Kabanata 24

15K 539 19
                                    

Kabanata 24

Hindi rin nagtagal si Andrei at inabot lang sa akin ang invitation ng kasal nila ni Mika. Pagpasok ko sa loob ay natigilan pa ako dahil nakaupo sa may sofa si Zayden at nakaharap sa akin.

Mabilis kong iniiwas ang tingin ko sa kanya at akmang lalagpasan siya pero bigla siyang nagsalita na nakapagpahinto sa akin.

"Why didnt you asked him to enter the house?" aniya na kaswal na kaswal ang pagkakatanong.

"He's in a hurry. Dumaan lang siya para makita ako." sagot ko. Well its true. Hindi naman ako nagsisinungaling.

Mabilis na nagtagis ang mga bagang niya ngunit hindi siya sumagot.

Nilagpasan ko na siya at tumungo sa may hagdan para makaiwas sa kanya.

I dont know what to think.

**

Apat na araw na mula ng dumating si Zayden. I am trying my best to be casual. Nandito kami ngayon sa harap ng hapag kainan.

"Are you okay Tito?" tanong ko ng makita na parang hirap siyang huminga.

Maagang umalis si Zayden dahil inaasikaso niya ang Rancho kaya kaming tatlo lang ang nandito sa agahan ngayon.

"Uminom ka ng tubig." wika ni Mama na halata ang pag aalala sa tinig.

Tatlong beses pang umubo si Tito Zach bago uminom ng tubig.

"Napagod lang siguro ako kahapon hija. Dont mind me." wika niya at bahagyang ngumiti bago tumingin kay Mama ag makahulugang tinapik ang kamay nito.

Hindi man niya sabihin ay medyo nag aalala pa rin ako dahil sa pagbagsak ng katawan niya. Ilang beses ko ng tinanong kay Mama kung may sakit ba si Tito pero ang sabi niya ay naiistress lang daw ito sa Rancho.

Napatango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain kahit gusto kong magtanong.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam ako na pupunta ng Sagingan para tignan ang ginagawa nina Zayden ngayon. Muli kasi nilang pinapataba ang lupa. Bumili din sila ng mga bagong kagamitan sa pananim at mga bagong aalagaang hayop.

Apat na araw palang siya dito pero marami na siyang nagagawa. Kaya laking pasasalamat sa kanya ng mga trabahador.

Pagdating ko sa may Sagingan ay kaagad kong nakita ang mga trabahador sa may kubo na nagsisilbing silungan.

"Mang Isko kamusta po?" tanong ko sa kanya matapos batiin ang ibang trabahador.

"Maayos naman hija. Marami na kaming nagagawa. Sigurado ako na muling babalik ang dating sigla ng Rancho." aniya na nakangiti kaya napangiti na lang ako.

"Mabuti po kung ganon." sagot ko at iginala ang paningin ko. "Hinahanap mo ba si Zayden?" tanong niya kaya muling bumalik ang tingin ko sa kanya.

"H-Hindi! Hindi naman po!"tanggi ko na iminuwestra pa ang mga kamay ko sa pagkakaila.

"Akala ko ay hinahanap mo siya. Kakaalis niya lang kasi kasama ang anak ng dating vice mayor." patukoy niya kaya natigilan ako at napakunot noo.

Si Macey ba ang tinutukoy niya?

Napakunot noo ako at inis na inilabas ang Cellphone ko. Akmang tatawagan ko sana si Zayden pero natigilan ako bigla. Why? Bakit ko siya tatawagan? Hugh! Kainis!

Inis na binalik ko ang cellphone ko at nagpaalam sa kanila. Hindi pa man ako nakakasakay sa kabayo ko ay napataas na ang kilay ko ng makita si Zayden kasunod si Macey.

"What are you doing here?" takang tanong ni Zayden ng makalapit sa akin.

"Bawal ba akong pumunta dito?" balik tanong ko at tinignan si Macey na ngayon ay nakakapit na sa braso ni Zayden.

Heartless Society 1: If our Love is wrong (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon