The Obligation

662 31 6
                                    

"Kare, may sasabihin ako sayo" panimula ni Kaori.

Kinakabahan sya ngunit ayaw nya rin naman ilihim sa kaibigan nya ang nangyayari ngayon sa kanya.

"Ano yun 'te?" at patuloy ang pagnguya sa kinakain. Nasa canteen kasi sila ngayon.

"Wag kang mabibigla ha?" napahinto naman si Kare sa pagnguya

"Ano ba yan?"

"Kasi Kare, kami na ni Jelay." muntik ng mabuga ni Kare ang kinakain nya

"Jelay? As in yung trouble maker?!" di makapaniwala ito sa sinabi ng kaibigan

"Grabe ka naman sa trouble maker. Sya naman yung inaaway." napa-roll eyes na lang si Kare sa tinuran ng kaibigan

"Napapaaway sya kasi malandi yun! Jusko naman Kaori. Akala ko ba di mo kilala yun? Kelan pa yan? Pano nangyari? Sa dami ba naman si Jelay pa!" naiinis na pangaral ni Kare

"Kare.. Wag mo naman husgahan yung tao." sa sinagot ni Kaori ay tila natauhan naman si Kare

"Sorry.. Pero kailan naging kayo?" curious na tanong nito

"Nung isang araw. Nung nakita mong hinila nya ako." paliwanag ni Kao dito

"Sabi na nga ba e! Di ka nya hihilain ng wala lang. May namamagitan na sa inyo. Dapat pala di ako pumayag iwan ka sa kanya nun" di naman muli nagsalita si Kaori sa tinuran ng kaibigan..

"Sorry. Di lang ako makapaniwala. Kaori, di ganun kaganda ang image ni Jelay. Ibang iba sayo! Achiever ka, Student President. Desenting babae parang-- parang di lang kayo tugma." nahihiyang saad ni Kare sa huling sinabi

Hindi naman makaimik si Kaori. Di nya alam paano ipagtatanggol si Jelay dahil sa totoo lang di nya naman ito ganun ka kilala pa.

"She's here." napalingon naman si Kaori sa sinabi ni Kare.

Nang makita ang tinitignan ni Kare ay napangiti sya ng malapad ng di namamalayan..

"Jelay!" tawag nya dito na agad naman syang napansin.

"Hey!" bati ni Jelay sa kanya ng makalapit

"Kumain ka na ba?" malambing na tanong ni Kaori dito.

Samantalang si Kare ay nagpapanggap na lang na busy sya sa iniinom nya

"Kaya nga ako andito para kumain." masunget na sagot nito

"Bumili ka na ng pagkain mo dun. Dito ka na umupo samin." tinitigan naman sya ng masama ni Jelay

"Bakit ganyan tingin mo?"

"Inuutusan mo na naman ako." sagot ni Jelay tsaka nagtungo sa counter na hindi man lang hinintay sagot ni Kao

"Sunget ng jowa mo." pabulong na pansin ni Kare dito

"Pa cool lang yan! Haha" natatawang sagot ni Kaori

"Pero grabe! Ang yummy nya talaga!" parang kinikilig na turan ni Kare

"Excuse me?" nakataas kilay na sagot ni Kao

"ha? Ibig ko sabihin yummy ng binibili nya oh. Parang gusto ko rin ng chocolate cake. Hehe" inirapan naman ni Kaori ang kaibigan at nagpatuloy sa pagkain.

Maya maya ay tumabi na rin si Jelay sa kanya.
Napangiti naman si Kaori.

Magrereklamo na inutusan ko, susunod din pala. Saad ni Kaori sa utak nya

"Jelay, si Kare nga pala. Kaibigan ko." pakilala ni Kaori dito. Ni hindi man lang binato ng tingin ni Jelay si Karina. Halatang di sya interesado dito

Obsession (JelRi Fanfiction) Where stories live. Discover now