Kabanata 13

15.3K 634 35
                                    

Kabanata 13

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng tunog ng nabasag na bote. Ang mga babae namang nasa kwarto ay napatili. Napatingin ako kay Zayden. Madilim ang mukha niya habang kuyom ang kamao.

Yes. Siya ang nagbato ng bote sa pader kaya iyon nabasag!

"Z! You're scaring the girls!" suway sa kanya ni Ace na nasa gilid ko. 

Hindi sumagot si Zayden at nanatili lang na nakatingin sa akin.

Nangangatal ang kamay ko sa kaba at takot. Kahit na nakasama ko siya sa Alta Tierra noon ay ngayon ko lang siya nakita na nagbasag ng gamit dahil sa galit. He didn't do it before. Kapag galit siya ay umaalis siya pero ngayon ay nag iba na talaga siya.

"All of you leave." mahina ngunit maotoridad na wika ni Zayden kaya mas lalo akong kinabahan. Tumigil sa pagpatak ang luha ko at mas nangibabaw ang kaba.

"Chill bro! Baka matakot ang kapatid mo sa-" natigil sa pagsasalita si Blake nang tignan siya ng masama ni Zayden. Nakita ko ang pagsiko sa kanya ni Sage kaya naitaas niya ang dalawang kamay sa ere."My bad." si Blake.

"Leave us." ulit ni Zayden sa mababang tono na muling nalipat sa akin ang paningin kaya napiwas ako ng tingin.

"Sa baba lang kami Z." Si Jaxon na naunang tumayo. Tinanguan niya ako bago lumabas kasama ang kapareha niya.

"Chill bro. Sa CR lang kami ni Steph." wika ni Blake na kinindatan pa ako bago hapitin sa bewang ang kasama niyang babae.

Si Sage at Zen naman ay tumango lang sa akin bago ako lagpasan.

"Sa counter na ako." wika ni Ace na nasa gilid ko. Tumango ako sa kanya at nagpasalamat. Pagkaalis nilang lahat ay muli akong tumingin kay Zayden.

Ngayong kaming dalawa nalang ay mas lalo akong kinabahan. Nakaupo pa rin siya habang ako ay nanatiling nakatayo.

"Are you that desperate to get some money from me?" sarkastikong tanong niya kaya mabilis na gumihit ang sakit sa dibdib ko.

"H-Hindi lang dahil sa pera kaya nandito ako Zayden. The Farm needs you. Kailangan ka ng Papa mo. Kailangan ka namin doon." mahinahong wika ko ngunit hindi ko maiwasang hindi mautal.

Mabilis siyang tumayo at nakalapit sa akin. Too close to feel his warm body.

Lihim akong napalunok. "Tell him that I don't need him. Hindi ako aapak sa luapin niya. Solve his own problem." malamig na wika niya.

"He's your father!" halos maisigaw ko dahil sa inis at frustration sa  pakikitungo niya sa akin.

Tumawa siya ng pagak bago umiling. "No Xena. Wala na siyang anak. He lost his son five years ago."

"Y-You're heartless Zayden." mahinang wika ko habang tumutulo ang luha sa mga mata ko. I tried to control my tears but I cant. "I-I went here to asked help. Nandito ako hindi dahil inutusan ako ng Papa mo...N-Nandito ako dahil gusto ko.. I-I want t-to... to save the farm." wika ko habang humihikbi. parang may nakabikig sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita ng maayos.

"M-Marami ang umaasa sa farm. M-Mga tauhan niyo na naninilbihan sa inyo sa maraming taon. S-Siguro nga ay mali na nagpunta pa ako dito. I am too desperate to follow you!. I-I.. I even encounter a pervert just to persuade you. But its nonsense! I thought they are exaggerated when Ive read that they branded you as a heartless pero mukhang totoo nga. You are cold and heartless." wika ko sa paputol putol na tinig habang pigil pigil ang pagbikbi ko. Marahas kong pinunasan ang luha ko at huminga ng malalim.

Blangko ang tingin niya ngayon ngunit kuyom ang kanyang kamao. I dont know what he's thinking.

"T-Thank you for your time." huling wika ko bago ako lumabas ng kwarto walang lingon likod na bumaba ako at nakipagsiksikan sa mga tao para makalabas.

Heartless Society 1: If our Love is wrong (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon