The Confusions

517 34 23
                                    

KAORI POV

Nagtext sa akin si Jelay na may gagawin daw muna sya kaya hintayin ko na lang daw sya sa Parking.

Habang naghihintay sa Parking ay nakita ko papalapit sakin ang pamilyar na muka.

"Ate Ailyn.." mahinang banggit ko sa pangalan nya

"Bakit di mo pa rin nilalayuan si Jelay?" deritsyang tanong nya sa akin

"H-hindi ako makahanap ng dahilan para layuan sya." matapang na sagot ko kahit medyo nauutal ako.

May mga mata si Ailyn na tulad ng kay Jelay na nakakatakot.

"Bakit ayaw mo makinig samin? Bakit ang tigas tigas ng ulo mo?" halata ang pagka irita nito sa boses nya.

"Mahal ko po si Jelay." napa-iling sya sa sinagot ko.

"Ang pagmamahal na sinasabi mo ang papatay sayo.. Marami ka pang di alam kay Jelay." bakit ba lahat sila ganyan sinabi? Ano ba ang dapat ko malaman tungkol kay Jelay? Mahalaga ba yun? Hindi ba sapat na mahal ko si Jelay at mahal nya ako?

"Nagugulohan ka? Gusto mo bang malaman ang katotohanan? Samahan mo ko sa bahay ni Jelay. Sigurado ako andun ang sagot." hinablot nya ang kamay ko at hinihila ako papunta kung saan..

"Saan mo sya dadalhin?" parehas kaming nagulat ng dumating si Jelay.

"Jelay!" agad akong kumalas sa pagkakapit ni Ate Ailyn sa kamay ko at lumapit kay Jelay.

Hinila ako ni Jelay at dinala sa likoran nya.

"Wag kang maki-alam Ailyn. Matagal na kayong walang paki-alam diba? Bakit nyo pa ako ginugulo?!"

"Jelay, di totoo yan. Pinoprotektahan ka lang namin." napapailing si Jelay at tila di naniniwala sa sinasabi ng Ate nya.

"Pinoprotektahan? Saan? Kanino? Masaya na ako. Ngayon lang ulit ako naging masaya bakit nyo ko kinokontra?!" nakikita ko ang umaapaw na emosyon kay Jelay.

Puno ng galit at sakit ang kanyang mga mata.

"Please Jelay makinig ka samin.. Kaori, sumama ka sakin." baleng sakin ni Ate Ailyn.

Sobra na akong nagugulohan. Hinigpitan ni Jelay ang pagkapit nya sa kamay ko.

"Hindi sya sasama sayo kaya umalis ka na!" pagtataboy ni Jelay sa kanyang kapatid at hinila ako pasakay sa kanyang kotse.

Sa muling paglingon ko kay Ate Ailyn ay napansin ko ang pag-aalala sa kanyang mata.

Walang nagsasalita samin ni Jelay sa buong biyahe.
Nang makarating kami sa bahay ay naupo agad si Jelay sa sofa.. Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamay.

Kinuhanan ko sya ng tubig para kumalma.

"Love uminom ka muna ng tubig" hindi ito kinuha ni Jelay. Sa halip ay niyakap nya ako ng mahigpit.

Nararamdaman ko ang takot nya na baka mawala ako.

Tinugon ko ang yakap nya.. Gusto kong maramdaman nya na di ko sya iiwan..

Kumalas sya sa yakap at tinitigan ako sa mata.

"Kaori, mangako ka sakin na sakin ka lang maniniwala na ako lang ang papakinggan mo.." nagugulohan ako sa sinasabi nya di ko sya maintindihan pero tumango ako.

"Mangako ka. Mangako ka!" tumaas na ang kanyang boses dahilan para maka ramdam ako ng takot sa kanya.

Hindi ko dapat ito nararamdaman kay Jelay. Hindi dapat ako natatakot sa kanya.

"Pa-pangako" nauutal na sagot ko sa kanya at muli nya akong niyakap.
-----

KARINA POV *Day of Kaori and Karina confrontation at the classroom

Obsession (JelRi Fanfiction) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora