Chapter 12

14 2 0
                                    

Umalis na si Niko at naiwan nalang kami ni baby dito sa condo. Nakasimangot ako magdamag hanggang sa may narinig akong doorbell. Napangiti ako dahil may kaunting pag-asang si Niko 'yon at baka may nakalimutan siya.

Nadismaya ako sa nakita ko nang makita ko ang delivery boy. Ito na pala ang regalo ko kay mommy na necklace.

"Salamat po!"

Binayaran ko ang pinambili ko at siyempre ang shipping fee na rin. Ang lungkot pala sa bahay kung mag-isa ka nalang. Lalo pa't wala 'yong nanggugulo sa akin.

Nakabusangot ako magdamag at naisipan nalang na buksan 'yong TV. Nagpipindot ako ng number nang makita ko ang mukha ni Dwaine sa TV.

"Breaking news, ang boygroup na LOV ay luluwas papuntang Ilocos para sa—"

Pinatay ko na ang TV sapagkat nakita ko ang mukha ni Niko. Argh! Ba't puro si Niko nalang? Mas lalo ko tuloy namimiss.

Nagpunta nalang ako sa kusina at naisipang kumuha ng marshmallows at chocolate syrup. Habang naghahanda ako ay may narinig akong doorbell.

Napakunot ang noo ko nang matantong wala naman akong ineexpect na bisita. Nilapitan ko ang pintuan ay binuksan. Nagulat ako sa nakita ko nang niyakap agad ako ni Aloha.

"Ba't ka naman napunta dito?"

Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at sumimangot siya. Nagcrossed arms din siya.

"Don't tell me that you don't miss me?"

Tinaasan niya ako ng isang kilay. Magsasalita palang sana ako nang magsalita na siya at pumasok sa loob.

"Anyways, nakita ko si Nikolai!"

Kilig na kilig pa siya habang pumapasok at sumalampak sa sofa ko at kinuha ang remote.

Oh no. Masamang pangyayari. 'Wag niya sanang makita si Niko dito sa condo ko.

"Girl! Ano ka ba, ba't 'di mo binubuksan 'yong TV. Ngayon flight nila eh."

"Ah... ehh, 'di ko naman kilala 'yang mga 'yan."

Saad ko habang tumatawa ng pilit.

Binuksan ni Aloha 'yong TV at news na naman tungkol sa banda nila Nikolai ang nakabalandera.

Oo Aloha, alam ko. Because he's my husband. And I'm a Mavero already.

"Saan mo naman siya nakita?"

Kinakabahan man ngunit gusto kong malaman.

"'Yon nga! Nakita ko si Nikolai kanina sa baba, like omg!"

Tinignan ko siya na may pilit na ngiti.

"And ako naman nagtaka, 'di ko naman pala alam na same kayo ng condo ni Nikolai! Sana sinabi mo.."

Sundot niya pa sa shoulders ko.

"Edi sana nandito ako lagi!"

No. No way, Aloha. Tinignan ko siya at pumapadyak-padyak pa ang paa niya habang pinaglalaruan 'yong sequins pillow ko.

Tinignan ko 'yong paa ko. Paano na 'yan? Nalaman na ni Aloha na dito lagi si Nikolai, for sure lagi na 'yang nandito. Think, Aliyah.

"Hoy sis!"

Hawak niya sa braso ko. Tinignan ko siya nang may ngiti.

"Are you okay?"

Tinignan niya agad 'yong tiyan ko at hinawakan ito.

"Pamangkin ah, hinuhurt mo na naman si mommy."

"Aloha, I'm okay."

Tumango si Aloha at nakita niya ang box ng necklace sa tabi ko. Kinuhan niya ito at binuksan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Night Stand (ON-GOING)Where stories live. Discover now