Chapter 4

63 25 0
                                    

Isang buwan na ang nakalipas simula noong nalaman ni Aloha ang pagbubuntis ko.

"Oh my God. I-Is that yours?"

Tumango ako at 'di ko kayang makita ang reaksyon niya. Kaya itinuon ko ang aking paningin sa baba.

Tango ang nagpahiwatig sa kanya na tama nga ang hinala niya.

"W-Why didn't you t-tell us?"

"I d-don't know what to do. D-Don't tell mom and dad please"

Malalagot talaga ako neto big time.

Tinignan niya ako na para ba akong nahihibang, na imposible na hindi nila malalaman.

"Are you crazy? Malalaman at malalaman pa rin nila 'yan!"

"I k-know sis but not now. I-I'm not yet ready"

Tiningala ko siya at sinalubong ko ang pagkadismaya sa kaniyang mga mata.

Biglang lumandas ang mga luha ko sa aking pisngi. Napalitan ng awa ang kaniyang mukha.

"Who's the father then? Tell me Aliyah, who's the father of the child you're carrying?"

'Di ko magawang magsalita. Kahit nakaawang ang aking bibig wala pa ring lumalabas kahit katiting na salita.

"Who is the fa-"

Naputol ang kaniyang sasabihin ng may kumatok sa aking pintuan. Agad kaming napalingon ni Aloha.

"Ma'am kakain na raw po"

Nagpasalamat ako dahil naputol ni ate Pammy ang tanong ni Aloha. Dahil paniguradong 'di ko rin masasagot 'yon.

"Yeah we'll be there"

Tumango si ate Pammy at sinarado ulit ang pintuan. Nakarinig kami ng yapak papunta sa hagdan, tanda na nakababa na ang aming katulong.

"Hindi kita isusumbong kila mommy. But, gusto ko ikaw ang magsabi sa kanila, I'll help you okay? But you promise me na once na halata na 'yang tiyan mo doon mo aaminin? Dahil 'di mo kailanman matatago 'yan"

Tumango ako at nakahinga ng maluwag ng 'di niya na ako tinanong kung sino ang ama ng anak ko.

Hell no na sasabihin kong kay Nikolai 'to.

Maaga akong nagising kanina dahil sa pagbaliktad ng aking sikmura. Tinungo ko ang CR at nagsuka. Morning sickness!

Kaya ngayon nagluluto ako ng aking makakain. Dito muna ako nakatira sa condo pansamantala para 'di makita nila mommy na may lumalaking tiyan ang kanilang anak.

Tatlong linggo na rin ako dito sa condo ng napag-usapan namin ni Aloha. Sapagkat sa ngayon ay 'di muna dapat pwedeng malaman nila mommy.

"So what are your plans now?"

Sambit ng aking kapatid habang patungo sa aking kama. Tinignan ko siya at nagkibit balikat. Huminga siya ng malalim.

One Night Stand (ON-GOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant