The Visual

1.9K 55 9
                                    

READ AT YOUR OWN RISK. If your not into GxG story.. Stop right here.

Gabi na ngunit nagpa plano pa rin ang magkaibigang Karina at Kaori para sa daratong na Foundation Day sa kanilang paaralan.

"Karina? Uy!" tapik ni Kaori sa kaibigan

"Nakikinig ka ba?" pag uulit nya dito

"Wait lang.. Si Jelay yun diba?? OMG!" nagtataka naman si Kaori sa naging reaction ng kaibigan kaya sinundan nya ng tingin ang tinitingnan nito..

Nakita nya ang isang babae na nakaupo sa bleacher na nasa ilalim ng malaking puno..

"Anong meron sa kanya?" kunot noong tanong ni Kaori

"Pasaway yan sa St.Colleen! Chix Magnet kaya laging napapaaway. Totoo palang pinatapon sya ng magulang nya dito sa school natin!" mahabang litanya ni Kare na parang di interesado si Kaori

"Anong pake natin sa kanya? Mag focus ka na lang dito sa plano natin sa  Foundation Day.."

"Totoo pa lang napaka ganda nya kaso muka talaga syang sosyal na gangster dahil sa leather jacket na suot nya." patuloy na pagpuna ni Karina sa bagong ka eskwela

Kaya naman muling napatingin si Kaori sa dereksyon ni Jelay..

Sa muling pagtingin nga dito ay di nya akalain na lilingon din ito.

Nahuli sya nitong nakatingin sa kanya at inismidan lang sya nito.

"tsk.. Akala mo kung sino." saad ni Kaori

"Balita ko sobrang yaman daw nila at nag iisang anak lang sya kaya naman sobrang spoiled." naiinis na si Kaori dahil naka focus si Karina kay Jelay imbes sa Proposal nila.

KAORI POV

"Karina isa!" naiinis na ako sa kanya

"Alam mo Te Kaori? Parang bagay kayo.. Medyo magkahawig kayo e." patuloy ni Karina na nagpalipat lipat pa samin ang tingin.

Maganda naman yung Jelay na yun pero hello? Mas maganda kaya ako..

Medyo mas matangkad lang sya sakin, mas sexy at nakaka dagdag ng appeal nya ang pagiging medyo morena nya.

Sa totoo lang malakas ang dating nito kaso ang problema lang parang ang dilim dilim ng mundo nya..

Leather black jacket na may black na sando sa loob, black shoes at black pants..

"Uyy.. Pinagmamasdan nya si Jelay." agad ko namang inirapan si Karina sa pang aasar nya.

Siya kasi may kasalanan! Puro sya Jelay, nadistract tuloy ako.. I mean, na curious. Medyo lang.

"Pwede ba Kare? Tulongan mo na lang ako sa pag isip ng mga dapat na booth na itayo natin sa Foundation." utos ko dito na sinamaan ko pa ng tingin.

Ako si Kaori Oinuma, ang President ng Student Council dito sa St. Jude Univerty at ang St. Colleeen University ang pinaka matinding kalaban namin.

Muka naman natakot na si Kare sa sinabi ko kaya tinuon nya na ulit ang pansin sa pagpa-plano namin.

Sa pwesto ko ay natatanaw ko pa rin yung Jelay... Di ako mapakali dahil tutok na tutok sya nakatingin sa pwesto namin ni Kare o tama bang sabihin na sa akin?

Anong problema ng mokong na ito?

Tinaasan ko sya ng kilay at ngumisi lang sya sakin..

"Panget" wala sa sariling bulalas ko..

"Ha? Pero unang idea mo ito.. Sumang ayon lang ako" sagot sakin ni Kare.

Bweset! Nawala ako sa focus dahil sa babaeng yun.

Obsession (JelRi Fanfiction) Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα