The REVELATIONS (2)

685 44 6
                                    

KAORI POV

Di ko kaya na may iba pang madadamay kaya tinakasan ko sila Karina at bumalik sa bahay ni Jelay.

Madilim dito at parang mukang walang tao.

Binuksan ko ang ilaw at nakita ko ang mga basag na gamit na nakakalat.

"Je-Jelay?" nanginginig ako sa takot pero nilakasan ko ang loob ko.

Wala naman akong ginawang dahilan para saktan ako ni Jelay. Hindi nya ako sasaktan basta susunod ako sa gusto nya.

Tinatawag ko ang pangalan nya ngunit walang nasagot.
Nasa labas ang kotse nya kaya sigurado akong andito sya sa loob.

"Jelay?" nakaramdam naman ako ng kaba at pag-aalala ng hindi pa rin sya nasagot.

Umakyat ako sa kwarto namin..
Nabungaran ko ang sobrang gulo na kwarto at basag basag na gamit..

Nabaha din ng tubig na rinig na rinig ko ang pag-agos na nagmumula sa Cr.

"Jelay!!"

Napasigaw ako ng malakas ng makita ko ang tubig na naagos ay may dugo!

Dali dali kong pinasok ang cr.

"Jelay! Noo. Jelay!!!" sobrang daming dugo.

Hindi ko mapigilan ang mapaiyak..

"Jelay, bakit mo ginawa ito?"

Nangangatog akong tumawag sa ambulance habang tinitigan ang pulso ni Jelay na patuloy sa pag agos ang dugo.

"Jelay naman eh!" naiinis kong iyak sa kanya habang hawak ng mahigpit ang pulso nya na may sugat upang hindi sya masyadong mawalan ng dugo.

Nakita ko syang nag dilat ng mata pero hinang hina na..

"Jelay, wag kang pipikit.. Lumaban ka." habang patuloy kong tinatapik ang kanyang muka para di makatulog ay dumating na rin ang Ambulance

Agad syang dinala sa ospital.
Habang naghihintay sa labas ay nakita ko ang sarili sa salamin.

Punong puno ng dugo. Marami raming dugo ang nawala sa kanya.

"Lord, Please. Iligtas mo si Jelay." tahimik na dasal ko..

Sa kalagitnaan ng palakad lakad ko ay dumating na din ang pamilya ni Jelay at si Karina.

"Asan si Jelay?" tanong ng Mommy nya

"Nanginginig kong tinuro ang loob ng ER"

"Anong nangyari? Bakit ang dami mong dugo?" nag-aalalang tanong ni Karina.

"T-tumakas a-ako sa inyo at binalikan si Jelay.. N-nagulat na lang ako ng maabotan ko sa banyo na puro laslas ang pulsohan ni Jelay at ang daming dugo.. Sobrang daming dugo." naiiyak kong kwento

"Kumusta ang lagay ni J-jelay?" nauutal na tanong ni Ate Ailyn na halatang kinakabahan.

"Hindi ko pa alam Ate.."

"Jusko anak ko.." naiiyak din na saad ni Mommy Shie na pinapakalma ng kanyang asawa at ni Ate Ailyn.

Si Karina naman ay dinalohan ako at hinahagod ang likod ko.

"Magiging ok din ang lahat ate.." pag-aalo ni Karina

"Sorry. Kasalanan ko.. Kasalanan ko.. Kung hindi ko sya iniwanan hindi ito mangyayari.." sobrang bigat ng dibdib ko.. Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko

"Wala kang kasalanan. Walang may gusto mangyari ito. Magiging maayos din si Jelay." pag cocomfort ni Ate Ailyn na mababakas din sa muka nya ang pag-aalala.

Obsession (JelRi Fanfiction) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum