The Truth

603 31 14
                                    

KAORI POV

Andito kami ngayon sa library na tatlo nila Jelay at Karina. Niyaya ko si Jelay mag aral para sa Midterms na darating pero parang di naman sya interesado.

Nalaman ko rin na hindi pala culinary ang course na kinukuha nya kundi Architecture Interior Design. First course nya ang culinary pero pina shift sya ng Mommy nya dahil mas gusto nitong mag Archi si Jelay.

Habang ako ay nag aaral busy naman si Jelay sa pagkalikot ng phone ko.

"Ano ginagawa mo dyan?" takang tanong ko dahil kanina nya pa talaga hawak phone ko.

"Ayan ok na!" sagot nya at binalik phone ko.

Wala akong tiwala sa kanya kaya chineck ko ito.
Maliban sa ginawa nyang wallpaper at screensaver ang muka nya sa phone ko ay nakita kong pinagbubura nya ang mga contacts ko.

"Bakit mo binura?" naaasar na tanong ko sa kanya. Lately para na syang nagiging bata. Sobrang clingy.

Gusto nya lagi kaming nagkikita kung hindi ako ang pupunta sa kanya ay sya naman napunta sa bahay.. Kadalasan naman ay walang tao sa bahay dahil busy sa work si Mommy at Daddy.

Katuyan nga ay may one month silang overseas work na dalawa.

"Di naman mahahalaga yung binura ko. Tama lang yan 4 lang kami sa contacts mo." 4 including, Mommy daddy, Karina at Siya.

Gusto kong magreklamo sa kanya kaso mag aaway lang kami at ayuko nun.

Ayaw ni Jelay ng sinusuway o kinokontra sya.

"Mag-aral ka na nga lang dyan." naiirita pa rin ako sa kanya

"Inuutusan mo ko?" here we go again with her famous line.

"Hindi. Suggestion lang. Hehe" ngiting pacute ko sa kanya.

"Akala ko inuutusan mo ko e." sagot nya tsaka kinuha ang mga libro nya. Nag aral na rin sya sa wakas.

Balita ko ay kahit laging napapaaway ito ay matataas ang marka nya dahil sadyang matalino daw ito. Sana all.

"Hi Kaori!" napalingon ako sa bumati sakin..

"Hello.." nakangiting bati ko dito..

"May hindi kasi ako maintidihan sa topic natin kahapon. Baka pwede magpaturo."

"Hindi pwede." ayan na naman po sya. Simula ng maging kami wala na syang ibang pinapalapit sakin. Minsan kahit si Karina pinag babawalan nya.

"Hi Jelay! Papaturo lang ako" pangungulit naman nito

"Sinabi ko na, hindi pwede." tinitigan nya ng masama ang lalaki. Feeling ko nanginginig na ito sa takot.

Hello? Jelay yan! Basta titigan ka nyan mangangatog ka talaga.

"Ah sige, pasensya sa abala" paalam ng lalaki tsaka umalis.

Di na ako kumibo sa usapan nila kanina. Di ko naman pwede kontrahin si Jelay baka i-ghosting na naman ako.

Pero napapansin ko rin pagbabago sa kanya.. Mas gusto nya akong kasama kaysa tumambay kasama tropa nya. Hindi na rin sya napapaaway. Hatid sundo nya rin ako. Napaka hands on nyang girlfriend kahit na hindi daw kami hahaha
----

"Kare, bakit ang tahimik mo?" napapansin ko lang ang tahimik nya. Andito kami ngayon sa room hinihintay prof namin.

"Wala. Wala." parang may hindi sya sinasabi

"Kare, kilala kita. Ano yun?"

"Di na kasi kita kilala."

"Ha? Anong sinasabi mo Bhe?" di ko gets si Karina

Obsession (JelRi Fanfiction) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora