Chapter 9

36 11 0
                                    

[OPTIONAL: PLAY THIS SONG > "FourPlay MNL - One Night Stand"
"Lany - If You See Her" WHILE LISTENING THEM PERFORM, FOR BETTER READING]

Sobrang gulo

Sa'n ba 'ko tinamaan, sa alak o sa'yo?

Nahihilo

Pag sikat ba ng araw ikaw pa ba't ako?

Patuloy pa rin kaming nagtititigan ni Niko hanggang sa pinikit niya ang kaniyang mga mata.

May mga tumakas na ilang pirasong buhok at nahulog sa kaniyang noo. Paano naman kasi? Sige ang 'pag head bang habang nagsasayaw ang kaniyang mga daliri sa gitara, damang-dama?

Bumaba ang tingin ko sa kaniyang kasuotan. Wearing leopards skin black na embroidered cotton na longsleeves. At black pants na itim. Bumaba ang tingin ko sa sapatos niyang may tatak na MCL. I'm sure all of his clothes are made from their company.

Buti nalang binigay niya sa akin ang jacket niyang isa, ang lamig dito.

Instrumental siguro muna 'to? Huminto kasi sa pagkanta si Niko eh at pinapasayaw niya ang kaniyang mga daliri sa gitara.

Napatingin ako kay Riley na nagdadrums. May lahi talaga ang mga Mavero na nakakaakit kahit anong anggulo. May pagkakaiba lang sa kanila ni Niko dahil may piercing siya sa kaliwang tenga niya na mas bumagay sa kaniya. Kahit simpleng rose gold pink na hoodie jacket at jersey shorts na mas nabagayan pa ng Apple Watch at Nike black swoosh garter headband.

Parang wala sa kompanya nila ah? Well, they own this naman.

Nakadilat si Riley at binasa niya ang kaniyang labi. Nagheheadbang din siya habang pinapalo ng kaniyang drumsticks ang drums. May mga times na pumipikit siya.

The sound of the guitar caught my attention. Napakaromantic ng tugtog. Nalipat ang tingin ko sa dalawang naggigitara. Lumipat ang tingin ko sa kasuotan ni Killian.

May white polo na longsleeves at nakapatong ang denim jacket na zebra skin ang theme. Hindi pa nabutones ang isang button sa wrist niya kaya mas kita ang white na longsleeves. At sa grey pants niya ay nakasabit ang panyo na white na may tatak na MCL. May piercing din siya sa kaliwang tenga kagaya ni Riley.

Magpinsan nga. Pansin kong nakapikit siya ng mata, dinadamdam niya ang beat habang nag-iistrum sa gitara.

Si Dwaine naman ay nakalongsleeves black na polo pero nakatupi hanggang sa siko tapos nakabukas ang tatlong butones sa taas na kita ang puti na t-shirt sa ilalalim. Mas bumagay ang kasuotan niya dahil sa metal chain necklace na suot niya. Nakarolex pa ang chong! Nakaripped jeans siya at balenciaga shoes. Feel na feel din ng isang 'to 'yong beat, grabe ang 'pagheadbang.

Nahiya naman ako sa mga suot neto! Edi kayo na mga mayayaman.

At ang aking hiling sa paggising ay

Ika'y katabi

Binuksan ni Niko ang kaniyang mga mata at tinignan na naman ako. Pumupungay ang kaniyang mga mata.

At may ngiti at

Sana'y maulit muli

Nginitian niya ako pagkatapos kantahin ang mga katagang 'yan. Nagwink din siya sa akin at tumaas ang kaliwang kilay niya.

Ba't parang natatamaan ako sa kanta nila? Ba't parang feeling ko sinasabi niya 'to sa akin?

Sobrang gulo

Saan ba ako tinamaan, sa alak o sa'yo?

Nahihilo

Pag sikat ba ng araw ikaw pa ba't ako?

One Night Stand (ON-GOING)Where stories live. Discover now