EA 2.27: Arrived

353 17 3
                                    

Timer's POV

'Hindi nga, Ayoko Lix!'

Niyugyog ko ang balikat ko at ngumuso, "Naman kasi, boss! Dali na! At sinabi na ngang huwag n'yo ako tatawaging Lix! Gross!"

'Bahala kang manigas d'yan!'

Napa-irap ako ng wala sa oras, "Kailangan nga kasi Boss! Para ka na namang bakla eh!"

'Aba loko kang Lix ka! Alam mo namang nandidiri ako kapag ikaw natawag sa buong pangalan ko!'

"Aba loko ka rin, Boss! Alam mo namang nandidiri din ako kapag tinatawag akong Lix! Quits lang, dali naaa! Kailangan ko kayong kausapin!"

'Kausap mo na!'

"Kayo nga diba, 'kayo'. Ibig sabihin kayong lahat! Dali na kasi Boss! Nababakla ka na naman eh!"

'Tsk, edi sila ang kausapin mo! Bahala ka d'yan!'

"Naman Boss! Alam mo ba ang nangyayari ngayon dito?! Ikaw lang ang makapagbibigay sa akin ng daan papunta d'yan!"

'Oo alam ko, so?! Mundo n'yo 'yan at lugar namin ito. Labas kami sa kung anong nangyayari d'yan! Kaya merong kayo upang mapanatili ang kapayapaan at huwag n'yong isinusumbat ang nangyayari sa amin.'

Natahimik ako at napayuko ng bahagya, "Parang awa mo na, Boss. Kahit ngayon lang, kailangan ko ng tulong n'yo. Wala kaming ibang magawa dahil si Enchant ang nakasalalay dito." Halos bulong na wika ko.

Ilang minuto pa ang nakalipas ngunit wala ng tugon mula kay Boss. Napayuko ako't napa-upo. Napasabunot ako sa sariling buhok.

Shit, wrong timing ang topak ni Boss. Kailangan kong suyuin ang isang 'yon. Bwisit talaga. Kailangan ko silang makita. Kailangan kong ibalik si Bhabe, at kailangang mahanap na din si Sydney.

Saan naman kaya nagsususuot ang isang 'yon? Pero huwag mong sabihing?

Hindi kaya nadukot s'ya ni Bhabe? Baka kasi wala s'yang kilala sa mga Darkians? O kaya, hala baka sumunod si Aicey tapos isa-isa hanggang kay hon--- oh no-no-no.

Hinampas-hampas ko ang ulo ko. Napapraning ka na Timer. Nababaliw ka na. Huwaaa! Bhabe naman kasi eh!

I swear kapag nakita ko s'ya, babatukan ko ng hard ang isang 'yon.

Bwisit, bwisit.

"Mukha kang tanga, talaga."

Natigil ako sa ginagawa at unti-unting nag-angat ng ulo. Eh? "Boss?" Kinusot ko ang mata ko at, "Hala, praning na talaga ako! Boss naman kasi eh, Bakla talaga! Hmp!"

"Aba loko ka. Babalik na nga ako!"

Nanlaki ang mata ko ng akmang aalis na s'ya, mabilis kong hinawakan ang kamay n'ya at parang nag-slow motion ang lahat hanggang sa mag-tama ang mata namin.

Dahan-dahang bumaba ang tingin n'ya sa kamay namin at parang slow-motion din kung sampalin n'ya ako.

At 'yong sakit ang hindi slow-motion. Napahawak ako sa pisngi at inis na tumingin sa kan'ya. "Kadiri ka talaga, Lix!"

"Luh, anong kadiri doon Boss?! Parang hawak kamay lang eh, may pagnanasa ka siguro sa akin!?"

Tumaas ang kamay n'ya at naglikha ng mahika, nanlaki naman ang mata ko at mabilis na itinaas ang dalawa kong kamay, "Kunin mo na ako, Boss. Hindi ako papalag sa kahit anong gusto mong gawin! Basta huwag mo lang akong papatayin, kahit pa halay--"

Napadaing ako ng sumakit ang paa ko at nakita ko s'yang nakatitig doon, "Hala boss! Sorry na! Hindi ka na talaga mabiro! Boss naman! Aray! Aray! Sorry-- Aray!"

