The Beginning

726 33 9
                                    

KAORI POV

Nagising ako ng makarinig ako ng mahinang hilik sa tabi ko.

Dinilat ko ang mata ko at napangiti ako ng makita si Jelay na nakayakap sakin.

Ang bilis ng mga pangyayari pero alam ko na hindi ako nabibigla. Alam ko may kakaiba sa kanya na hindi ko mahahanap sa iba.

Sa mga mata nya pa lang ay di na ako makakatakas pa.
Siguro kung ikwe-kwento ko ito sa iba iisipin nilang nahihibang na akong talaga.

I gave my innocent to stranger. Wala pa akong alam sa buong pagkatao ni Jelay. Hindi rin malinaw sakin kung gusto nya rin ako o isa lang ako sa mga pampalipas oras nya.

Pero di ako tulad ng ibang babae nya. I'll make sure of that.

*kriiiing *kriiing

My phone keeps on ringin kaya chineck ko ito.

"Oh Fuck!!" lumaki ang mata ko ng makita kung sino ang natawag sakin.

Nakailang tawag na si Mommy sakin! Nakalimutan kong magpa-alam na di ako makakauwi.

"Jelay" niyugyog ko ng mahina ang katabi ko na tulog na tulog pa rin na nakayakap sakin

"ohh?" wala sa wisyo na sagot nga. Halatang inaantok pa sya.

"Hatid mo na ako samin. Hinahanap na ako nila Mommy."

"Mamaya na" at lalo pa syang sumiksik sakin.

Kung hindi lang ako natatakot sa pagalit ni Mommy ay matutuwa ako sa pagyakap sakin ni Jelay kaso papatayin na ako ni Mommy.

"Huy! Bumangon ka na dyan.." at niyugyog ko sya ng mas malakas.

Bumitiw sya ng yakap sakin at bumaling sa kabilang direksyon tsaka natulog ulit.

Pinasya ko na lang na ayusin ang sarili at ginising na lang sya ulit kapag handa na ako.

FF

Nakabusangot syang nag ddrive ngayon.

" Hey! Sorry na.. Hinahanap na kasi ako ni Mommy." pero di nya ako iniimik.

Katakot naman ito kapag nabibitin... Sa tulog.

Malapit pa lang kami sa amin ay tanaw ko na si Mommy at Daddy na naka abang sakin. Sinabi ko kasi na pauwi na rin ako.

Paghinto pa lang ng kotse ay lumapit na agad si Daddy dito at kinatok ang bintana driver side. Nakita ko na parang nagdadalawang isip si Jelay ibaba ang bintana ng kotse.

Natatakot kaya sya kay Daddy?

Ibinaba ito ni Jelay kaya tinitigan lang sya ni Daddy na parang binabasa ito.
Maya maya ay pinababa nya ito. Jusko. Baka ano sabihin ni la kay Jelay. Magagalit sakin yan!

"Bumaba ka muna. Samahan mo kami." utos ni Daddy

"Wag na po. Nagmamadali din kasi ako hinatid ko lang si Kaori"

Tinitigan naman sya ng masama ni Daddy sa naging sagot nya at nakita ko ang paglunok ni Jelay.

Ang cute nya matakot. Hahaha

"Pero sige po, samahan ko po muna kayo.. Saglit? Hehe" naiilang na tawa ni Jelay

"Lagot ka sakin Kaori." narinig kong pasimpleng bulong ni Jelay bago bumaba sa kotse.

Lagot talaga ako.

Pumasok na kami sa loob at may hinanda pa lang almusal si Mommy samin.

Habang kumakain kami at nakikita ko ang matiim na pagtitig ni Daddy kay Jelay.

Obsession (JelRi Fanfiction) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang