Kabanata 5

17K 632 45
                                    

Kabanata 5

Maaga palang ay gising na ako kinabukasan. Ayoko man pero mukhang hindi ko maiiwasan si Zayden.

Hindi ko alam kung bakit nag abala pa siyang samahan ako ngayon. Where in fact ay paniguradong may lakad sila ni Macey.

Naligo na ako at nagbihis. Nagsuot ako ng tshirt at pantalong maong na ipinares sa converse shoes ko.

Itinali ko ang buhok at naglagay ng konting pulbos at lip tint. Isang sulyap ang ginawa ko sa salamin bago ako tuluyang lumabas.

Hindi ko na kailangan mag ayos ng sobra. Mamimili lang naman kami.

Paglabas ko ng pinto ay muntikan pa akong mapasigaw sa gulat kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.

Who wouldnt be? Nandito lang naman si Zayden at nakasandal sa hamba ng pinto.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at umalis sa pagkakasandal sa pader.

"Is that the way how you greet your brother?" Mapanuya niyang tanong na binigyang diin pa ang huling salita.

Gusto ko siyang singhalan ngunit hindi ko ginawa. Huminga ako ng malalim bago siya muling hinarap.

"Good morning kuya." sarkastikong wika ko at akmang lalagpasan siya ngunit pinigil niya ang braso ko.

Masakit ang pagkakakapit ng kamay niya sa braso ko ngunit hindi ako uminda sa sakit.

"Damn it Xena! Wag mo akong tatawaging kuya! You're not my sister!" Madiing wika niya bago marahas na binitawan ang braso ko.

Napakunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan. Kanina ay sarkastiko siya dahil ganon na lang ang bungad ko sa kanya. Sa mismong labi pa niya nagmula ang salitang 'brother' pagkatapos ngayon ay nagagalit siya.

"Ano bang itatawag ko sayo?! You're being sarcastic! You're the one who mention the brother thing pero ngayon ay nagagalit ka!" Inis na singhal ko sa kanya.

Lahat ng inis ko ay unti-unti ng kumawala. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Ang hirap niyang pakibagayan!

Nawala ang pagkakakunot ng noo niya at umiwas ng tingin sa akin.

"Huwag mo akong tawaging kuya. I hate that word."

"Dahil ba ayaw mo pa rin sa amin? Hindi mo matanggap na pamilya na tayo?"

"Hindi kita kapatid Xena! Never will!"

"Magkapatid na tayo ngayon Zayden. Hindi mo maikakaila ang katotohana-"

"I dont have sibling. End of conversation. Mauna na ako sa sasakyan. Sumunod ka." Dominanteng wika niya bago ako talikuran.

Napabuntong hininga na lang ako. Sumunod ako sa kanya sa sasakyan. Pagpasok ko ay nandoon na siya at nakaupo sa drivers seat.

"Seatbelt." aniya. Sinuot ko ang seatbelt at umupo ng maayos.

Pinaandar na niya ang sasakyan. Pareho kaming walang kibo hanggang makarating kami sa mall.

Pumunta kami agad sa bookstore. Nakasunod lang siya sa likod ko at ang nakakainis pa ay ang habang naglalakad kami ay may mga kadalagahan na pinagbubulungan siya.

Mas binilisan ko ang lakad at pumunta sa mga estante kung nasaan ang mga notebooks. Pumili ako ng notebook at inilagay iyon sa Cart na hawak ko ng biglang sumulpot sa likod ko si Zayden at inagaw sa akin ang cart.

"Let me." aniya.

Inagaw ko sa kanya ang Cart. "Ako na." walang kangiti-ngiting wika ko ngunit hindi niya hinayaang makuha ko ang Cart.

Heartless Society 1: If our Love is wrong (COMPLETED)Where stories live. Discover now