EA 2.6: Libro

889 33 1
                                    

Hailey's POV

Naiwan akong mag-isa dito sa lamesa. Lumisan na sila Ina at Ama.

Matapos matapos ang pag-uusap namin nila Ama at Ina at hindi ko na mai-alis sa isip ko ang mga kataga n'ya. Hindi na ako mapakali. 

Anong gagawin ko? Hindi ko alam ang binago ko at hindi ko alam ang hamon na darating sa akin. Kinakabahan ako hindi dahil sa natatakot ako para sa sarili ko, kinakabahan ako dahil baka pati ang pamilya at mga kaibigan ko ay kasama sa parusang magkakaroon ako.

Sumandal ako sa upuan at tumingin sa kawalan hanggang sa mangalay ako at naikot ko ang paningin ko't nahagip ang isang libro na naka-usli.

Ito ang librong nagbukas sa lagusan patungo sa mahiwagang libro. Kaya ko na bang harapin at malaman ang mga nilalaman no'n?

Kaya ko. kakayanin ko. Ako ang prinsesa ng mundong mahika. Tinataglay ko ang katapangan at katalinuhan.

Tumayo na ako at dahan-dahang tinungo ang librong iyon. Tumingala ako at tinitigan iyon. Handa na kong malaman pa, kailangan ko ng karagdagang kaalaman at alam kong ang libro lamang ang makaka-sagot sa ibang katanungan ko.

Ginamit ko ang mahika ko upang bahagyang i-usli ang libro at mag-bukas ang lagusan na minsan ko ng pinasok.

Nagbukas na nga, huminga ako ng malalim bago pinasok iyon at gumawa ng liwanag.

Tinahak ko ang daan patungo sa kinalalagyan ng libro. At nang makarating ako ay wala pa ring pinagbago and wangis nito.

Humakbang pa ako papalapit at pinagmasdan ito, "Ano ang binago ko?" Bulong ko pero nagulat na lamang ako ng biglang umilaw ito at bumukas ng ilang mga pahina.

Sa kuryosidad ay lumapit pa ako at hinawakan ang libro. Nakita ko ang isang ukit, ukit ng aking mukha na sinusundan ng ilang mga salita. Pero isa lamang ang nakakuha ng pansin ko, ang isang parte ng pahina na magulo na para bang gustong burahin ang katagang naka-sulat doon.

Itinaas ko ang kamay ko at unti-unting inilapit patungo doon. At ng tuluyan ko ng mahawakan iyon bigla muli itong umilaw na sanhi ng paggamit ko ng mahika na makakita sa tindi ng liwanag. 

Nakita ko kung paanong ang mga letra na naka-ukit na magulo ay lumutang at may pwestong pinuntahan. Naglikha ito ng mahabang hilera na nakapalibot sa akin.

Binasa ko ito at paikot, "Araw ng pag-tutuos ng liwanag at kadiliman. -Dito, ako na si Emerald Natalie Crystal Hailey Amethyst Natasha Tanna Litheria, ang prinsesa ng mundong mahika. Maraming pangyayari ang magaganap sa gabing ito. Darating ang reyna ng Darkiens, hawak ang mahiwagang bato. Pierre elementaire. Magaganap ang isang pangyayari na dapat ay magiging sanhi ng katapusan ng liwanag ngunit darating ako at isasakripisyo ang aking buhay upang magwagi ang liwanag at kapayapaan ang bumalot sa buong mundo mahika. Dito na matatapos ang kwento ko."

Natatandaan ko pa ito. Ito ang mga nabasa ko sa libro noon bago mag-simula ang digmaan.

Paano ko nawaklit sa aking isipan ang mga ito?

Nabuhay ako at ito ang nabago ko.

Ang mga espasyo sa ibaba ng aking pahina ay blanko. At ibig sabihin ay nag-iisip na ang Panginoon sa akin na parusa at magsusulat muli na tatapos na talaga sa akin at maganap ang nabago kong pahina.

Nawala na ang mga letra na nagmula sa libro ngunit hindi ito nagbalik sa libro. Naglaho ito at tila ba isang apoy ang lumabas at sumunog sa mga kataga.

Napa-atras na lamang ako at natulala. Ano na ang magiging plano ng Panginoon sa akin?

Hindi pwedeng mawala ako basta-basta. Sana naman ay hindi involve ang mga kaibigan at pamilya ko dito. Dahil kung oo? Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang baguhin muli ang naka-sulat sa librong ito.

