The Conflict

599 34 13
                                    

KAORI POV

Nang ma-Ospital si Jelay ay kinailangan kong hanapin ang pamilya nya.

Sinabi ko ang lagay ni Jelay sa School Director at sila na daw bahala i-contact ang Family ni Jelay.

Hindi nagtagal ay nakalabas din si Jelay sa Ospital pero bumalik sya sa una. Sobrang tahimik at distant.

Pinabalik nya ako sa bahay namin. Gusto nya daw mapag-isa kaya hinayaan ko na muna sya. Dinadalaw ko sya after school pero di nya ako kinikibo pati nga pang aakit ko sa kanya ay di nya pinapansin.

Minsan naiisip ko baka di lang talaga ako nakaka akit kaya di tumatalab sa kanya.

Hindi nya na rin ako hinahatid at sundo. Iniiwasan nya ako ulit sa tingin ko.

Gusto ko syang tulongan pero pinapalayo nya ako.
Hindi ako makapag focus sa pag-aaral dahil iniisip ko kung ano ginagawa nya sa mga panahong di nya ako kasama.

Pumapasok pa rin naman daw sya sa klase sabi nya sakin pero di kami nagkikita sa school.

"Kaori, ok ka lang ba?" nag aalalang tanong sakin ni Karina

"Nag-aalala lang ako kay Jelay." sagot ko dito

"Hmm.. Kaori, wag mo sana mamasamain sasabihin ko ha?" napalingon ako kay Kare at hinihintay ang sasabihin nya

"Napapabayaan mo na kasi pag-aaral mo. Ang bababa ng scores mo sa mga exam. Tingin ko tama na sigurong i-let go mo si Jelay kasi di na sya nakakabuti sayo." hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Karina.

Napapailing ako sa sinabi nya..

"Kare, di mo ko naiintindihan e. Kung bumaba ang grades ko dahil sakin yun at di dahil kay Jelay. Napapasaya ako ni Jelay na hindi kayang ibigay ng kahit na sino o ano."

"Pero nilalayuan ka na nya.. You better than that! Wag mong habolin ang taong walang ibang ginawa kundi takbohan ka." hinawakan ni Kare ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng desk

"Ang pag-ibig binubuo tayo. Hindi winawasak." naiinis ako kay Karina dahil may punto ang sinasabi nya..

"Di ka ba napapagod? Pwede kang magpahinga muna. Mag-isip isip ka."

"Kailangan ako ni Jelay" alam ko kailangan nya ako kahit di nya sabihin.

"Kailangan ka rin ng sarili mo. Walang masama kung magpapahinga ka kahit saglit lang." hindi ako umimik sa mga sinabi ni Karina.

--
Uwian na at napag desisyonan kong hindi muna puntahan si Jelay para bigyan sya ng space. Para pagpahingahin ang sarili ko. Kahit ngayong gabi lang.

Tinext ko sya na di ako makakapunta at wag nyang pababayaan ang sarili nya. Kumain sya ng mabuti at matulog sa tamang oras.

Hindi naman sya nag reply.. Ano pa nga ba aasahan ko?

Wala naman ata syang pake sakin. Wala syang pake kung mawala ako sa kanya.
Sabagay, ako lang naman itong nag susumiksik sa tabi nya.
--

Hindi ako nakatulog ng maayos. Iniisip ko si Jelay kung kumusta sya, baka di sya kumain o nakatulog.

Hindi nakakatulong ang pagbibigay ko ng space sa kanya dahil ako din ang mas nahihirapan..

Naglalakad kami ni Karina ngayon papunta sa next subject namin.

"Si Jelay!" sabi ni Kare at may tinuro.. Paglingon ko ay di ko na ito nakita dahil marami din ang naglalakad na mga studyante.

"Sigurado ka ba nakita mo si Jelay?" tanong ko rito

"Oo. Nakatingin lang sya satin. Sigurado ako si Jelay yun ang nakita ko."

"Pero bakit di sya lumapit?" takang tanong ko kay Karina na nag kibit balikat lang sya.

Obsession (JelRi Fanfiction) Where stories live. Discover now