The Suspicion

569 33 5
                                    

KAORI POV

Ilang araw na ako binabagabag ng sinabi ni Karina pero hanggang ngayon ay di pa rin kami nakakapag usap ni Kare tungkol sa kung ano ang dapat ko mapansin kay Jelay.

Pang ilang gabi na rin na dito ako natutulog sa bahay ni Jelay. Sabi nila mas makikilala mo daw ang isang tao kapag nagsama kayo sa iisang bubong.

Wala naman akong napansing kakaiba kay Jelay..

Not until tonight..

Nagising ako na wala sya sa tabi ko. Tinignan ko ang orasan at nakita kong alas tres ng madaling araw ngayon.

Saan naman sya pupunta ng dis-oras ng gabi?

Madilim sa buong bahay nya kaya buong lakas loob akong lumabas at hanapin sya.

"Jelay?? Nasaan ka?" Walang nasagot at pinagbubuksan ko ang ilaw. Natatakot kasi ako sa dilim.
Napansin ko rin na andyan lang sa labas ang Kotse nya.

Lalabas na sana ako ng bahay pero nagulat ako ng makasalubong ko sya.

"San ka galing?" takang tanong ko sa kanya

"Diyan lang sa labas. Nagpahangin." napansin ko ang hawak nya na Flashlight.

"Ganun ba?" ang dami ko gustong itanong pero nanatili akong tahimik

"Tara na! Matulog na tayo.. Di ka na dapat bumaba pa para hanapin ako." pangaral nya sakin.

"Nag-alala lang ako dahil di ka naman nagpaalam sakin."

"Tulog ka.. Bakit pa kita gigisingin?" sabagay, may punto sya dun.

Pero bakit pakiramdam ko may kakaiba? O masyado lang ako nagpapadala sa sinabi ni Kare.

Pinasya kong matulog na lang. Niyakap ko ng mahigpit si Jelay para kung gumising man sya at bumangon ay siguradong mararamdaman ko.

Hindi ako makatulog. Nakikiramdam ako. Ang daming katanongang bumabagabag sa isip ko.

Hindi kalakihan ang bahay pero hindi ko pa napupuntahan ang lahat ng sulok nito.

Kung magpapahangin lang sya may balcony ang kwarto bakit di na lang dun?

May dala syang Flashlight at galing sya sa labas kung iisipin ko ng mabuti ay may sinadya syang puntahan.

Kailangan ko ng makausap si Karina. Baka masagot nya ang mga katanongan ko.
--

Pag pasok ko sa klase ay hinanap agad ng mata ko si Karina pero wala sya.
Kung kailan kailangan ngayon naman wala.

I texted her but no reply. I tried to call her but cannot be reached.
Ano kaya nangyari dun at di nakapasok?

Pagkatapos ng klase ay nagpaalam ako kay Jelay na pupuntahan si Karina.

"Love, di pumasok si Kare. Dadalawin ko sana sya sa kanila." paalam ko dito

"Ok. Samahan na kita." napa-isip naman ako sa sinabi nya kasi kung sasamahan nya ako di ko matatanong si Kare ng tungkol sa kanya.

"Ayos lang kahit ako na lang. Maaabala ka pa"

"Di yun abala. Ayos lang. Samahan kita." kapag ganyan ay wala na akong magagawa. Ang gusto nya ang masusunod kaya siguro hahanap na lang ako ng paraan na makapag usap kami ni Karina ng kami lang.

Pagpunta namin sa bahay nila Karina ay wala daw sya dito dahil nagka dengue pala. Di man lang sinabi sakin ng bruha.

Kaya papunta kami sa Ospital habang papunta sa ospital ay huminto si Jelay sa isang fruit stand.

Obsession (JelRi Fanfiction) Where stories live. Discover now