Chapter 3

79 34 0
                                    

Niliko ko ang aking sasakyan sa karatulang Mavero Street. Kahit sa malayo pa lang ay makikita na ang kalakihan at tanyag ng kanilang negosyo.

Kinakabahan akong pumunta sa Mavero Corporation. 'Di ko alam kung sa pagmomodel ko mamaya o sa pag-asang di malabo na makita ko ang kaniyang pagmumukha sa mismong kompanya nila.

Tinungo ko ang aking sasakyan sa basement nila. 'Di ko maiwasang mapamangha sa negosyo ng mga Mavero, tunay ngang mayaman sila. I mean medyo may kaya naman pamilya namin ngunit hindi kasing kayaman ng mga Mavero.

Agad bumukas ang pintuan nila dahil sa guard na nginitian ako at ngumiti rin ako bilang pagbati. Nagpunta ako sa assistant para tawagin ang secretary ng MCL.

"Hi my name is Aliyah Adara. Can I talk with the secretary in MCL? May appointment ako sa kanya today"

"Sige ma'am upo muna po kayo. I'll just settle a call for you"

Giit ng assistant na tinanguan ko. Umupo muna ako at nakita ko ang pagtalikod niya sa akin. Dahil sa pagkabored ko ay pinagmasdan at inilibot ko muna ang paningin ko.

Nang makita ko ang lahat ng tao na para bang may tinitignan sa iisang direksyon lamang, napuno ng kuryosidad ang isip ko.

Pinihit ko ang ulo ko sa ano mang tinitignan nila.

Agad nahagip ng paningin ko ang dalawang lalaking nakatalikod sa akin at nakasuot ng pormal na damit na animo'y ang mga postura nila ay tanda bilang makapangyarihan.

Tinignan kong mabuti ang kanilang mga likod at panigurado akong..

Si sir Nikolai ang isa sa mga nakita ko! Wait, sino ba 'yang kasama niya?

'Di ko makilatis ang mukha ng kasama niya. Ngunit panigurado akong isa ito sa mga myembro ng LOV.

Nagtungo sila sa isang kwarto at napansin kong may mga instruments nang buksan nila ang pintuan, mukhang ito 'yong silid kong saan sila nagpapractice at nagrerecord, 'di ba?

I felt relieved kasi 'di niya ako nakita. Paano nalang kaya kung nakita niya ako?

Oh no please, dear God.

"Ma'am?"

Nabigla ako sa tapik sa aking balikat. Nakita ko ang assistant at nginitian niya ako.

"Ma'am, ok lang po ba kayo?"

"Yes, I'm fine. Thank you"

Nakita ko ang pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata. Tumango pa ako upang makumbinsi ko siya sa aking sinasabi. Nakita ko naman ang pagngiti niya.

"Samahan ko nalang po kayo sa secretary ma'am"

Nilakad namin ang daan papunta sa elevator nila. Naglakad ako papasok at ganoon din ang ginawa niya.

May tinipa siyang numero at katahimikan lamang ang bumabalot sa amin.

Awkward!

Kaya't humarap nalang ako sa likod upang makita ang napakagandang tanawin sa labas ng glass ng elevator habang kami ay paakyat. Nakita ko ang mga naglalakihang building na para bang nagpapataasan sila.

Bumakas na ang elevator at agad bumungad sa akin ang opisina ng sekretarya. Hinila ng assistant ang pintuan upang binuksan.

Nadatnan naming nakaupo ang secretary at iniwan na kami ng assistant. Agad napatayo ang sekretarya at binigkas ang pangalan ko.

"Aliyah Adara, right?"

"Yes. Where should I take the photo shoot?"

"This way ma'am. Sunod nalang po kayo saakin"

One Night Stand (ON-GOING)Where stories live. Discover now