Napa-upo ako habang naka-titig lamang sa libro at kung ano anong mga tanong at wika ang naglalaro sa aking isip.

Bigla na lamang nagsara ang libro ngunit hindi nawala ang liwanag na nakapalibot dito, sa halip at nabago ito sa mga liwanag na sumisimbolo sa apat na elemento. Kayumanggi para sa lupa, berde para tubig, pula para sa apoy at asul para sa hangin.

Umangat ito at unti-unting lumalapit sa akin. Nagtataka ako kung bakit at ng tuluyan na itong makagawi sa kinaroroonan ko ay tumapat sa akin ang harap nito. Biglang may lumabas na isang Feather, kulay lila. Kawangis nito ang ginagamit namin na nagsisilbing panulat sa mga papel. 

Wala sa aking loob na bigla ko itong inabot at hinawakan. Sa oras na nagdikit ang bagay na iyon sa aking kamay, umilaw ito ng napaka-tindi and the last thing I knew was it was already attached into my right palm as a tattoo.

Bumalik na din ang libro sa tunay na kinaroroonan nito at ang lahat ay bumalik na sa dati. Nawala na ang tindi ng liwanag. Kung ano ang dinatnan ko ng una ay ganoon na muli ngayon.

Tumayo ako at Napa-tingin sa aking kanang palad.

Ano ang bagay na ito? Ano ang ibig sabihin nito? Para saan ito? Anong pinaplano ng Panginoon? Mas lalo akong naguluhan dahil sa nangyari ngayon.

Iniling ko na lamang ng bahagya ang ulo ko upang iwaksi muna ang mga tanong na nagsisimula na namang maglaro sa utak ko. Huminga ako ng malalim upang mapakalma ang sarili ko. Pagkatapos ay binigyan ng huling tingin ang mahiwagang libro bago tuluyang lisanin ang lugar na iyon.

Naka-labas na ako sa tagong lagusan na iyon. Tahimik kong tinahak ang daan paalis sa silid aklatan na ito at tumungo sa kung ako dalhin ng mga paa ko.

Maya-maya lamang ay huminto ang mga paa ko sa harap ng isang pinto. Ang pinto patungo sa isang silid na puno ng mga instrumento.

Binuksan ko iyon at tinungo ang kinaroroonan ng piano at saka umupo at nagsimulang tumipa ng mga nota. I am playing with the rhythms that my self wants to listen.

Naka-pikit ako at nasa kalagitnaan ng maramdaman kong may pumigil sa akin at ini-angat ang kamay ko na dumala sa buong katawan ko upang tumayo.

Napagtanto ko namang si Kuya Vis ito, ang kambal ko.

Nang makita ko ito ay agad na kumunot ang noo ko dahil sa ekspresyon na naka-ukit sa kan'yang mukha. "Anong nangyari? Ayos ka lang ba?"

Sa aking tanong ay kasabay ang pagtulo ng luha nito. Agad na umangat ang kamay ko at pumunas sa luha nito na tuloy-tuloy na sa pag-agos.

Ginamit ko ang isa kong kamay upang hawakan ang kamay nito. "Anong nangyari? Tell me, kuya."

Pero sa halip na bumuka ang labi nito at magsalita, humakbang ito papalapit sa akin upang yumakap.

Kinakabahan ako sa inaakto n'ya .

"Anong nangyari?" Tanong ko muli ngunit umiling lamang ito, "Let's go to mom's room."

"Why?" Lalong lumukot ang noo ko pero hindi ito tumugon sa akin at wala na akong magawa kun'di ang maglaho na at tumungo sa silid ni Ina. 

Ngunit napa-bitaw ako sa yakap sa kuya ko ng makarating kami. Humigpit naman lalo ang yakap nito sa akin pero sa isang direksyon lamang naka-pokus ang mga mata ko kasabay ang tuloy-tuloy na luha sa aking mata.

Si Ina, pinapalibutan ng mga kaibigan ko at ang Ama ko na naiyak din katulad namin. 

Si I-ina ay sugatan at alam kong--

A-alam kong--

Alam kong wala na itong buhay.

➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪
Black's Note

"Nagsisimula na, makakayanan mo ba?"

Thank you Purples. Vote and Comment. Continue supports. I purple You.

ENCHANTED ACADEMY: Behind the truthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon