Chapter 8

38 16 0
                                    

[OPTIONAL: PLAY THIS SONG > "FourPlay MNL - One Night Stand" WHILE LISTENING THEM PERFORM, FOR BETTER READING]

Nagulat ako noong niyaya ako ni Niko sa kompanya nila. Tinignan ko siya ng nakakunot noo.

"What?! Anong gagawin ko doon? Papatrabahuhin mo 'ko ganoon?"

'Yan lang ang tangi kong nabigkas dahil paano kung makita nila ang CEO ng MCL ay kasama ang isang model dati?

"Of course not. I can't afford to see you working. I can work for you and for our family"

Paano nalang kung makita ako ng parents niya? Ano nalang sasabihin sa akin? Na gold digger ako ganoon?

May pera kami, excuse me. Ang kompanya namin ay food industry talaga. Pinamana ng ninuno namin hanggang sa napunta kay daddy.

"Paano parents mo? Paano kung makita nila ako?"

Dalawang restaurant na mas lumaki dahil pinagsama ito ng kapatid ni mommy sa kompanya nila daddy.

"You don't want to meet my parents?"

"Hindi naman sa ganoon, pero—"

Naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Niko.

"If you're thinking about my parents on you meeting them. Not now, if you're still not ready"

"Sorry. Ano ba kasi gagawin natin doon?"

Tanong ko sa kaniya pero nilagay niya ang index finger sa bibig ko.

"Something... magical"

Magical?

"Magbihis ka na. Don't wear too much revealing clothes please"

Nagbihis na ako ng dress na red at medyo kita ang cleavage. At nagsandals ako ng puti. Napangiti ako sa naisip ko. Gusto ko kasing asarin si Niko. Don't wear revealing clothes pala ah!

Pansin ko rin na lumalaki na ang boobs ko. Tinignan ko ito sa full body length mirror.

Medyo loose ang dress dahil ayaw ko ng magsuot ng mga hapit sa katawan dahil mapapansin na ang baby bumps ko.

"Are you ready, baby?"

Tanong ni Niko habang nakaawang ang pintuan. Simula noong naiinis na ako sa kaniya ay pinatulog ko siya sa guest room.

Araw-araw din siyang nangungulit at pinagpipilitan na matutulog siya sa tabi ko pero humihindi ako.

Tumango ako sa kaniya at lumapit. Nagtaka ako dahil ang tingin niya ay nasa cleavage ko.

"Manyak ka talaga!"

Pinalo ko siya sa balikat. Pumikit siya ng mariin at bumuntong-hininga. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Baby, you're fucking seducing me again! I said not to wear revealing clothes"

"Eh gusto ko neto eh!"

"Please change baby. I know you're hot with that. I've always know naman"

Tinignan ko siya. Wow ha, conyo ka?

"But hotter when you're naked"

Tinignan ko siya ng nakakunot noo.

"Gusto mo buhusan ko ng holy water 'yang bibig mo! Manyak! 'Eto na 'to. I'm comfortable with it"

Napahawak siya sa buhok niya at bumuntong-hininga.

"Fuck! How about me, baby? I'm not comfortable with what you're wearing"

One Night Stand (ON-GOING)Where stories live. Discover now