"Puro ka kalokohan, bilisan mo na d'yan at gusto ko ng bumalik. Baka magbago pa ang isip ko at hindi talaga kita samahan." 

Impit na tili ang kumawala sa akin at 'saka tumitig kay Boss. Nanlaki naman ang mata n'ya at ipinag-krus ang dalawang braso sa dibdib. "Hoy! Bakla ka ba talaga?! Kinikilabutan ako sa'yo. Grosssss!"

Napasimangon naman ako at ibinaba na ang dalawa kong kamay at ngumuso, "Nasa kalagitnaan ako ng touching-process Boss. Panira ka talaga. Tara na nga! Bilisan mo!--Aray!" 

Napa-hawak ako sa ulo ko, "Loko ka. Ako pa talaga inutusan mo?!"

"Ay hala, boss! Utos ba 'yon? Hindi ah! Guni-guni mo lang 'yon. Tara na po, hehehe?"

Umirap naman s'ya at tumalikod sa akin, "Baklang Boss. Sungit. Dilaw. Edi wow. Panget. Panget talaga. Bakla. Panget. At higit sa lah--"

"Naririnig kita, hinaan mo naman ang bulong mo baka mahika ko na magpahina n'yan."

"Boss, okay ka lang ba? Hehehe, hala. Pagkarating natin doon, magpatingin ka kay Boss Flash." Inirapan ko ang likod ng masungit na 'to. 

"Kung nananahimik ka na lang eh 'no? Wala ako sa mood at baka iwan talaga kita dito!"

Nanlaki ang mata ko at humawak sa braso n'ya. Ang OA naman ng Boss ko, makatalon wagas, "Bumitaw ka nga!" Nyenyenye. Bumitaw na ako at pinagpagan n'ya pa ang braso bago itaas ang kamay at lumikha ang isang pinto. Finally!

Inunahan ko s'yang pumasok at tinawanan ko lang ang naging reaksyon nito. Nakapasok na din s'ya at akmang babatukan na naman ako ng may halong mahika ng gumawa ako ng protective barrier ko. "Blehh, bawal mo akong saktan dito Boss! Nasa rules n'yo! Blehhh!"

"Arghh! Gusto na kitang itapon sa labas!"

"Hehehe, mamaya na lang Boss. Magkukusa pa ako kung gusto mo."

Napapikit naman s'ya at lihim akong tumawa. Nagsimula na akong maglakad papunta sa kinaroroonan nilang lahat. Alam ko namang nandoon na si Boss. Kapag 'yon ay napikit, it's either na naiinis s'ya o kaya naman ay magteteleport s'ya. Or pwede din namang both. 

Natanaw ko naman sila, magkakasama-sama sila at tila ba seryosong-seryoso sa panonood sa isang bagay. Nag-kibit balikat ako at dahan-dahang nag-lakad palapit sa kanila. Balak ko sana silang gulatin kaso, oo nga pala mabilis sila makaramdam ng presensya. Nag-lakad na lang ako ng normal papalapit sa kanila, bakit naman hindi sila nalingon sa gawi ko?!

Hindi ba nila ako na-miss?! ang bad! Or baka naman wala silang pakialam tapos sawa na sila sa gwapo kong mukha?! Ha! Huwag naman! 

Ngumuso ako at kalalabitin na sana si Boss Dark ng makita ko ang pinapanood nila. Natigil ako sa kinatatayuan at kumunot ang noo ko. 

Nanonood sila sa isang salamin at nandoon si Bhabe at Thin. Saktong-sakto ang nakita ko, walang malay si Thin habang naka-lutang at taimtim naman na naglalakad si Bhabe patungo sa kaharian ng mga Darkians.

"What the hell is going on?" Bulaslas ko at lumingon naman sila sa akin, napako ang tingin ko sa salamin. Anong? Bakit kasama n'ya si Thin?! Anong nangyayari?! Hindi pwede ito! Naghahamon talaga s'ya ng isang digmaan, pero hindi maaari! Wala ang prinsipe ng Lupa! Hindi kumpleto ang kulay! Shit, ano bang binabalak mo Bhabe?!

"She took him."

➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪
Black's Note

"She's declaring, what are they doing?"

Thank you Purples. Vote and Comment. Continue supports. I purple You.

ENCHANTED ACADEMY: Behind the truthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon