Chapter 7

46 22 0
                                    

Patuloy niya pa ring hinahaplos ang likod ko. Kita sa mukha niya ang pag-aalala kung ano ang nangyayari sa akin. Nagsensyas ako na ipagpatuloy niya ang niluluto niya at ok na ako.

Imbes na gawin niya 'yon ay nilapitan niya ng tissue ang labi ko at kumuha siya ng tubig.

"What happened? Are you feeling dizzy?"

Tanong niya sa akin nang nakainom na ako.

"W-Wala lang 'to. Nahilo lang siguro ako"

"You want I'll take you meds?"

Sambit niya sa akin ngunit umiling ako. 'Di naman talaga 'to sakit ng ulo eh.

Naputol ang pag-uusap namin nang may magdoorbell sa pintuan. Agad kaming nagtitigan ni Niko sa isa't-isa at kumunot ang mga noo namin.

Shit! 'Wag naman sana ang kapatid ko. 'Di ko pa naman alam ang gagawin ko kung nandidito siya. Kaming tatlo, magpapang-abutan?! Dito pa sa condo ko? It's a hella disaster.

Lalo na't nandito si Niko! Crush na crush niya pa naman 'yon. Ano nalang sasabihin ng kapatid ko sa akin, mangaagaw at malandi ako?

At isa pa, alam ni Aloha ang pagbubuntis ko. Madaldal pa naman 'yon at baka madulas siya sa harapan namin ni Niko. Edi malalaman ni Niko na may anak ako!

Shit! Shit, Hindi pwede 'to. Hindi pwedeng mangyari ang mga nasa isip ko!

Nakapikit ako ng mata habang nag-iisip nang may naalala ako.

Nakapagdesisyon na ako diba, kahit anong mangyari si Niko pa rin ang pipiliin ko at sa kagustuhan kong lumaki 'yong anak ko na may daddy?

Bahala na nga kung ano mangyayari, basta nasa isip ko lang ay ipaglalaban ko ang kagustuhan ko na mabuo ang pamilya ko para sa anak namin.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang may marinig kaming doorbell ulit. Napahinto ako sa pag-iisip ko nang magpresenta si Niko na siya na ang magbubukas.

Agad na siyang tumungo sa pintuan. May doubt pa rin sa isipan ko at iniisip ang mga mangyayaring di maganda at hinahanda ang sarili, sinundan ko siya sa pintuan.

"N-Niko, ako n-nalang"

I'm stuttering!

Napapikit ako nang i-awang niya ang pinto. Napacrossed fingers pa ako bilang tanda na sana marinig ang kahilingan ko. Sana hindi naman si Aloha! Kung hindi, problema na naman 'to!

"Sir Niko, here's your luggage"

Napabukas ako ng mata nang marinig ko ang isang boses.... boses ng isang lalaking pamilyar.

Agad kong tinignan ang nagsalita.

Thank God! Si Jaguar lang pala. Nakahinga na ako ng maluwag na matanto ang bodyguard ni Niko.

T-Teka? Ba't siya may dalang luggage?

"Oh thanks!"

Sambit ni Niko. Agad naman nagpaalam si Jaguar para makauwi na.

Teka, 'wag niyang sabihin na dito na siya titira! Oh God, 'di pwede 'to.

"So..."

Narinig ko ang boses na mapang-asar ni Niko kaya't dali-dali akong humarap sa kaniya. Nakangiti na siya ngayon nang hinarap ako.

Tinaasan ko siya ng kilay para ipahiwatig kung ano man ang nais niyang sabihin.

"A-Ano 'yan? Don't tell m-me dito ka na titira?"

I'm stuttering. No please, God.

"You got it right baby!"

Sigaw niya habang kumikindat-kindat at napasandal sa pintuan at nag crossed arms.

One Night Stand (ON-GOING)Where stories live. Discover now