Chapter 11

13 3 0
                                    

Bakit nandito ang kapatid ko? At bakit nakatapat sa akin ang cellphone niya na tila'y nagpapahiwatig siyang tignan ko iyon.

Kaya ba may hawak siyang cellphone? Dahil kumalat na 'yong balita sa amin ni Niko? Hindi sa nag-aassume ako pero 'yon 'yong nararamdaman ko. 'Yon 'yong kutob ko.

Kaya ba pumunta siya sa apartment ko para ikompronta ako? Para awayin ako dahil inagaw ko si Niko sa kaniya?

Alam niya na ba? Kaya siya'y nakakunot noo? 'Di ko naman sinasadyang agawin sa kaniya si Niko.

Natatakot ako kung dumating man ang araw na mag-aaway kami dahil sa isang lalaki, at mas natatakot ako kung iyon 'yong araw na 'yon.

Nilingon ko ang ang hagdanan at napagtanto si Niko, ang aking asawa.

Paano kung magising si Niko dahil sa bulabog ng doorbell? Paano kung bumaba siya at makita siya ni Aloha? Ano nalang ang sasabihin ko?

Napatigil ako sa pag-iisip nang tinawag ni Aloha ang pangalan ko. Agad akong napalingon ako sa kaniya.

"H-Ha? B-Bakit?"

Umirap si Aloha sa akin at mas pinaharap niya pa ang cellphone sa akin para mas makita ko.

Kumunot ang noo ko nang maaninag ko ang convo namin ni Aloha.

Aloha:
Punta na ako riyan sa condo mo! Papasyal lang ako. See yah.
Sent 10:00 PM

Aloha:
And btw! Birthday ni mommy sa susunod na linggo ha! Punta ka raw.
Sent 10:02 PM

Aloha:
What do you think is the perfect gift for mom? Hmm.
Sent 10:04 PM

Aloha:
Wait, nagkayayaan mga sisters ko. Maybe I'll go there mga 12?
Sent 10:10 PM

Aloha:
Gotta go. See you later sis! And my pamangkin hehe. :)
Sent 10:12 PM

Tinignan ko si Aloha at nakataas pa rin ang kaniyang kaliwang kilay sa akin.

Oh my God!

Birthday na pala ni mommy sa susunod na linggo. Ah shit! 'Yon pa ang nakalimutan ko.

"You didn't read my messages? Where's your phone?" Ani niya.

Napatingin ako sa kaniya.

"That's why I came here. To check on you, because you didn't reply on my messages. Even seeing it you don't have time. Are you busy? Are you okay?" Tuloy-tuloy na sabi niya.

"My phone is low battery. Sorry! Busy ako kaunti eh"

Tumango-tango siya.

"And thank you for coming sis! I really miss you!"

Napangiti na siya dahil sa sinabi ko.

"So how's my pamangkin? How's your mom, little kid?"

Sabay hawak niya sa tiyan ko.

"I'm fine tita. Mommy is fine po"

Tawa ko habang nagmimimic ng batang boses. Tumawa rin siya dahil sa ginawa ko.

Napansin kong kanina pa kami nag-uusap at hindi ko pa siya naaayang pumasok. Tinignan ko ulit siya ng hawak niya na ang cellphone niya at may tinitignan.

One Night Stand (ON-GOING)Where stories live. Discover now