EA 2.17: Old School

563 19 0
                                    

Black's POV

Noong bago umalis ng mundo ng mahika si Hailey ay nag-kukulong ito sa kan'yang kwarto. Malalim ang iniisip, nakatulala sa kawalan habang pinaglalaruan sa kan'yang kamay ang isang mahika na may kakaibang lakas na inilalabas.

Isa itong mahika na malakas ang kapangyarihan sa pamamagitan ng matinding kagustuhan. 

Gumawa s'ya nito na may pinanghahawakang malakas na kagustuhan, at iyon ay ang harapang makaharap ang Diyos ng lahat ng Diyos. Gusto n'yang matapos ang bagay na kan'yang sinimulan. Gusto n'yang huwag madamay ang mga kan'yang pamilya at kaibigan. 

Kani-kanina lamang ay gumawa ito ng isang ritwal. Ritwal upang hingin ang tulong ng iba't-ibang elemento. Tulong na magbibigay sa kan'ya ng kaisipan upang hanapin ang dapat hanapin at kausapin ang dapat kausapin.

At ngayon nga habang naghihintay sa responde ng mga ito ay ito ang gan'yang ginagawa. Maya-maya lamang ay biglang nag-tila punding ilaw ang kan'yang mahika sa paglaho't paglitaw. Nakuha nito ang kan'yang atensyon at mabilis pa sa alas kuwatrong tumayo.

Isa itong simbolo na nagpapahiwatig na pumapayag ang mga elemento, hinintay niyang matapos ito. At hindi nagtagal ay biglang lumitaw ang isang bagay na hindi pamilyar sa kan'ya.

Isa itong may kaliitang diyamante at nasa loob nito ang ilang mga buhangin. At kung ating susuriin ng mas mabuti, mararamdaman mong may kakaiba talaga dito.

At dahil nga ang mga elemento ay walang kakayahang magsalita, she take it as a magical thing that lost and needs to be find. 

"Saan ko hahanapin ang bagay na ito?" wala sa sariling hasik nito.

Naglaho na ang mahika ngunit hindi pa rin nito isinasarado ang kan'yang palad.

"Baka mamaya choosy ito at parang tangang nagtatago kung saan man." pa-irap na dagdag pa nito.

Akmang hahakbang at isasarado na ng biglang isang dahon ang lumitaw sa kan'yang palad at napataas ang kan'yang kilay. 

Hinawakan n'ya ito gamit ang isang kamay at unti-unting ini-angat ito, bahagya pang inilapit sa kan'yang mata. 'The life element sent something? i wonder what is this.'

Bigla namang lumaki ito at lumikha ang ilang letra sa ibang anyo. Agad n'ya itong binasa.

"OUTSIDE WORLD"

'Eh? Sa mundo ng mga tao? Ibig ba nitong sabihin ay nandoon ang bagay na ito? Tsk. Kasasabi ko lamang kanina na baka  choosy ito at pahirapang mahanap, aba'y gago tama nga ako. Lesson learned. DO NOT SPEAK NIETHER THINK ABOUT SOMETHING CARELESSLY. Kung nagkataong simulan kong maghanap dito ay aabutin ako ng siyam siyam.'

Nagkibit balikat na lamang ito and she flick her finger causing her dress to change into a long dress with a cloak.

Kinuha nito ang dahon at bumalik ito sa dating anyo, pinalutang iyon at mabilisang pinalipad palabas ng kwarto nito patungo sa isang lugar kung saan ito nanggaling. "Thank you, the element of life."

Narinig naman nito ang mga sigaw ng kaibigan n'yang sina Aicey at Sydney na sinasabihan s'yang lumabas kahit saglit man lang, napa-buntong hininga na lamang ito at napa-yukom ng mga kamao. 

Isang malungkot na ngiti ang kan'yang pinakawalan bago maglaho at siguradong patungo ito sa mundo ng mga tao.

Enchant's POV

ENCHANTED ACADEMY: Behind the truthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon