Kabanata 29

15.3K 540 38
                                    

This chapter is Xena's point of view. Tapos na po ang flashback ni Zayden. Enjoy!

Kabanata 29

Alas tres na ng hapon at kanina pa ako hindi mapakali. Halo-halo ang emosyon ko ngayon. Tuwa,kaba at pagkalito.

Natutuwa ako dahil nagkaayos na si Zayden at Tito Zach pero may parte sa akin ang nagtataka. Anong nangyari noong nakaraang araw? Nag usap na ba sila kaya ngayon ay okay na sila?

Masaya ako na okay sila pero hindi ko maiwasang hindi mag isip kung paano dahil mukhang may alam pa man din si Tito Zach sa mangyayari mamaya.

Napatalon pa ako sa gulat nang biglang tumunog ang Cellphone ko.

Mabilis ko iyong kinuha at tinignan kung sino nag tumatawag.

Si Mika.

Mabilis ko iyong kinuha at sinagot.

"Hello." nakangiting bungad ko.

"Xena! Finally! Nacontact din kita!" bungad niya sa akin kaya natawa ako. Sumandal ako sa may headboard ng kama bago sumagot.

"Mika. Kamusta? Ang sabi ni Andrei ay nasa tagaytay ka pa."

"Yes friend nandito pa rin ako sa tagaytay! Medyo busy kami sa preparation ng kasal namin. I'm excited! Ikaw kamusta? Ang balita ko ay nandyan si Zayden ah." wika niya na bakas sa tinig ang excitement at panunukso.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Mika at Janine na crush ko si Zayden.

Noong umalis kasi si Zayden ay minsan napag-usapan namin siya kaya nalaman nila na crush ko siya.

Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at tumango kahit hindi niya nakikita.

"O-Oo. Kinakabahan nga ako e. Magkikita kami mamaya-."

"May date kayo?!" putol niya sa sasabihin ko kaya mabilis na nag-init ang pisngi ko.

I didnt think of it as a date. Pero ngayong sinabi niya ay parang biglang kumabog ang dibdib ko.

Date kaya ito?

Mabilis akong napailing sa naisip ko.

"H-Hindi.. Hindi ito date. Baka may sasabihin lang siya sa akin tungkol sa R-Rancho." ilang na sagot ko.

"Ano ka ba Xena! Kung tungkol yan sa Rancho hindi na yan mag aaya kung saan. Malay mo heto na ang hinihintay mo." kinikilig na wika niya kaya mas lalo akong binundol ng kaba.

Hindi. Parang imposible namang mangyari yon. May Zaira na siya at isa pa ay step brother ko siya. Ano na lang ang sasabihin ni Tito Zach? Ni Mama?

Napabuntong hininga ako kaya muling nagsalita si Mika.

"Alam mo Xena kung ang iniintindi mo ay dahil step brother mo siya then dont. Huwag mo munang isipin yon. You're not related by blood. At isa pa ay walang masama sa pagmamahal. Sa nakalipas na taon ay alam kong siya lang ang nag iisang lalaking nagustuhan mo. With those years pwede kang maghanap ng iba pero hindi  natuturuan ang puso kaya hanggang ngayon ay wala ka pa ring naging boyfriend. It only means that you love him. And when you love someone you need to fight for it." mahabang wika niya kaya napaisip ako.

Yeah. I love him but.. But I dont know if its right. Paano kung mali naman ang akala namin ni Mika? Paano kung wala lang ang pag aya niya sa akin mamaya? Paano kung-.

"Kahit hindi kita nakikita Xena alam ko na maramang what if ang tumatakbo sa isip mo. Wag mong pangunahan. When you are there everything will be okay. Saka ka na mag isip kapag nasa ganoong sitwasyon ka na." aniya kaya naman lihim akong napabuntong hininga.

Heartless Society 1: If our Love is wrong (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon