EA 2.19: Pretend

515 22 0
                                    

Enchant's POV

Aigooo~

Napa-tingin ako sa sarili ko, suot ko ang uniporme ng LU. After two years, nakakatawa lang. Akalain mo nga namang magiging estudyante ulit ako dito.

Well, not totally.

"Are you sure?" I asked ma'am for the ninth time.

Eh kasi naman, Kailangan ko daw na pumasok ulit dito. Baka daw kasi isa sa mga estudyante ang may hawak noon. Nakita n'ya daw iyon. Siguradong isang estudyante.

"Oo nga, ang kulit mong bata ka."

"Tss-- pero 'di ng--"

"Oo nga! Isa pang tanong princess, mababatukan na kita! Wala akong pakialam kung mas malakas ka sa akin!" Sigaw nito, napahagikgik nalang ako ng wala sa oras.

"You know, mainit pa din ako sa mga estudyante dito kahit na ilang taon ang lumipas. Lalong lalo na sa mga nakakita." Paliwanag kondito habang inaalala ang nangyari, noong nagawa kong itulak si Laira. Noong unang lumabas ang kapangyarihan ko. Noong unang nagkaroon ako ng lakas upang lumaban. Noong panahon na 'yon ang dahilan kung bakit ako napunta sa Akademya. Noong panahon na 'yon ko sila nakilala.

At...

Noong panahon na iyon, doon nagsimula ang lahat bago ko nabago ang kwento ng aking buhay.

Minsan nga naiisip ko, what if mas pinili kong manatili dito? What if mas pinili kong hayaan na saktan nila ako? What if hindi ako napuno at sana hindi ko nagawa ang bagay na 'yon? What if...

What if kung hindi ko sila nakilala?

Ang hirap siguro.

Ang hirap maipit sa isang sitwasyong hindi mo naman gustong mangyari. Ang hirap tanggapin na ikaw ang dahilan ng lahat ng nangyayari.

What if?

Regrets?

Words?

Mahirap talagang kalaban ang isip 'no? Isip at puso.

Sa isip mo, puro salita ang naglalaro. Sa puso mo, puro damdamin ang nasayaw.

Ano nga ba ang nasa puso ko?

Binalot ng pagmamahal ang puso ko. Pagmamahal para sa mga taong pinahahalagahan ko. Ano ng mangyayari sa kanila kung mawawala ako?

Ano naman ang nasa isip ko?

Puro salita. Salita na nag-uudyok sa akin na ako ang dahilan ng lahat. Na gawin ko ang lahat para mawala sa mundong ito.

Ang hirap. Nahihirapan ako hindi para sa akin. Nahihirahapan ako, nahihirapan ako kung paano ko aayusin ang lahat ng ito? Paano kung dahil sa pagbabaging ginawa ko madamay muli ang isa sa mga taong mahal ko?

Nakakatakot. Nakakatakot magkaroon ng ganitong kapangyarihan. Nakakatakot na mamuhay sa mundong maraming nagmamahal at nagtitiwala sayo. Nakakatakot kung malaman nila ang ginawa ko. Nakakatakot kung bakit ba sila ang kailangang idamay sa halip ay kasalanan ko naman?

"...Hailey? Enchant? Princess?" Nahagip ko ang kamay nitong kumakaway sa harap ko.

"Oh?-- ah, oo. Ano po ulit ang sabi n'yo?"

Kumunot naman ang noo nito, "Are you okay?"

I'm not. "Syempre naman po! Ako pa, HAHAHA! Ano nga po ulit ang sinasabi n'yo? May naalala lang ho ako kaya medyo nawala ako sa sarili ko, hehehe."

"Hay nako, ikaw talagang bata ka. Ang sabi ko kako, why don't you change your appearance?"

"Ha?"

"Baguhin mo pansamantala ang itsura mo para hindi ka makilala ng ibang estudyante."

"Ah..." Hala, hindi pwede. Pagagalitan ako ni mahal kapag nalaman n'ya. Gustong-gusto pa naman noon ang itsura ko.

Gago pa naman 'yon. Gumawa pa ng kasunduan na hinding-hindi ko babaguhin ang itsura ko.

Ding!

"Eh, kung tanggalin ko nalang ho kaya nga memorya nila?"

Napa-hawak naman ako sa batok ko ng bigla akong batukan ni ma'am. Damn, ang sakit ha! Bakal ba kamay nun?!

"Are you insane? Aigoo, Wala bang nagtuturo sa'yo tungkol sa mga batas ng mundo natin sa mundo ng mga tao?"

I pouted my lips at umiling-iling, "Natakas ako kila Ate Kait.-- oh! Kalma, ma'am! Mas malala ba sa bakal ang kamay n'yo! Masakit ho kayong mambatok!"

"Bakit ka naman natakas?! Ay nako, may prinsesa kaming ganito?" And she make a face, "Kapag natapos mo na lahat ng ito at maka-usap mo s'ya. Siguraduhin kong araw-araw kang may klase sa akin!"

Kung matatapos ko ito,

"Bawal kang magbura ng mga ala-ala ng mga tao. We have extraordinary magics, and they have powers" tinuro nito ang sentido ko, "In here."

"Humans can't lose their memories. It's their weapon. You know what I mean, namuhay kang isa sa kanila. They easily believe on what they see and what they thought it would be. Memories are their strength and at the same time, weakness."

"Once you take away their mamories with your magic, you are in trouble."

Napalaki naman ang mata ko, oh my gosh. What in a world---

Hala! "M-ma'am, hindi ko ho sinasabing may nabura ako ala-ala. Pero what if po kung m-meron nga? Anong mangyayari?"

Patay ako nito, woah. Dapat pala talaga umattend ako ng mga lecture chuchubels nila Ate Kait! Dapat nagtiis nalang ako sa maingay na boses at mga boring na kwento! Edi sana alam ko! Wahh! Kung alam ko lang! Shit, dapat pala gumamit ako ng visions! Masyado akong nagpaubaya sa tadhana!

"Kung..." Napatitig ako kay ma'am habang nalunok at tumango-tango pa.

"Kung..." Kung ano ma'am?

"Kung.. fu panda."

"Eh?!" Napa-ayos tuloy ako ng tayo, "Yah! Ma'am! Don't play pranks on me!"

"Sinong may sabing nagp-prank ako? Seryoso ako."

Napataas ang isang kilay ko at tinitigan si ma'am ng mataimtim. Hanggang sa makumpirma kong seryoso nga ito.

"Kung fu panda?" Bulaslas ko na lamang, ano naman 'yon? Manonood ba kami? Kalalabanin namin 'yon? Teka! Teka! Eh hindi nga totoo 'yon.

"Kung may binura ka bang ala-ala, ibalik mo na habang hindi pa nakalilipas ang tatlong araw. Dahil kung hindi, may mga guardian ang bawat tao. Obviously na mga panda sila, lagot ka pagnagkataon. They have the powers to manipulate your mind at hindi mo iyon mapipigilan. Mas matibay ang kakayahan nila kahit kanino pagdating sa mga isip."

Agad kong pinalakpak ang kamay ko ng tatlong beses at lumabas doon ang mahika. Mga ala-ala iyon nila Laira. Wala na naman akong paki kung matandaan nila iyon, malay mo isipin nilang guni-guni iyon.

Sinong tao ba naman ang magpapaniwala sa ganoong mga bagay.

Magpapaka-nerd na lang ako, 'di ko talaga pwedeng baguhin ang itsura ko. Baka biglang mag-bigay ng babala iyon kay mahal at malaman pa kung nasaan ako.

Hindi pwede.

Okay na siguro ang wig at malaking salamin?

"Tss. Sinasabi ko na nga ba. Aigoo~ you got a long way to learn."

➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪
Black's Note

"May 'what if' ka rin ba?"

Thank you Purples. Vote and Comment. Continue supports. I purple You.

ENCHANTED ACADEMY: Behind the truthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon