EA 2.31: Her past

412 14 0
                                    

Timer's POV

"Aray ko! Aray sabi! Tama na tanda! Hoy! Isusumbong kita! Aba! Tanda! Masakit!" grabe naman ito maka-sabunot. Gusto 'atang tanggalin anit ko! Ang sama hmmp, hindi man lang ako na-miss!

"Manahimik ka! Ang galing mong mag-pakita pagkatapos mo akong taguan?! Mawawala talaga 'yang buhok mo!" 

"Hey! Masakita talaga! 'di mo na ako love?! Past is past, hehehe. Bitaw na Tanda!" grabe talaga ito, walang pinag-bago. She was my trainer when I was young. This old hag was strict like hell at syempre walang tatagal dito kaya naman tinaguan ko. 

Joke, I was just kidding. Hindi ko naman s'ya tinaguan. Sadyang kailangan ko lang umalis dahil 'yong time na 'yon ay kinausap ako ni Boss at ako lang daw ang may kakayahan na balansehin ang mahikang hawak ko. 

"Anong hindi na love?! Loko, kailan ba kita minahal?!"

Napahawak ako sa dibdib ko, "Ouch!"

"Ouch ouch ka d'yan! Tinaguan mo na nga ako tapos ginulat mo pa ako?! Baka gusto mong lahat ng buhok sa katawan mo ay bunutin ko isa-isa?!"

Literal na nanlaki ang mata ko, "Manyak ka Tanda!"

"Walang manyak-manyak sa akin, ano. Bunutin ko na ba?"

"Hoy tanda! Isusumbong talaga kita kay Boss! Bitaw na! Masakit na anit ko! Maawa ka po, huwag mo kong halayi--- aray!"

"Iyong mga bibig na katulad sa iyo ang sarap tanggalan ng dila." 

"Bad 'yon, you alam that?"

"Hoy Lix, huwag mo akong I-talkshit."

"Naman Tanda. Narinig ko na naman mula sa'yo ang tawag na 'yan. Feel ko tuloy ikaw pa din nagtuturo sa akin. Ew."

"Maka-ew 'to. Loko ka talaga. Give me 150 push-up."

Ngumisi ako, "Iyong lang naman pala eh, si--" 

"No magic involved."

"Eh!?" naman, ayokong pinagpapawisan. 

"May angal?"

"Wala po. Pero po, pwede po bang pakitanggal ng kamay n'yo po sa ulo ko dahil po mapuputol ay este po hindi po ako makaka-pag push-up po kagaya ng sinabi n'yo po."

"Tigilan mo ako sa kapo-po mo kung hindi naman totoo." sabi n'ya at 'saka binitawan na ang buhok ko. Agad naman akong lumikha ng salamin at tinignan ang ayos ng buhok ko.

Aish. Para akong ginahasa ng matandang 'to. Messy pa sa messy hair. God damn it. Ang sakit ng anit ko. "Ano pang hinihintay mo? Ako magpush-up para sa'yo."

Na-alerto ang tenga ko at ngumiti ng isang matamis sa gawi n'ya.

Binigyan n'ya naman ako ng blangkong tingin na nagpa-ngiwi sa akin. "Sabi ko nga po mag-sisimula na."

Palihim naman akong bumubulong ng kung ano-ano habang pumuposisyon na sa sahig sa harapan n'ya. Nag-simula na ako at sa unang angat ay parang gusto ko ng pagsisihan na magpakita sa kan'ya.

"So, what is your business at out of the blue ka kung mag-pakita?" wika n'ya at napa-ngiti naman ako. Tatayo na sana ako ng, "Stop. Stay. Answer habang tinatapos mo 'yan kung ayaw mong dagdagan ko pa 'yan ng 50."

Tsk, "Sabi ko nga po. Ganito kasi iyon tanda. Kwentuhan kita ng very very slight lang po. Nawala po sa katinuan si Bhabe dahil gusto n'yang kalabanin kami at sakupin ang mundo ng mahika. Tapos na po ang kwento po. Tapos po, nandito po ako kasi po kailangan ko pong hanapin po ang trusty n'ya po. Tapos po, sinabi po sa akin kung saan po s'ya makikita. Ang kailangan ko po ay saan po ba tumira si Bhabe noong panahon po na nandito po s'ya?"

ENCHANTED ACADEMY: Behind the truthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon