalik saakin at dinampot ang phone kong nasa lamesa. Magtipa siya roon at halatang galit, pinabayaan ko nalamang. I know, hindi niya ako ipapahamak.

Bumalik ako sa pags-sketch ng mawala panandalian ang yamot ko kay Cryzler. Let's just say he has a reason. Probably has a reason. Naihilamos ko ang palad sa mukha ko. Good thing I wore an anti-smudge lipstick and make up.

The bell chimed at agad maming napalingon ni Baille sa pumasok. Ibinalik niya ang phone ko sa lamesa at ngumisi, "Hi Nine. Welcome back."

Umalis na si Baille sa tabi ko at pumalit sa tabi ko si Nine. I motioned him a seat at naupo naman siya. Napakamot siya sandali sa pisngi before looking intently at me. "Sad?"

Nagpout ako at binitawan ang lapis na hawak ko, "Hmm, yep. Halata ba?" Tinuro ko ang mukha ko and he chuckled.

"Oo, e."

"Paanong halata?" Tanong ko trying to fill ot woth sarcasm.

He pinched my cheeks downwards at natawa, "Parang ganiyan, o!"

"Bwisit ka!" I wanted to curse at him pero hindi makakatulong, "Ano bang ginagawa mo rito?"

Bumalukipkip siya at sumandal sa sandalan ng couch, "Last day bago ang training. Baka ma miss mo ako, e."

Ngumiwi ako at naiiling na niligpit ang mga papel sa lamesa, "Asa ka, Mr. Ex nalang."

"Ayaw mo na talaga saakin 'no?" I leaned closer and smack the back of his head. Akala ko nga noon ay magkaaway na talaga kami but he's here again nangaasar at binabadtrip ako.

"Ano ngang plano mo?"

"Hang out with you. I heard Cryzler's in a Canada. Akala ko chance ko na," He smiled at tumayo bago ipasok ang isang kamay sa bulsa and the other showing me his keys. "Tara? Timezone?"

I bit my lower lips at lumingon kaya Baille at tumawa siya bago iwasiwas ang kamay niya telling me to just go. So I did, I mean we did.

Sa kotse ako ni Nine sumakay since he insisted. Tahimik lamang ako dahil naalala ko si Cryzler, I couldn't help but to check my phone again. Baka sakaling may message na.

Nakarating kami kaagad sa mall at dumeretso sa timezone. Marami na kaagad silang naidagdag na new arcade. Mamimili pa sana ako ng lalaruing archade ng hilahin na ako ni Nine papunta sa isang shooting game at may hawak ng tokens sa kamay.

"Aray ko! Kailangan hilahin? I'm on heels oh. Heels!" Ipinatong ko pa sa ibabaw ng game 'yong paa ko para lamang makita niya ang suotkong stiletto na style gladiator and he smirked.

1|Does She Know? Where stories live. Discover now