EA 2.22: Touch

598 26 5
                                    

Enchant's POV

"Damn it."

Hindi ko na mahagilap ang lalaki. Sino s'ya? S'ya ba ang naghahawak sa bagay na kailangan ko? Nasaan na 'yon? 

Hindi ko na s'ya mahagilap kaya naman ay agad akong nag-teleport papunta sa office ni ma'am. I need some of her help, I need to find that man.

Isang segundo lang ang pagitan ng makarating ako, "Ma'am, I saw it! Pwede mo ba---"

"WHAT THE HELL?! SAAN KA NANGGALING?!" 

Napalingon naman ako sa nag-salita at natagpuan si Laura doon. Oh, shit. Great, Damn it. Hadlang talaga ang babaeng ito, anong ginagawa nito dito?

"Anong sinasabi mo d'yan? Pwede ka nang umalis." Walang gatol-gatol na sambit ko dito.

"Makapag-utos ka ah! sa'yo 'to? sa'yo 'to?" irap nitong wika.

"Kung sabihin kong 'oo'? Aalis ka na ba?" irap din na tugon ko dito.

"Imposible!" 

Napahagikgik ako, "Edi 'wag kang maniwala. Paki ko sa opinyon mo? Leave."

"No." matigas na saad nito na lalong ikinataas ng isa kong kilay.

"Leave or i'll make you leave? Trust me, hindi mo magugustuhan ang paraan ko."

Napa-iwas ito ng tingin, "A-aba, Oy! H-huwag mo ngang binabago ang usapan! Saan ka nanggaling? Shit, alien ka?!"

"Pff. Hindi ko alam, ang lawak pala ng imahinasyon mo." 

"Saan ka nga nanggaling?! Are you teleporting?!" sigaw nito kasama ang panlalaki ng mata.

Tumatalino ang babaing 'to ah? "Yes." wika ko at dahan-dahan naglalakad papalapit sa kan'ya na s'ya naman ay unti-unting napa-atras.

Tatlong hakbang nalang ang pagitan, "Boo!"

Napa-tili ito at nakita kong nanginginig na ito. dahil doon ay hindi ko maiwasang mapatawa ng malakas, "You scaredy cat. Stop imagining things and leave."

Dahan-dahan nitong inalis ang brasong nakatakip sa kan'yang mukha at gulat akong nilingon, "Bitch."

"Leave." Walang emosyon kong wika, aba gusto ko mang makipag-laro sa kan'ya pero may mas mahalaga pa akong gagawin. 

Sumulyap ito kay Ma'am na sigurado naman akong humihingi ng tulong, dahil halata naman sa expression sa kan'yang mukha. At ayon 'yong matanda naka-upo sa upuan n'ya at nakatitig sa amin habang nakain pa nang mani. 

Wala sigurong popcorn 'to.

"One."

Halos magmaka-awa't lumuhod na itong naka-tingin kay ma'am na binigyan lang s'ya ng kibit-balikat.

"Two."

Humarap ito akin, kaya naman ay inilagay ko sa likod ko ang kamay at may isinummon duon na isang patalim. Pinaglaruan ko 'yon sa harap n'ya at matatawa ka talaga dahil mukhang natatae ang gaga. Mabilisan itong lumisan ng silid na ikina-iling ko. 'Kailangan pa talagang pakitaan ng patalim bago umalis. Tsk.'

"Tinakot mo naman masyado." komento nito kaya naman ay nalipat ang tingin ko sa kan'ya.

"Ayaw umalis eh." simpleng wika ko at naupo sa isang single sofa.

"Wew. Oh, eh, ah. Ano ba 'yong sasabihin mo at muntik mo ng ipahamak ang existence natin dahil sa teleportation mo?" tumayo na ito at tumungo sa akin, naupo sa upuang kaharap ko.

"Kahit naman malaman n'ya, titikom at titikom ang bibig noon o tatanggalan ko sya ng abilidad sa pag-sasalita." huminga ako ng malalim, "I found it and I need your help to find it again."

ENCHANTED ACADEMY: Behind the truthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon