The END

881 49 40
                                    

"Are you willing to run away with me?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ikaw at ako. Tayong dalawa lang. Walang hahadlang at walang manghuhusga. Tahimik, payapa at masaya."

"I'm willing to go anywhere you are."

"You entered my life and there's no way out." parehas silang ngumiti at magkahawak kamay na nilisan ang lugar kung saan walang may nakakakilala sa kanila.

Nawala si Jelay at Kaori na parang bola.

Walang nakakaalam kung saan sila nagpunta.

Pero sana kung nasaan man sila ngayon ay masaya sila sa sariling mundo nila.
-----

Love can make you or break you.

Ang pag-ibig ni Kaori ay parang sa normal lang na tao na kung minsan ay nabibingi tayo na hindi na natin naririnig ang sinisigaw ng iba sa atin. Nabubulag tayo, hindi na natin nakikita ang mali.

At kung alam man natin ay pipiliin pa rin natin ang nararamdaman natin. Papaniwalaan nating tama ang alam natin mali.

Nagagawa tayong bagohin ng pag-ibig ng hindi natin namamalayan.
Sa isang iglap lang lahat ng pangarap mo ay posibleng magbago.

Sa isang iglap lang magbabago ang takbo ng mundo mo.

Tunay ngang nakakabaliw ang pag-ibig.

Tulad ng nangyari kay Jelay.

Hindi na natin na cocontrol minsan ang pag-iisip natin. Nauunahan tayo ng selos at nababalot ng pangamba.

Nagiging marahas tayo na kung minsan nakakasakit sa ibang tao at sa sarili natin.

Nakakagawa tayo ng mga bagay na pagsisihan natin sa huli.

Walang masama magmahal...

Pero lahat ng sobra masama.

1 Corinthians 13:4-7

Love is patient; Hindi natin dapat minamadali makahanap ng pag-ibig.

Love is kind; Dapat nakakabuti ito sa nakakarami.

It does not envy, it does not boast, it is not proud; Hindi dapat kinakainggitan, hindi pinagmamayabang at hindi pinagmamalaki.

It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs; hindi ito tungkol sa sarili lamang natin. Sa kaligayahan natin. Hindi dapat pangunahan ng galit at matutong magpatawad.

Love does not delight in evil but rejoices with the truth; Ang pag-ibig ay pinagyayabong at pinagtitibay ng katotohanan.

It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres; Ang pag-ibig ang dapat mag protekta sayo. Ang magbibigay tiwala, suporta, pag-asa at determinasyon.

Ang pag-ibig ang dapat bumuhay sa atin at hindi ang papatay.

This is the end of Jelay and Kaori story but i want to left one question,

WHAT ARE YOU WILLING TO DO FOR LOVE?

Obsession (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon