Kabanata 5

31 20 0
                                    

Does She Know?

Kabanata 5
You want me gone?


Tahimik ako habang paunti unting iniinom ang tubig na binili saakin ni Cryzler. Pasimple kong pinupunasan ang luha ko kasama na duon ang eyeliner kong nasira na dahil ng lintik na luha. Naubos na ang paghikbi ko.

"You done?" Ibinaba ko ang bote at tinignan si Cryzler. Naubos na rin yata ang lahat ng kahihiyan sa katawan ko. Tumango ako sakanya.

"Sorry and thank you," Halos pabulong kong sabi sakanya. Hindi niya ako tinignan at tumayo siya sa pagkakaupo sa bench na inuupuan namin. He then, looked at me. Expressionless.

"You still like him?" Tila balewalang tanong niya. Nangunot ang noo ko bago ibagsak ang tingin sa lupa.

"No," Never. Ikaw na nga yata ang gusto ko, e. Ugh. Gusto kong sumigaw dahil sa inis sa ginawa saakin ni Chase. Napakakapal na talaga ng mukha ng lalaking iyon!

"Then never talk to him again," That was his last word that day before we went to our own rooms.

📎📎📎

"I'm Sahrine Castrohe, I'm an architect," Bati saakin ng mukhang tomboying babae pagkatapos kong maligo sa banyo. Siya lamang ang tao ngayon sa kwarto namin at wala iyong babaeng kumausap saakin kahapon. "Ikaw? What do you do?"

What do I do? Sakalin ka kapag hindi ka pa tumigil. I'm still on a shitty mood. Hindi pa ako nakakarecover sa ginawa ng hinayupak kong ex. But a part of me is rejoicing dahil sinabi ni Cryzler na girlfriend niya ako although that's just a front for Chase to leave me alone.

Meron na rin siya, dapat makuntento siya.

"I have a boutique," Maiksi kong sagot and continued drying my hair gamit ang dala kong blower. Lumapit siya sa kama ko and sat down.

"You design clothes?" Ay malamang. Hindi ako umimik sa halip ay hinarap ko siya at pinatay ang blower ko.

"Can I ask you, anong pangalan noong isang babaeng kasama natin?" Tumango siya.

"Si Lilac iyon, Lilac Crimson. Kapatid siya noong lalaking katabi mo sa van noong pumunta tayo dito, ni Cryzler," My lips slightly parted. Ano? Magkapatid sila? "But we call her, Lumi. She's a singer."

Binuhay kong muli ang blower pero nakatingin pa rin kay Sahrine. "What about you? Anong tawag sayo?"

"Just Rine, okay na ako," Tumango ako at nang matuyo ang buhok ko ay hinubad ko ang roba ko at nagbihis ng summer dress. But still stiletto is life.

"Nga pala, may boyfriend ba si Lumi?" Tanong ko. Napatingin siya saakin at natigil sa pagsisintas ng sneaker niya. Nasa beach tayo girl, but I'm the one to talk.

"Oo, si Xymone. Pero sa pagkakaalam ko they're just arranged," Kumunot ang noo ko pero binalewala ko iyon at nagpaalam na kay Rine na pupunta na ako sa beach.

Hindi kasi uso sa resort na ito ang breakfast. Joke. Hindi uso saakin ang breakfast, gatas lang ako pero parang ang pangit naman kapag nanghingi ako ng gatas sa restaurant. Gross and not lady like.

Nagpapahid na ako ng sunblock sa hita ko habang nakahiga sa lounger, dinadama ang init ng araw sa balat ko. This is what we call vitamin in the skin. I pulled down my sun glasses dahil hindi ko na maimulat ng maayos ang mata ko. Masyadong maliwanag.

"Cyvyn!" Muntik ko nang maihagis ang hawak kong bote ng sunblock sa sobrang gulat ng sumulpot sa harapan ko si Lumi na nakatwo piece lamang. She smiled at me at naupo sa dulo ng lounger ko. "What's up? Let's swim!"

1|Does She Know? Where stories live. Discover now