The REVELATIONS

499 37 19
                                    

"Pakinggan mo muna ako." gusto ko syang pakinggan pero nauunahan ako ng takot.

Puno ng pictures ko ang kwarto. Mga nakadikit sa pader.

Merong kumakain, nagluluto, nag-aaral, naglalakad, natutulog, kung ano ano pa pero ang di ko matanggap ay pati mga nakaHUBAD ng larawan ko meron sya.

Tama nga ako ng hinala ng minsang magising ako at parang kinakabahan si Jelay. Flash iyon ng camera ang gumising sakin.

Gusto kong may ganitong paghanga sakin pero parang sobra naman ata. Nangingilabot ako.

Pero ang di ko lubos maisip ay ang mga painting ng babaeng duguan..
Sigurado akong si Jelay ang nag-paint dahil fresh pa ang mga pintura na nakakalat sa lamesa.

"Wag kang lalapit." hindi ko na maintindihan. Natatakot ako sa kanya.

Natatakot ako kay Jelay.

Nakita ko ang lungkot at sakit sa mga mata ni Jelay.

Pero bakit may mga painting ng duguan?

"Kaori.." nagsusumamong tawag nya sa pangalan ko.

Sinubukang lumapit ni Jelay sakin pero tinulak ko sya ng malakas.

Sa lakas ng tulak ko ay natumba sya. Kinuha ko ang pagkakataon na yun para tumakbo.

Nagmadali akong makatakas sa kanya. Madilim ang labasan dahil wala akong dalang flashlight dahil nabitawan ko ito kanina. Halos madapa ako dahil nanlalabo na rin ang paningin ko sa aking pag-iyak.

Binigay ko ang lahat ko kay Jelay.. Tama sya hindi ko pa sya ganun ka kilala. Lalong dumami ang katanongan sa isip ko.

Takbo lang ako ng takbo kahit di ko sigurado kung sinunsundan nya ba ako.

Hindi ko alam saan ako pupunta basta takbo lang.

Hindi pwede sa bahay dahil masusundan nya lang ako.

"Karina.." tama kay Karina ako pupunta.

Nakarating ako sa labas ng Village nila at nagmadali akong sumakay ng Taxi at agad nagpahatid sa bahay ni Karina.

Dis-oras ng gabi. Madaling araw ay kinakalampag ko ang gate ng bahay nila.

Dinaluhan naman ako agad ng guard nila.

"Ms. Kaori, ano po ginagawa nyo dito ng ganitong oras?"

"Manong, please. Papasukin nyo ko. Kailangan ko ng tulong." sa sinabi ko ay natataranta naman akong pinapasok ni Kuya sa loob at ni-Lock ang gate.

Agad din nyang ginising si Karina na nataranta ng makita ako.

"Kaori, anong nangyari sayo?" agad ko syang niyakap ng makita ko sya.

"Kare, k-kasi.." hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Natatakot pa rin ako.

"Kumalma ka.. Ligtas ka na" pagpapakalma nya sakin at inabutan ako ng tubig na agad kong ininom.

"Si Jelay"

"Anong ginawa sayo ni Jelay?" natatarantang tanong ni Kare

"Kare, nakita ko na may secret room sya na puno ng larawan ko. Merong din syang mga pini-paint na babaeng duguan. Ang dami. Iba ibang imahe pero puro duguan. Kare, ano gagawin ko?" nabasa ko sa muka ni Kare na nakaramdam din sya ng takot.

"Matutunton ka nya dito. Tama. Tatawagan ko si Ate Ailyn. Nagkausap kami kahapon."

"Si Ate Ailyn, tama. Alam nya lahat." dali daling tinawagan ni Kare si Ailyn at mga ilang sandali lang ay sumagot si Ailyn.

Obsession (JelRi Fanfiction) Where stories live. Discover now