EA 2.25: Message

419 21 2
                                    

Black's POV

Nakatingala.

Lahat ay nakatingin sa labas, sa bintana at sa pintuan o kung nasaan man sila na hagip ng mga mata ang isang malakas na mahikang kulay itim na nagmumula sa dark kingdom.

May natatakot, may namamangha at higit sa lahat ay may pagtataka.

Tumagal ito ng halos dalawang minuto. At ng matapos ito at tila ba sumabog sa lakas ng tunog na namayanig at matinding ilaw ang naging sanhi ng pagpikit ng lahat.

As they open their eyes, wide mouth open staring at the sky. Para itong nahati.

Kung dati ay kulay lila ang kalangitan, ngayon naman ay itim at puti. Sa bandang gitna mapapansin mo ang tila may pader na nakaharang at nagsisilbing boundaries between the two powerful kingdom.

"W-w-what the heck is t-that?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Thin.

Kadarating lamang nito sa office ng HM kung saan ay naghahabol ng hininga dahil sa pagtakbo at pagmamadali dahil din sa narinig na pagsabog.

"Q-quick, let's go to the King!" -HM.

Naunang naglaho ang Headmaster at 'saka naman lahat sila ay humawak kay Ash na agad ding naglaho at nagtungo sa kinaroroonan ng Hari.

"King!"

Nagsitakbuhan sila papalapit sa hari dahil natagpuan nila itong nakahawak sa kan'yang dibdib na animong sobrang sakit ng puso nito. Bahagya pa itong nakaluhod.

"O-open the w-window!" Mahinang bulong nito at agad naman sinunod ng mga Enchens (Tawag sa mga tagasunod ng mga royals.)

Napatitig ang hari sa kalangitan at bahagya pang namutla ang mukha.

"N-no..." Bulong nito.

*Blagg!*

Napalingon ang lahat sa gawi ng pinto dahil sa malakas at biglaan na pwersa. Pumasok ang isang Enchen.

"K-king, t-the gate.. I mean, I-in the gate..."

Kunot-noo, "What gate?"

Lumapit pa ito ng bahagya bago itinaas ang mga palad at may lumabas na imahe.

Sa gate ng Akademya ay mayroong ilusyong imahe na ipinapakita ang kabuuan ng kanilang prinsesa.

Itim na damit. Nahati sa lila at itim ang kan'yang buhok, gayon din ang kan'yang mata. Itim at lila.

Kung ating titignan ay para bang nangangahulugan itong nasakop ang kalahati ng kan'yang pagkatao.

"M-m-mensahe po mula sa d-darkians.."

"Anak, anong nangyari sa paghahanap n'yo sa iyong kambal?"

"Nakita po namin s'ya ama na agad din nawala dahil umalis s'ya kasama ang----" natigil si Cravis sa pagsasalita at napatitig sa kan'yang ama at halos bulong na tumugon, "kasama ang isang darkians."

Ikinumpas ng hari ang kan'yang kamay at lumikha ng isang upuan at 'saka dahan-dahang umupo at napatitig sa kawalan.

"Hindi ito pwede. Ano bang nangyari sa kakambal mo? S'ya man ang gagawin kong reyna sa kaharian ko ngunit hindi ngayon! Hindi ngayon dahil wala pa ang pagpapasa ng korona at ang nakatakdang seremonya!!"

"King, that sky. What is the meaning of that?" -Ash.

Dahan-dahang lumingon sa kan'ya ang hari, "That? That is the boundary between the dark and light."

Ipinagpatuloy ni HM ang paliwanag ng hari, "Nasa libro lamang ito at ngayon lang nangyari. Kapahamakan at digmaan ang sinisigaw at ipinahihiwatig nito. At nangyayari lamang ito k-kapag ang isang hari o reyna ng pinakamalakas na kaharian ay nag-aasam na pamunuan ang buong mundo ng mahika."

ENCHANTED ACADEMY: Behind the truthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon