Kabanata 14

15.4K 524 24
                                    

Kabanata 14

"Pack your things. You can stay at my house for a week." aniya kaya napamulagat ang mga mata ko.

Seryoso ang mukha niya at para bang walang nagyari kanina kung umakto siya.

Earlier we just confront each other. Nagalit siya sa akin dahil sa pagpupumilit kong tulungan niya ang Farm but now... I dont know! He's.. He's.. Unpredictable!

"N-No need. Uuwi na rin ako kaya hindi m-"

"Just pack your things Xena." putol niya sa sasabihin ko kaya naman muling umusbong ang inis sa dibdib ko. He always use his authoritative voice if he wants something! Hindi ko siya maintindihan!

"Whats your deal Zayden? Hindi ba at ilang ulit mo nang tinanggihan ang hinihingi kong tulong? Dont let me misinterpret your action!" may halong inis na wika ko.

I dont get him. Kanina ay galit siya pero ngayon ay tila ba nagmamalasakit siya. He's confusing me!

Huminga siya ng malalim at kinuha sa kamay ko ang susi na hawak ko kaya muling kumunot ang noo ko at tangkang kukunin iyon sa kanya.

"N-Nasaan na nga yan! Ano ba?!" inis na sigaw ko sa kanya habang pilit na kinukuha ang susi ngunit hinarang niya ang likod niya sa akin at binuksan ang pinto nang apartment ko.

"Dont be stubborn Xena. Pack your things." aniya nang mabuksan ang pinto. Sumandal siya sa hamba ng pinto at tumingin sa akin.

"What is it Zayden?! Ayaw mo kaming tulungan hindi-."

"Just give me a week to decide." putol niya sa sasabihin ko kaya natigilan ako. Hindi makapaniwalabng tinignan ko siya.

He looks serious but why?  "W-Why?" nanulas sa labi ko ang tanong na nasa isip ko.

Hindi ko maintindihan. Kanina lang ay todo tanggi siya na tumulong. Ano ang dahilan bakit nagbago ang isip niya?

"Dont ask question Xena. I'll give you one week to persuade me. Make me say Yes." aniya bago kunin ang palad ko at ilagay ang susi doon.

Bahagya pa akong napaatras nang yumuko siya upang magpantay ang mga mukha namin.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa kaba. Tinignan niya ako sa mata bago bumaba ang tingin niya sa labi ko na nakapagpakabog sa dibdib ko. W-What the heck is he doing?!

"I'll wait you on the car." aniya matapos ang ilang sandali.

Nang makalayo siya ay saka palang ako nakahinga nang maluwag. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko.

'Heart stop beating so fast!' bulong ko.

Tinanaw ko siya habang naglalakad siya palabas ng gate. Napailing na lang ako. I need to grab this opportunity I guess.

****

Pagdating namin sa bahay niya ay mas mas lalo akong namangha. Halos gawa sa salamin ang bahay. It was a three story house.

Bumaba ako ng sasakyan at tumingala sa buong bahay. Kung sa Alta Tierra ay spanish style ng bahay, ang bahay naman ni Zayden dito ay modern style.

"Sinong kasama mo dito?" tanong ko sa kanya habang sumusunod sa paglalakad niya. Masyadong malaki ang bahay na ito para sa kanya.

"Tatlong kasambahay, isang hardinero." wika niya kaya napatango ako.

Pumasok siya sa loob ng bahay kaya sinundan ko siya. Unang makikita pagpasok sa bahay ay ang malaking sala. May dalawang love seat na nandoon at isang sofa. Sa gitna ang center table na may mga magazine.

Heartless Society 1: If our Love is wrong (COMPLETED)Where stories live. Discover now