Kabanata 1

23.8K 611 8
                                    

KABANATA 1

“Alicia lahat na ng tanim sa bukirin ay pineste na. Kung namumunga man ang mga puno ay hindi rin naman mapapakinabangan ang bunga. Ang pesteng dumapo sa mga tanim natin ang dahilan kung bakit bumababa ang kita ng buong Alta Tierra.” mula sa labas ng pinto ay dinig kong wika ni Tito Zach. Bakas sa tinig niya ang bigat ng kanyang problemang kinakaharap.

Noong nakaraang taon ay dinapuan ng peste ang mga tanim sa Rancho ng mga Montecillo. Noong una ay hindi pa nakakabahala dahil akala namin ay hindi na iyon lala lalo na at mabilis iyong inagapan ni Tito Zach ngunit hindi iyon kaagad nalutas dahil bawat araw ay dumadami ang napipinsala ng peste. Ngayon ay ang buong taniman ay apektado. Kokonti lamang ang napapakinabangan sa mga tanim na na-ani.

“Unti-unti ng nalulugi ang Rancho at lahat na ay nilapitan ko upang matulungan tayo. Kailangan natin ng bagong kagamitan sa pagsasaka at kailangan natin ng puhunan para mapaganda nating muli ang lupa. Ang mga dati kong kakilala ay hindi na ako matulungan.” puno ng hinanakit na wika ni Tito Zach patungkol sa mga dati niyang kaibigan.

Limang taon ng kasal sina Mama at Tito Zach. Sa unang taon ng pagsasama nila ay natapos din ang termino ni Tito Zach at hindi na muling kumandidato sa pagka-Mayor. Pinagtuunan niya ng pansin ang Rancho at ang mga negosyo nila dito sa Alta Tierra.

“Z-Zach alam kong mahirap ang kinahaharap natin ngayon pero makakahanap pa tayo ng paraan.”pagpapalakas ng loob na wika ni Mama.

“Madaming trabahador ang umaasa sa Rancho at kung hindi tayo kaagad makakahanap ng paraan ay mawawalan sila ng trabaho. Hindi sapat ang kinikita ng manukan at babuyan sa pagpapasweldo pa lang sa mga tauhan natin”

Napabuntong hininga ako sa narinig ko. Tama si Tito, oras na hindi kami makahanap ng paraan ay maraming trabahador ang mawawalan ng hanap-buhay.  Marami ang umaasa sa Rancho ng mga Montecillo at hindi ito pwedeng malugi.

Kumatok ako ng tatlong beses at tuluyan ng pumasok sa library. Napatingin ang mag asawa sa akin. “May kailangan ka ba hija?” tanong ni Tito Zach at bahagya pang ngumiti upang mapagtakpan ang problemang kinahaharap niya.

Tumingin ako kay Mama na nakaupo sa harap ng mesa kaya umupo din ako sa bakanteng upuan na katapat niya.

“Tito bakit hindi tayo humingi ng tulong kay Zayden?” paglalakas loob kong suhestiyon. Nakita ko ang mabilis na pagsilip ng pangungulila sa mata niya ngunit mabilis iyong napalitan ng lungkot.

“I already tried hija ngunit madalas sumasagot sa tawag ko ay ang sekretarya niya at halatang iniiwasan niyang magkausap kami.” malungkot na wika niya.

Natahimik ako sa sinabi niya. I know how hard it is for him. Ilang taon ng hindi umuuwi si Zayden dito sa Alta Tierra at madalas na makita ko si Tito na nakatingin sa kawalan. I know he miss his Son.

“Pupuntahan ko siya. I know he will help us.” matatag na wika ko kahit na sa loob loob ko ay kinakabahan ako.

“No Hija. Masyadong malayo ang maynila para ipadala kita doon. Baka kung ano pang mangya-”

“Tito I insist. Kailangan natin ng tulong niya. Maraming umaasa sa Rancho at oras na malugi ito ay mawawalan ng hanap buhay ang mga trabahador na dito umaasa. At isa pa alam ko na hinihintay lang mga Belmonte ang tuluyang pagkalugi ng Rancho upang mapilitan tayong ipagbili ito sa kanila. At hindi ko mapapayagan iyon.” mahabang sagot ko.

Ang mga Belmonte ay ang mahigpit na kakumpetensya ng mga Montecillo sa Alta Tierra. Matagal na nilang gustong bilhin ang Rancho dahil malaki itong lupain na malapit sa dagat. Gusto nilang magtayo ng Resort sa Alta Tierra.

Kung sanang simpleng Resort lang ay maaari pa kaming pumayag pero usap-usapan din sa bayan na gusto nilang kunin din ang Rancho upang magkaroon sila ng malaking bahagi ng lupain sa bayan at kapag nagkaganon ay mas malaki ang tyansang magpapasok sila ng mga illegal logger sa Alta Tierra.

Heartless Society 1: If our Love is wrong (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن