Chapter 6

51 23 0
                                    

[WARNING: SPG]

"Why do you have this?"

Ulit niya sa tanong niya. Lumakad siya sa sofa at pinakita sa akin kung bakit may ganoon ako.

"Why are you living in a condo?"

Tanong niya pa muli sa akin. Ali, be careful to your words. Baka madulas ka o mabuking. Niko naman kasi eh ba't ka naman nagtatanong ng mga ganiyan, para akong nasa hot seat oh.

"Ba't 'di mo kasama parents mo?"

Tanong niya pa ulit, bakit ba ang daming tanong neto? Anong sasabihin ko ba sa kaniya?

"A-Ah... para malapit sa tinatrabaho ko. May trabaho kasi ako... noon. At saka para matuto na rin akong tumayo sa sarili ko 'no"

"What company is it?"

Tanong niya sa akin. Tangina?

"Ah.."

Sambit ko. Nais ko mang sabihin ang pangalan ng kanilang kompanya ay hindi ko magawa. Para ba akong pinutulan ng dila at hindi maibigkas ang nais na sabihin.

'Di ko masambit ang pangalan ng kompanya nila kahit gusto ng isip ko. Bakit ba ang hirap? Sasabihin lang naman eh.

Pinutol niya ang pag-iisip ko ng magsalita na naman siya ulit.

"Why did you leave our company?"

Nagulat ako sa sinabi niya at nanlaki ang aking mga mata. P-Paano?

Tangina, siyempre sila may ari! Bobo!

Mga ilang segundo na ang nakalipas ngunit wala pa rin akong naiisip na dahilan. Tanging ihip lang ng hangin na nangggaling sa aircon ang naririnig namin. Ni isa sa amin ay walang gustong magsalita, para bang ang init lang na dumadaloy sa pamamagitan ng pagtinginan namin ang sagot.

Patuloy pa rin kaming nagtititigan ni Niko.

Pakiramdam ko ay wala akong masabi sa kaniya at alam ko sa sarili ko na kailangan kong mag-ingat.

Mas lalong kumunot ang kaniyang noo. Napapaso ako sa berde mong mata Niko!

"K-Kasi.... nakahanap ako ng oportunidad sa ibang bansa. Oo 'yon, hehe. B-Bakit?"

Tumawa ako ng hilaw.

"Are you sure?"

Mas lalo pang kumunot ang kaniyang noo.

"O-Oo naman. B-Bakit ba?"

Tumango-tango siya ng mabagal. And lastly pinakita niya ulit 'yong guide ko.

"What is this? What's the purpose of this?"

"A-Ah.. Naexcite lang kasi ako sa thought na ganoon. Para kapag mommy na ako handa na ako... 'yong guide ganoon. B-Bakit?"

Why does he became curious at this matter all of a sudden? Hindi ko pwede sabihin sa kaniya na meron kaming anak. Ano nalang ang sasabihin ni Aloha sa akin?

Napansin kong bumuntong hininga siya ng malakas at parang nalukot ang mukha niya.

Napansin kong humakbang siya ng papalapit sa akin at tinignan ako. Pinagapang niya ang kanyang palad sa aking mukha at nilagay ang natirang hiblas ng aking buhok sa likod ng aking tenga. Ilang segundo na ang nakakaraos ay naroon pa kami sa posisyon na ganun.

Napapaso ako sa mga titig niya, tuwang titingin siya sa akin ay para bang tinitignan niya ang buong kalooban ko. Napansin ko na papalapit na nang papalapit ang kanyang mukha papuntahin sa akin. Namalayan ko nalang na dumikit ang labi niya sa labi ko.

One Night Stand (ON-GOING)Where stories live. Discover now