EA 2.28: Sydney

365 18 0
                                    

Timer's POV

"Please, tulungan n'yo ho kami." Pagmamaka-awa ko, hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na alam ang iisipin. Hindi ko na alam ang paniniwalaan. Hindi ko alam! Wala na akong alam!

Hindi sila umimik kaya naman ay nag-angat ako ng ulo ko at isa-isa silang tinignan, "Boss? Alam kong may alam kayo. Kahit dahilan lang, kahit dahilan lang kung bakit n'ya ito ginagawa."

Nag-iwas s'ya ng tingin kaya naman ay nilipat ko kay Boss Flash, "Kahit isang bagay lang na maaaring magpatigil sa kan'ya?"

Tumingin naman ako kay Boss Candy, "Kahit ano ho, kahit ano. Matigil lang ito. Hindi ito ang kaibigan ko, hindi ito ang prinsesa namin."

Kay Boss Bon naman ako tumingin, "Please, Boss naman. Magsalita naman po kayo, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko po alam kung anong nangyayari dito. Ang saya naming lahat, tapos naganap ang pagpanaw ng reyna, nawala s'ya at ngayon naman ay bumalik nga pero ito ang nadatnan namin. Kahit ano po, tulungan n'yo naman kami."

"K-kailangan ako ng kaibigan ko, kailangan kong kumilos. Pero hindi ko alam ang gagawin," halos bulong ko ng may maramdaman akong kamay sa balikat ko. Unti-unti ko itong nilingon at walang ulo dahil tubig ang nakikita ko.

"Alam mong hindi kami pwedeng magsalita ng tungkol dito, may binago s'ya. 'yon na 'yon. Pasensya na, Li-- Timer."  Wika ni Boss Melon.

Binago? Anong binago n'ya? Sarili n'ya? Gawi n'ya? Anyo n'ya? Anong binago? Ang maging masama at kalabanin kami? Ang magsimula ng inakalang pagtatapos na labanan ng dilim at liwanag? Anong binago?! Lintik na binago 'yan!

Bakit kailangan pang baguhin?! Bakit pa? Dahil hindi n'ya na kaya?! Dahil nasasaktan s'ya?! Lintik talaga kung 'yan ang dahilan n'ya! Putangina para saan ang kaibigan na maaasahan mo at masasandalan mo?! Para saan?!

Pagbabago?! Nakakatawa, lintik na 'yan! Hindi pagbabago ang laging solusyon sa anumang sakit! Bakit kailangang magbago kung pwede namang magsimula ulit?! Ang gulo, ang gulo-gulo!

Ano sa tingin n'ya, mas ikinaganda n'ya ang bagong ayos n'ya?! Mas lumakas ang mahika n'ya?! Kaya n'yang talikuran ang mga kaibigan n'ya?! Putangina na kalimutan ang kabutihang namuo sa pagkatao n'ya?!

Ayan ang pinakatangang pagbabago na nasaksihan ko at sayo pa talaga Bhabe!

Ayan ang--"Bwisit, manahimik ka nga! Nakakarindi ka!"

"Eh bakit n'yo kasi pinakikinggan ang isip ko?!" Sigaw ko kay Boss.

"Aba sinabi ng manahimik ka o tatanggalan kita ng bibig?!"

"Aba sinabi ko na nga bang-- tatahimik na ako."

"Ang daming satsat, mali naman ang iniisip mo!"

"Anong mali?!"

"Pwede naman kasing maghintay at hindi pa kami tapos magsalita. Lintik ka din at lintik na imahinasyon ang meron ka. Sa tingin mo kung iyon ang mga binago ay hindi kami pwedeng magsalita?! Ang babaw na dahilan naman noon!"

Ngumuso ako at ikinunot ang noo, "Edi isulat n'yo! Oh edi hindi n'yo na kailangang mag-salita!"

"Eh kung ikaw ang gawin kong panulat?!"

"Edi gawin mo Boss! Basta ba malalaman ko ang dahilan ng lahat ng ito!"

"Oh sige, Hubad!"

Napatulala ako at natikom ang aking bibig. Dahan-dahan akong tumungo upang tignan ang katawan ko mula dibdib, tiyan, pababa at pababa hanggang sa--- iling-iling. "B-bakit kailangang mag-hubad?"

"Duh. Saan ka ba nakakita ng ballpen na may damit?!"

"Aba lintik, Boss. Akala ko kung ano na!"

"Akala ko rin babalik ka na sa katinuan eh!"

ENCHANTED ACADEMY: Behind the truthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon